Chapter 7

82 5 0
                                    

Chapter7:Freedom?

IRENE's POV

Nagising ako na masakit ang katawan. Parang binugbog ako ng paulit ulit pero wala namang sugat o pasa ang makikita sa aking katawan.

Lumabas ako ng aking silid at agad ko namang nakita si Venidict agad namang nagising ang aking diwa sa kaniyang sinabi.

"Maaari kang umalis." Gulat ko siyang tiningnan."pero ito iyong tandaan kapag lumagpas ka sa border ng bayan ikaw ay makakatulog ng matagal at sa iyong pagising ikay mamatay."

a-ano raw?

"Makakatulog?M-mamatay?"

"Binding ritual's effect." Bigla ay naalala ko ang nangyari saakin kahapon na inakala kong panaginip lang.

"Ritual?it's a curse!" I shouted. it is a curse. Nililimitahan nila ang aking galaw. Hindi nila ako pinalalaya kundi mas binibigyan lang ng espasyo napapupuntahan.

"Isang araw lag ikaw pwede sa bayan kung kaya't mas mabuti na umalis kana ngayon din."sabi ni Venidict at agad din na naglaho.

Dali dali naman akong lumabas.

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makalabas ako sa gubat. Agad ako pumunta ng bahay ng walang nakakakita upang walang magtangkang pumatay uli saakin. Delikado na.

"A-ate?! Ate!"

Agad akong niyakap ng kapatid ko. Yumakap naman ako pabalik sakanya. Miss na miss ko na siya.

"Ate kung saan saan kita hinanap! Saan ka ba nanggaling?!Ilang araw ka nawala!" Sigaw ng kapatid ko.

"Patawad, Inigo. Pero Inigo magiingat ka! Hindi normal ang mga nilalang dito! Mga bampira sila!" Nanlalaking matang sinabi ko.

"Bampira? Nagbibiro ka ba ate? Nabagok ba yang ulo mo? Saan ka ba kasi galing?"

oo nga naman, sinong matinong tao ang maniniwala saakin? Vampire? Imposible naman kasi pero mismong mga mata ko ang nakasaksi sa kaya nilang gawin.

"Inigo, I'm cursed. You need to leave this place. Wag na wag kang magsasabi ng mga salitang makakapahamak sayo. wag na wag kang matatanong kahit kanino kung bampira ba sila o kung totoo ba ang mga bampira. Leave this place and don't come back. Hindi kita masasamahan. Please.Leave." umiiyak kong sinabi.

"A-ate? Ate kung gusto mo talagang umalis, aalis tayo pero magkasama ate. May bampira man o wala magkasama tayo ate. Tayo nalang ang meron ang isa't isa magiiwanan pa ba tayo?" He hug me tightly. I wish I could leave this place with you Inigo but I can't.

"Inigo..."

Pinagimpake ko na si inigo kahit na ayaw niya.

"Dalhin moto." I gave our family necklace and our remaining money.

"Ate! Ano ba! Nababaliw kana ba? Hindi ako aalis ng magisa. Walang bampira! Ate stop this nonsense!" Inigo shouted.

Bigla ay may nakita akong grupo ng bampira sa harap ng bahay namin. 5 meters away. Mga nanliliksik na mga mata. Mga uhaw sa dugo.

"Isuot mo to dali! Nandiyan na sila!" pinasuot ko agad ang backpack kay inigo saka siya hinila papunta sa pintuan sa likod ng bahay namin.

"Ate?sinong nandito?"

"Ang mga bampira." Bulong ko saka kami tumakbo paalis dun sa bahay.

Walang salitang lumabas sa bibig namin. Mukhang naniniwala na si Inigo saakin dahil ang mga yabag nila ay naririnig namin.

The Seventh MaidenWhere stories live. Discover now