Chapter 14

69 5 0
                                    

Chapter 14: Not right

IRENE's POV

Nakaramdam ako ng pananakit ng ulo kaya agad akong napahawak dito. Pinilit kong tumayo at saka ko isinandal ang aking ulo sa head rest ng kama.

Napatingin ako kung nasaan ako. At saka ko napagtanto na nasa loob ako ng kwarto ko.

Ngunit napatingin ako sa gilid ng aking kama. Bumilis kaagad ang tibok ng aking puso. Langya, ano ba itong nararamdaman ko? May sakit na ba ako? Bakit sa tuwing nakikita ko siya bumibilis ang pagtibok ng aking puso? Bakit sa tuwing siya'y nalalapit hindi ako makahinga ng maayos? Takot lang ba ako sakanya o iba na itong nararamdaman ko? Ayaw ko nito, naguguluhan ako. Naiinis ako sa aking mga pinagiisip. Pinapahirapan ko masyado ang aking sarili sa aking mga pinagiisip.

Ngunit bakit ko natatagpuan ang sarili kong hinahawakan ang mala ginto niyang mga buhok?

Takte! Dati ay kulay dilaw lang ang tingin ko sa kanyang buhok bakit ngayon ay ginto na?!

Pero wala patuloy ko lang hinawakan ang kanyang buhok.

Bahagya akong nagulat ng magkatitigan kami ng kanyang orange na mga mata at gaya ng dati ng hina agad ako pero nakayanan ko parin ang makipagtitigan sakanya. Nakakaadik ang kanyang mga mata orange man ito o pula.

“You're really different.”Kommento niya.

“Nang galing pa sayo yan ah.” Sabi ko hindi siya hinihiwalayan ng tingin.

Ngumisi lang siya na ikinagulat ko. “Buti naman ay gising kana.” sabi nito. Halata ang sincerity nito. Bakit ba bigla nawala ang takot ko sakanya?

“Bakit naman Lord Arvic?” takang tanong ko.

Nagkibit balikat siya. “Isang linggo ka lang naman tulog.” hahanga na sana ako sakanyang pagtatagalog ng maabsorb ko ang kanyang sinabi.

“A-ano?!” gulat kong sigaw. “Anong nangyari saakin?”

“I should be the one asking you that. What happened to you?” nakakapaso ang kanyang pagtitig saakin.

“H-hindi ko matandaan ang n-nangyari saakin.”

Napabugtong hininga siya. “Fine. Fix your self then.” he said and kiss me on my cheeks—WHAT THE?! ANO ULI YUN?! H-HINALIKAN NIYA AKO SA P-P-PISNGE?!

Nanlalaking mata ko siyang tinitigan pero isang smirk lang ang binigay niya saakin at saka bunulong ng, “Don't make me miss your sweet scent again.”

Then instantly he disapear.

Why? What happened?

“Binibining Irene, nakakamangha man pero sa isang linggong nakatulog ka ay nawala ang iyong amoy pero ng ika'y magising ay bumalik naman agad ito napinagtaka ko.” sulpot nalang bigla ni Martha. Hindi na ako magugulat kung bigla nalang ding sumulpot si Venidict galing sa kung saan.

Napahawak ako sa aking pisnge, ano bang nangyayari saakin?

Kunot noong tiningnan ako ni Martha.

“Bakit?” takang tanong ko sakanya.

Lumapit siya saakin at sinapo ang aking pisnge na ikinagulat ko. “M-martha?”

Hinawakan niya rin ang noo at leeg ko. Kinikilabutan ako sa mga pinaggagawa ni Martha.

“Martha sagutin mo ako.” kunot noong sinabi ko dito.

“May kakaiba sayo Binibini.”

“Kakaiba?”

Napatango siya. “Opo, ngunit hindi ko batid kong ano.”

“Tinatakot mo ako Martha.”

Bigla naman ata siyang natauhan at yumuko. “Pagpaumanhin ho binibini.”

Katulad ni Lord Arvic bigla nalang din itong nawala sa aking paningin. Mga bampira nga naman oh.

Napailing nalang ako at sinubukang tumayo. Medyo bumuti narin naman ang pakiramdam ko e.

Sinuklay ko ay mahabang kong buhok. Ang haba na pala nito night Hindi ko lamang napansin ang mabilis nitong pag tubo.

“Ang tagal ko nadin pala dito.” nasabi ko nalang.

Lumabas ako ng kwarto ko at napatingala nalang sa ikalawang palapag. Nandoon siya, nakatitig saakin.

Agad kong kumuha ng suporta sa dingding sa nasa tabi ko. Nanghihina nanaman ako sa kanyang pagtitig.

“Nasaan sila Martha Lord Arvic?” tanong ko nalang.

“I asked them to do something.”

Hindi nalang ako sumagot pa at naglakad papunta sa sala ng hindi na tumitingin sakanya. Batid ko parin ang kanyang tingin.

Napahawak agad ako sa sofa ng makarating ako dito.

“Are you fine?” alam kong nasa likod ko na siya.

Napahawak ako sa aking dibdib. Ito nanaman ang kakaibang pagtibok ng puso ko sa tuwing siya ay malapit.

“Yes.” sagot ko nalang at tuluyang umupo sa sofa.

Napalunok ako, nauuhaw ata ako. Itinagilid ko ang ulo ko saka hinawakan ang aking leeg na tila nangangalay. Mali ata ang posisyon ng aking pagkakatulog kanina.

Natagpuan ko nalang aking aking sarili na nanlalaki ang mga mata.

“L-lord Arvic...”

He held my hands high leaning on me. Hindi ako makakilos at parang ayaw ko ng kumilos. Nanghihina ako sakanyang pagtitig pero gusto ko pang titigan ang kanyang pulang mga mata. Naging pula na ito at hindi ko alam kung bakit. Kanina lang ay orange pa iyon.

“Stop seducing me Irene.” napalunok ako sa pagbigkas niya ng aking pangalan.

“I-i'm not.” pagtangi ko.

He lean closer, “You are, you don't know what you're doing to me Irene.” bulong niya sa aking leeg.

Napakagat labi ako ng maramdaman ko ang kanyang hininga saakin leeg.

“ L-lord Arvic...”

“I want to taste your blood” muli nitong bulong.

“T-taste it.” hindi ko na alam kong saan galing ang aking mga pinagsasabi.

Bumugtong hininga siya saka ako nilayuan at pinakawalan. “I can't.” tanging sinabi niya saka tuluyang naglaho.

Napasabunot nalang ako sa aking buhok.

“Tanga ka Irene! Ano ba yung mga pinagsasabi mo?! Baliw kana ba?!” saya ko sa sarili ko.

Langya, bakit ko yun nasabi? Saan nanggaling yun? Galit ako sakanila diba?! Galit ako! Pero bakit hindi ko na iyon makita saakin puso? Nasaan na ang pagkamunghi ko sakanya at sa kanilang lahi?

Naiinis ako sa sarili ko! Inis na inis!

This is totally not right! I'm seriously out of my freaking mind!

The Seventh MaidenWhere stories live. Discover now