Kitang kita ng aking mga mata ang buwan na aking pinangangamba. Ang buwan na kasing kulay ng dugo.
Kitang kita ko rin ang kalangitang walang bituin na animo nagiging kakulay din ng dugo.
Nasa punto na ako ng aking buhay na mapapatanong nalang ako sa aking sarili kung tama ba ang mga naging disisyon ko. Kung wala ba akong pinagsisihan sa lahat ng aking nagawa. Kung may nais pa ba akong baguhin. Kung nagawa ko na ba lahat ng aking nais gawin. Kung sapat na ba ang aking nagawa at kung may nakalimutan pa ba akong gawin.
Ito na yung tipong 'Do or Die' kung tawagin ng iba. Kapag ako ay nagkamali ng aking gagawin maaring may magsakripisyo ng buhay at syempre yun ang aking pinakakaiwasang mangyari.
Humigpit ang kapit ko sa aking kwintas na pag-aari rin ni Agatha na nasa lumang kahon. Tumingin uli ako sa Red Moon saka nagsalita.
“Sa huling pagkakataon pwede ba akong magtanong?” wika ko.
Batid kong nandito kami sa parang isla na pinalilibutan ng sobrang linaw na tubig. Batid ko din na nandito silang tatlo.
“Ano iyon?” napangiti ako ng magtagalog uli siya. Kay sarap sa tenga ng kanyang pagtatagalog.
“Hindi naman ito masakit hindi ba?” nakangiti kong tanong.
Alam kong nag-iwas tingin si Martha at yumuko naman si Venidict.
“Irene...” bulong ni Venidict na animo pinipigilan ako.
“Hindi ito masakit.” sagot ni Arvic.
At uli ay napangiti ako kasabay ng pagtulo ng aking luha.
“Salamat, may tiwala ako sayo.”
Pero ang totoo ay para saakin yun. Oo, may tiwala ako sa sarili ko na magagawa ko to, hindi ko man nagawa dati pero ngayon may gumagabay na saakin kaya panatag akong magagawa ko to.
Isa isa ko silang tiningnan. Ang mga mata nila'y puno ng lungkot at tutol pero sa kabila nun nandoon din ang respeto nila sa desisyon ng kanilang pinuno.
Ang mga mata niya naman ay naguumapaw ng emosyong hindi ko batid kung ano. Halo halo iyon. May lungot, pagsisi, pagtutol, paghihirap, at nakikita ko din sa kanyang mga mata na siya'y nasasaktan. Ngunit nandoon din ang kasiguraduhan sa desisyon na kanyang gagawin. Alam kong hindi siya nagdadalawang isip hindi ituloy ang kanyang dapat gawin.
Kahit naman ako siya ay ganun din.
Ngumiti ako sakanila na ikinakunot ng noo ni Venidict. Alam kong nakikita niya saakin na handa na ako, na tanggap ko na. Para saan pa at isa na din siya sa mga matalik kong kaibigan.
Nakaramdam ako ng malamig na hangin at medyo kinalibutan ako dun.
“Irene, sa pagtapat na buwan ay ang hudyat ng ating pasisimula.” pahayag ni Venidict animo hinahanda ako.
“Salamat.” at sa isa pang pagkakataon ay nginitian ko pa uli siya.
How I hope he could find the girl he deserve. Hindi itong kagaya kong may ibang mahal. Sana makita na niya yung babaeng deserving para sa kaniyang pagmamahal. Yung babaeng kaya siyang ipaglaban at samahan sa abot ng kaniyang makakaya.
“Patawad Ag-Irene sa aming gagawin.” bulong ni Martha na ikina ngiti ko.
Hanggang ngayon ganito padin siya. Makulit pero sobrang maalahanin. Magaling din siya mag-obserba at matalino pa, kaya alam kong sakanilang lahat siya ang unang naka alam kung sino o ano talaga ako.
Magaling din siyang gumawa ng paraan kaya at magalin din sa mga may kaugnayan sa mahika.
Tinkngnan ko siya at ngumiti. “Palagi kitang mapapatawad at alam mong alam kong ito ang tama.” sabi ko saka siya nginitian ng malaki.

YOU ARE READING
The Seventh Maiden
WampiryShe's the seventh, A Treasure to keep. He's the dethroned king, A Demon to tame. And he's the trusted one, An Option for everyone. And together let's witness their story. Started:April 19,2017 Ended: March 6,2018 Book Cover by:@-danyaxx Highest Rank...