Chapter 16

80 3 0
                                    

Chapter 16: Siblings

IRENE's POV

Nakatitig ako sakanya, hawak-hawak ang rosas na kanyang ibinigay.

Malaking parte saaking ang nagsasabi na yakapin ko siya pero meron din na wag akong maniwala sa kanya. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa at sinasabi. Para ba makuha ang aking loob at hindi na sila mahirapan? o dahil totoo ito at handa siyang tuparin ito?

Nalilito ako sa kanyang kinikilos sapagkat ibang iba to sa nakilala kong Lord Arvic.

Bakit nga ba ako dinala dito? Upang sabihin lamang ito? Bakit dito pa kung pwede naman sa baba nalang?

“You can talk you know.” sabi niya, showing me a half smile.

“Hindi ko alam ang sasabihin ko.” nasabi ko nalang. Totoo naman e. Litong lito na ako upang malaman pa kung anong sasabihin ko sakanya.

“It's okay.” he shrugs.

Alam kong may inaasahan siyang sabihin ako pero hindi ko yun magawang sabihin bagkus nagtanong ako.

“Bakit mo ito ginagawa? Sinasabi?” yumuko ako. Ayaw kong tingnan ang mata hinumaling ako. Ayaw kong tingnan ang maga niya habang nagsasalita. Ayaw kong tingnan ang mata niya habang nagsisinungaling siya.

“Look at me.” he said softly.

Umiling ako. “I c-can't, manghihina ako.”

“You've been staring at me since you step in this mansion.” he said a matter of fact.

I didn't answer instead he lift my chin up to face him.

“I'm doing this cause this is the right thing to do.” he smiled softly at me.

Staying by my side is the right thing do to? Hindi, killing me for him is thr right thing to do. Alam ko yun yon, nagawa na nila yun sa iba at alam kong dadating din ang panahon ko.

Haha sa susunod na tatlong linggo na pala yun.

Hindi na ako umimik pa instead hinatid niya ako papunta sa kwarto ko saka din ako iniwan. Stay by my side pala ha.

Tsk! Ano ba Irene?! Wag mong sabihin naniniwala ka sa mga pinagsasabi niya? Isa yung napakamalaking kalokohan tandaan mo! Binibiro ka lang niya. Wag kang masyadong umasa.

Pero hindi ko maiwasan.

Masama bang umasa na pwede? Na kaya niya? Kaya ko? Na pwedeng may maiba? Na totoo yung sinabi niya? Yung pangako niya?

Pwede naman siguro diba? Wala namang imposible diba?

“Maawa ka naman sa sarili mo Irene. Sobrang nasasaktan kana. Tama na...” pagkausap ko sa tangang sarili ko.

Kahit na gusto ng puso ko pinipilit parin ng utak ko na hindi pwede, na bawal.

Hanggang kailan nalang ba ako masasaktan? Hanggang kailan nalang ba ako aasa? Hanggang kailan nalang ba ako magdudusa? Hanggang kailan nalang ba ako iiyak?

Ang dami ko ng tinanong ngunit ni isa walang nasagot. Ni isa wala. Walang wala.

Sana sa pagpikit ko sa aking mga mata balik na sa dati yung buhay ko. Yung buhay na hindi ko pa sila nakikilala, di ko pa siya nakikila. Sana sa pagpikit ko at pagdilat uli malaman kong nasa isang napakahabang panaginip lang ako, na hindi ito totoong lahat. Sana sa muling pagdilat ng aking mga mata galing sa tulog madatnan ko ang aking kapatid sa aking tabi. Sana bumalik na sa dati ang lahat. Sana...

INIGO's POV

“Nanay Rosa?” hindi siya sumagot saakin. Bagkus malungkot siyang tumingin saakin.

“Sarah?” tinawag ko si Sarah para sana patulugin pero hindi pa daw siya inaantok. Madali siyang matulig pero ngayon ay ayaw niya. Nakakapagtaka na sila.

“Inigo, alam mo namang hindi kana iba saamin diba? Kahit na hindi ka namin ka uri, kahit na kakakilala palang natin, pamilya na agad ang turing namin sayo, alam mo naman yun hindi ba?” tumango ako sa sinabi ni tatay Juan.

“Bakit po tatay Juan?” takang tanong ko.

Huminga ng malalim si tatay Juan. “Sa isang pack ng lobo may tumatayong Alpha, ang pinuno ng mga lobo. Ang pagtatalaga ng pagiging Alpha ay kapag tumuntong na ito sa wastong edad pero iba ang nangyari sa aming pack. ” malungkot siyang ngumiti.

Pinagpatuloy iyon ni Nanay Rosa. “Bawat pack ay may Oraculo o Oracle. At isang kakaibang pangitain ang nakita ng aming oraculo. Sa edad na sampu ay naging Alpha na aming alpha. Napakabata niya pa pero sinabi ng oraculo na ito ang sinabi sakanya ng aming Moon Goddess.” naguguluhan ako pero patuloy akong nakinig sa bawat sinasabi nila.

“At sa ngayon ay apat na taon ng namumuno ang aming alpha at sa mga panahon na iyon ay ang panahon na napakapayapa. Magaling siya na pinuno at nirerespeto namin siya ng lubos.” ngumiti si Nanay Rosa.

“Pero dumating ang isang araw sinabi ng aming Alpha na aalis siya ngunit napigilan parin siya ng kaniyang ina.” bumugtong hininga si tatay juan. “Ngunit na ka alis na siya. Ang alpha iniwan ang kanyang pack?” umiling iling siya.

“Paano po kayo? Wala na ang inyong Alpha? Anong mangyayari sainyo?” tanong ko.

“Hindi namin alam Inigo.” sabi ni Nanay Rosa. “At yun ang kinatatakutan namin. Isang pack na walang Alpha?” napabugtong hininga si nanay Rosa.

“Delikado na ito. Maari tayong sakupin ng ibang pack kapag kumalat na wala na ang ating Alpha. At alam ko, alam naming lahat na wala pang susunod na Alpha.” yumuko si Tatay juan. Tila nagiisip ng malalim.

“Paano niyo po nasabi?”

Sa pagkakasabi na iyon ni Tatay Juan parang siguradong sigurado siya na wala pang maaring pumalit sa kanilang Alpha.

Ngumiti si Nanay Rosa. “Sinabi na iyon ng aming oraculo noon paman. Parang alam niyang mangyayari ito.”

Hindi parin ako makatulog sa dami ng mga iniisip ko. Nakakamangha na nakakatakot ang nalalaman ko ngayon. Ni hindi ko nga alam na meron ganto sa mundo.

Kamusta na kaya ang ate ko? Okay lang kaya siya? Sana naman oo. Dahil hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sakanya.

Naiwan ko siya doon na may kalabang bampira at ngayon wala akong balita sakanya. Gabi gabi ko na lamang iniisip ang kapatid ko, ang kalagayan ng nagiisang kong pamilya. Miss na miss ko na ang ate ko. Sobra.

Sana hindi nalang nangyari para kasama ko padin siya. Sana maayos nato. Sana okay lang ang ate ko. Sana makita ko na siyang muli. Sana...

The Seventh MaidenWhere stories live. Discover now