Chapter 13

69 4 0
                                    

Chapter 13: Bite

IRENE's POV

Kasabay ng aking pagising ang pagsakit ng ang damdamin. Hindi ko naman ito hiniling. Ang mawalay sa aking kapatid? Ang masaktan lagi? Ang malagay sa panganib? Ang makasama ang nilalang na hindi ko akalain na nabubuhay? Hindi ko ito hiniling at hindi ko ito inaasahan. Sa mga araw na nagdaan mas lalo akong nahihirapan at syempre mas lalo akong natatakot sa mga pangyayaring pwede pang mangyari.Yung totoo, bakit ang malas malas ko? ano bang ginawa ko? Ang sama sama ko siguro nung past life ko.

Bumangon ako kahit sa totoo lang ay ayaw ko pa. Ang mga kamay ko ay nanginginig pa ni hindi ako makakilos ng normal sa pangambang nandyan pa sila sa labas naghihintay lang ng magandang tyempo. Oo nga't hindi ko alam kung may mga kalaban paba sa labas pero na tatakot pa din ako. Ni hindi ko nga kaya yong tingnan e.

Pinili ko nalang umusal ng mahinang dasal.

"Magandang umaga binibining Irene."

Napatingin ako sa nakangiting si Martha sa aaking harapan. Napahinga nalang ako ng maluwag. Mas gugustuhin ko siya nalang ang kaharap ko.

"Magandang umaga din s-sayo Martha." pagbati ko.

"Wag na po kayong mag-alala sapagkat wala na ang panganib. Ika'y ligtas na." Napabugtong hininga ako. Buti naman kung ganon.

“Salamat naman.” bulong ko. Ngumiti lang saakin si Martha at sinimulan na tingnan ang katawan ko kung may sugat ba ako. Ngumiti uli siya ng makitang wala.

“Magagahan kana binibining Irene.” sabi niya. Wala parin akong gana ngayon. Hindi parin ako makamove on sa nangyari kahapon. May mga katanungan padin sa isip ko kung paano kapag bumalik uli sila. O di kaya paano kapag nagtagumpay sila na pasukin kami dito? Jusko mababaliw na ako kaiisip nito!

Napatawa ng konti si Martha. “Ano ka ba binibining Irene! Para saan pa at nandito kami? Di yan mangyayari no. Wala ni isang lobo ang makakatapak sa pamamahay ni Lord Arvic ng buhay pa siya at kami.” napayuko ako.

Oo, alam ko handa silang protektahan ako pero sapat na ba yun para maging kampante ako? Alam ko dadating yung araw na papatayin din nila ako. I read it before.

I already have a clue on what they'll do to me. Prinoprotektahan nila, niya ako dahil may kailangan siya saakin. Kung wala siguro dapat noon pa hindi na ako humihinga at malamig na bangkay na. Siguro dapat noon pa ay patay na ako.

Pero hindi e, ito parin ako humihinga at lumalaban. Nasasaktan at nahihirapan. Miss na miss ko na ang kapatid ko. Ni hindi ko nga alam kung nasaan siya, kung okay lang ba siya, kung nakakain ba siya ng maayos, kung hindi ba siya nahuli o nahabol ng iba, at marami pa akong mga tanong sa aking isipan pero wala naman dito ang sagot o ang makakasagot.

“Alam ko namang proprotektahan niyo ako sa abot ng inyong makakaya sapagkat kayo ay may kailangan saakin.” tiningnan ko siya sa kanyang mga mata. “Hindi ba, martha?”

Ang ngiti sa kanyang labi ay naglaho at napalitan iyo ng pangamba pero agaf niya din itong tinago at ngumiti uli.

Osiya, binibining Irene ako'y aalis na.sabi niya at nawala nalang bigla.

Napabugtong hininga ako. Oo nga hindi niya sinabi na tama ako pero hindi din niya sinabi na mali ang aking hinala.

Inayos ko na ang aking sarili at naisipan lumabas patungo sa silid aklatan na nasa likod ng masyon. Ngunit bigla ang napatingin ako sa gitnang daanan, ang daan kung saan sinabi ni Venidict na bawal akong tumungo. Hindi ko alam pero may tumutulak saakin na puntahan yun. Parang may nagsasabi saakin na pumunta ako doon ngayon na.

Tila ang aking mga paa ay may sariling buhay at gustong tumungo doon. Wala sa sarili kong pumunta doon, ni hindi ko nga naisip kung magagalit ba sila saakin lalo na si Lord Arvic pero wala na akong panahon upang isipin pa siya.

Napamangha ako sa aking nakita.

Sa gitna ay may isang napalaking puno na kulay pula na animong dugo. Bumabagsak din ang mga dahon nito na para bang umuulan ng dugo pero ang ganda parin nun sa aking paningin. Sa gitna ay parang isla kung saan nakatayo ang puno, napapalihiran sila ng tubig at mismong harap ko ang daan patungo doon. May isang kahoy na tulay na dumudugtong dito patungo sa kinalalagyan ng pulang puno. Mukhang yong isang paraiso na sagana sa alaga dahil sa napakaganda nito.

Naglakad ako patungo sa tulay at tiningnan ang tubig kung saan halos pwede ka ng manalamin sa clear nito. Ang ganda din ng pagka-asul ng tubig.

Naglakad pa ako patungo o papalapit sa puno. Bawat hakbang ko ay ang pagkabog ng aking dibdib. Sa hindi malamang dahilan ay para akong kinabahan, yung para bang— ay ewan hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman.

Hinawakan ko ang puno saka tumingala upang makita ang nag gagandahan nitong mga dahon na nahuhulog galing dito.

Nakalapat parin ang aking kamay sa puno na para bang ayaw ko itong pakawalan. Tumalikod ako sa puno at umupo sa tapat nito. Nakasandal ang aking likod dito.

Itinaas ko pa ang aking palad upang sumalo ng naglalaglagan nitong dahon at agad ding napangiti ng makasalo ng iilan.

Pinikit ko ang aking mata at sinulit ang pagkakataon na ito. Ni minsan na dumating ako dito hindi ako nakaramdam ng ganitong ginhawa. Habang pinakikiramdaman ko ang puno mas gumagaan ang aking pakiramdam.

Nakaramdam ako ng pag-galaw mula sa aaking harapan. Dahan dahan kong minulat ang aking mata. Bumungad sa aking paningin ang isang munting aso.

“Isang aso? Hindi ko akalain na may aso pala dito.”

Tinawag ko ito at lumapit naman ito. Hinawakan ko ang kayang ulo na halatang nagustuhan niya.

“Napakabait mo naman.” sabi ko ng nakangiti sakanya.

Ginulo ko ang kanyang balabiho at ngumiti sakanya. Iginawad ko ang aking kamay sakanya. “Shake hands.” nakangiti kong sabi dito.

Lumapit pa ito saakin ngunit laking gulat ko ng kagatin niya ako sa aking pulsuhan.

“Ahhh..”

May kakaiba akong nararamdaman sa aking katawan. Kumirot ang aking pulsuhan ng pakawalan niya ito. Dali dali kong tinakpan ang aking kamay.

“A-anong...na-nangyayari..” bumibigat ang aking pakiramdam.

Bago paman ako mawalan ng wisyo ay may nakita akong batang lalaki.

“Salamat Irene, gawin mo sana ang natatama. Gagabayan kita at ng aking kapatid.”

The Seventh MaidenWhere stories live. Discover now