Chapter 15

71 3 0
                                    

Chapter 15: Promise

IRENE's POV

Nakatungo parin ako sa sofa at hindi ko parin matanggap ang aking mga pinagsasabi kani-kanila lang. Bakit ba ang tanga tanga ko?!

“May problema nanaman ba ang aming binibini?” narinig kong tanong ni Martha, alam niya nanaman. “Wag kang magalala hindi ko nabasa ang iyong iniisip. ” Oo nga pala, nay hangganan din ang kapangyarihan o kakayahan ni Martha. Kung ganon pala ay halata na halata ako.

“Wala lamang ito. Naguguluhan lang ako.” sinabi ko nalang ng takatungo parin.

Ayaw kong malaman pa ito ni Martha. Marami na siyang nabasa galing sa aking isipan at ayaw ko ng madagdagan pa ang kaniyang mga nabasa o narinig.

Naramdaman ko nalang ang kaniyang pag-upo sa gilid ko.

“Alam mo ba ito ang unang beses na mapalapit kami sa kagaya mo? Alam kong napalapit na ako sayo, hindi ba?” napatango nalang ako.

“Dati ay ikinukulong lang namin kayo at hihintayin ang takdang araw pero ngayon? Hindi ko na alam. Nagbago na ang aming nakasanayan.” hindi ko batid kung anong emosyon ang mayroon siya.

May hula na ako sakanilang gagawin pero hindi ko kaya itong itanong sakanila. Hindi ko kaya.

Tumayo na ako. “Alam mo Irene? Kung may iba pang paraan gagawin namin yun.” dito na tuluyang tumulo ang luhang kanina ko pa tinatago.

Tumakbo ako patungo sa aking kwarto saka iyon sinara.

Agad akong sumampa at umiyak saaking unan.

Bakit pa ako? Anong ginawa kong mali? Ang sakit sakit na. Nawalay na ako sa aking kapatid tapos ito pa? Sobra sobra na ito.

“Irene...”

Umiling iling ako.

“Irene patawad...”

Bakit ako pa? Bakit?

“Magpakatatag ka Irene, kailangan mo maging matatag...”

Please, tigilan mo na ako. Please...

“Irene, gawin mo lang ang tama...”

Diretsohin mo nalang ako, hindi ko na kaya parang awa mo na! Sobra na akong nasasaktan...

“Irene, hindi ako gagawa ng hakbang naikakapahamak mo. Konting tiis nalang, malapit kana Irene...”

Napabangon agad ako, nakatulog pala ako.

Sino ba siya? Sino ba itong babaeng nasa panaginip ko? I never seen her face just her sweet yet mysterious voice.

Napabugtong hininga naman ako. Ilang beses niya naba saakin sinabi yun? Nakakasawa na, kung magpapaliwanag siya mas maiintindihan ko pa.

Kailangan ko ng sagot sa mga tanong ko o kung hindi mamatay ako sa kakaisip dito. Ay teka, hindi pala ako mamamatay ng dahil sa pagiisip. Napangiti nalang ako ng mapait.

I believe I should live my life to the fullest while I still have the chance to do so but how? Kung alam kong agad ay mawawala din ako. Paano? Kung laging pumapasok sa isip ko iyon.

“Nakakapagod ng isipin yun! Jusko Irene magisip ka naman ng iba!” saway ko sa aking sarili. Oo, mukhang nababaliw na ata ako dito.

Hays, anong oras na ba?

Pumunta ako sa terrace nitong kwarto. Hmm, gabi na pala.

Ang tagal ko palang nakatulog, wala man lang gumising saakin. Di pa ako kumakain e! Gutom na ako.

Binuksan ko yung kabinet na pinaglagyan ni Martha ng aking mga pansamantalang damit.

Kumuha ako ng isang peach cardigan. Medyo nilalamig kasi ako ngayon. Lumabas uli ako sa may terrace at dumungaw sa labas.

Ang tahimik ng paligid nakakapanibago pero gusto ko. Parang wala akong prinoproblema.

“Penny for your thoughts?”

I smiled even thou he can see my face. How ironic? Parang nung isang gabi lang kinamumunghian ko siya tapos eto na, di ko na alam.

Humarap ako sakaniya. “Bakit nandito po kayo Lord Arvic?”

“I don't know.” nakibit balikat siya.

“Imposibleng hindi mo po alam.” Kailangan ko parin siyang galangin kahit na ganito ako ngayon.

He sighed.“Dinala ako dito ng aking mga paa.” tiningnan ko siya.

“hmmm...” magaling naman pala siya magtagalog ngayon ko lang napansin. Lagi ko kasing napapansin na nag iingles siya at bihira ko lang siya marinig na mag tagalog.

Napabugtong hininga ako at saka tinanong ang tanong na pinanghahawakan ko. Dito nakasalalay ang buhay ko.

“Kailan ang full moon?” I said looking at the sky. Ang daming bituin ngayon pero hindi nito napapagaan ang paligid ko.

Napansin kong napatigil siya at pumunta sa railings ng terrace, nasa likod ko na siya kaya hindi ko kita ang kanyang reaksyon.

Naramdaman ko ang mahina niyang pagbugtong hininga na parang hirap na hirap siyang sagutin ang tanong ko.

“It's fine, you can tell me.” Sabi saka sumandal sa railing nakatingin parin sa langit.

Nakita kong napatitig din siya sa taas.

“After three weeks the full moon will appear.” umiling siya. “No, the bloody moon.”

Napangiti ako ng mapait. So, I got three weeks left.

Naramdaman ko nalang ang kanyang kamay sa aking kamay saka ako hinila sa kung saan.

Saan mo po ako dadalhin?!baka ipasavage ako nito ng maaga!

Shut it, and please cut the formalities.

Patuloy padin siya sa paghila saakin. Dumaan kami papunta sa taas pero sa ibang daan kami tumungo. Umakyat pa uli kami sa isang hagdan na ngayon ko lang napansin o nakita. Lumiko pa kami sa isang hallway na napaka-dilim. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay. Hindi niya ito pinansin bagkus hinigpitan niya din ang pagkakahawak saakin. Dumaan pa kami sa isang pito saka na nahulog ang aking panga sa gulat.

“W-wow...

Dito sa pinasukan namin ay isang garden na nasa pinakataas ng mansion. Napatitig ako sa mga magagandang halaman at bulaklak sa paligid.

“This isn't the place yet.he smirked.

Nagpahila uli ako sakanya saka kami umakyat sa hagdan dito na paikot. Pagdating namin sa taas, oo may taas pa pala ito. Namangha agad ako. Dinala niya ako sa may swing saka pinaupo.

“This is my private place.”he said.

Napatingin ako sa taas at kitang kita dito ang stars sapagkat glass ang nagsisilbing kisame o bubong dito. Batud kong matigas ito kaya hindi ito madaling mabasag.

“Bakit mo ako dinala dito?naibulong ko na lamang.

He stood and gave me a faint smile. Naglakad siya konti papalayo at saka ko nakita na may kinuha o binunot siya. Napasinghap ako sa akung nakita.

A black rose...

He smile, “Iba iba ang kahulugan ng itim na rosas sa isang tao pero para saakin itong ay isang bulaklak ng pangako. At ngayon gabi sa harap ng bituin pinangangako kong muli na mananatili ako sa iyong tabi. Pangako.

————————————————————————————

Alam ko po sabaw T3T.

The Seventh MaidenWhere stories live. Discover now