Chapter 1

226 5 0
                                    

Chapter1:Mansion

IRENE'S POV

Isang panibagong araw, isang panibagong paghihirap.

"Hey Irene! Go get my bag!"

"Opo!"

Agad akong tumakbo patungo sa aming silid aralan. Take note galing pa akong canteen nito.

'Asaan?nako nasaan na?'

tanong ko sa sarili ko. Talagang pinahihirapan nila ako at tinago pa nila ang bag niya.

Calm down Irene kaya mo to.

No choice.

Pinikit ko ang mga mata ko at nag focus. Dahil naka pikit ako purong itim lang ang aking nakikita pero maya maya may nakikita na ako pero black and white lang.

Inilibot ko ang paningin ko at there nasa loob ng black board namin.

Dumilat na ako at kinuha iyon.

Tama kayo may kakaiba akong kakayanan pero hindi ko din ito magagamit at pwedeng ipakita sa iba.

"Katriss ito na ang iyong bag."

Gulat naman siya na napatingin saakin."what the- how did you find this?!"

Sabi na e.

"gamit ng mata po. Kung yun lang ang iyong iuutos aalis na po ako at marami pa akong pagsisilbihan."

Nakayuko akong umalis. Narinig ko pang sinabi niya ang salitang 'she's a freak' kaya mas lalo akong napayuko.

Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ako. Wala rin akong mapagtanongan dahil wala na akong mga magulang. Tanging ang nagiisang nakakabatang kapatid na lalaki lamang ang natitira saakin.

Matapos kong masunod lahat ng kanilang utos ay umuwi na ako. Dala ang 2,050 na bayad nila sa paguutos. Marami rami din sila kaya ganoon kalaki ang aking naiuwi.

"Inigo? Nandito na ang ate."

Hinanap ko agad siya para makakain na kami at nakabili pa ako kanina ng dalwang cup noodles at dalawang francis na tinapay.

"Ate Irene? Nandito kana pala." Sinalubong ako ng halik sa pisnge at yakap ni Inigo.

"Tara na at may dala akong pagkain."

Mahirap lamang kami pero nakatira parin kami sa bahay namin na halos wala ng laman dahil wala kaming nagawa kundi ibenta iyon. Ngunit naisipan ko na wag ibenta itong bahay namin dahil ito na lamang ang natitira saamin ibebenta ko pa ba?

itinabi ko na ang 1,500 at saglit na umalis para magbayad ng kuryente sa bayan bali 450 pesos iyon dahil isang ilaw lang ang gamit namin at isa pa may kanya kanya kaming pasok ng aking kapatid.

"Inigo magbabayad na muna ako ng kuryente at baka maputulan tayo ng kuryente ngayong gabi. Dito ka lang."

"Ate mag-iingat ka ha!" Nag wave naman ako sakanya at tuluyang tinahak ang daan palabas.

Habang naglalakad ako hindi ko maiwasang isipin na sobrang mysteryoso itong maliit na bayan namin. May maliit na community college dito kung saan ako nag aaral meron rin namang community academy kung saan nag aaral si Inigo. Halos magkatabi lang rin iyon.

5:00 na at 6:00 pa magsasara. Halos lahat ng mga tao ay nasa kanya kanyang bahay na. Buti pa at bilisan ko na.

Ng maka rating ako doon ay nangilan-ngilan nalang ang mga tao kaya maaga rin akong natapos.

The Seventh MaidenWhere stories live. Discover now