Chapter 17: The Letter (part 1)
IRENE's POV
Pagkamulat ko ng aking mata agad kong siyang nakita sa gilid ko. Bahagya siyang ngumiti saakin.
“Bakit ka nandito?” tanong ko.
Mabuti nalang talaga at madalas hindi ako nagkakamuta sa umaga.
“I just feel like going here.”
Nagkibit balikat nalang ako saka tumayo. Hindi parin ako tumitingin sa mata niya, mahirap na.
Lumabas na ako saka ko muling nakita si Venidict. Agad akong ngumiti sakanya.
Tumingin muna siya sa likod ko. Hindi ko alam kung bakit o kung totoo yung nakita ko pero may dumaang emosyon sa kanyang mata, lungkot.
Tumango naman siya saakin saka biglang nawala na parang bula.
Ramdam ko ang pagtitig niya sa aking likod. Kanina paman alam ko siya ay nakasunod saakin at siya yung tiningnan ni Venidict sa aking likod.
Narinig ko ang bahagya niyang pagbugtong hininga saka rin nawala. Kumungo ako para tingnan kung totoo nga at nakompirma ko nga na wala na siya dun.
Ewan ko ba sakanya, kung ano ano nalang ang ginagawa. Hindi naman siya ganito ah.
Kumain na muna ako sa hapag bago pumunta sa silid aklatan.
Nagsimula na akong magbasa ng mga aklat pero wala pang nakakakuha ng atensyon ko. Pumunta ako sa pinakadulo ng mga lalagyan ng libro. Napatingin ako sa mga libro na nandoon kasi masyado na iyong maalikabok. Parang daan daang taon pa nalinisan. Napatingin ako sa taas ng lalagyan ng may makita akong itim o abo na kahon. Hindi ko na sigurado dahil pati iyon ay napuno na ng alikabok.
May nakita akong isang upuan sa malapit kaya agad ko iyong kinuha saka sumampa doon upang maabot ang kahon sa itaas.
Maingat ko iyong kinuha saka bumaba. Napaubo pa ako pero pinagpag ko padin pa alis yung alikabok.
May nakasulat sa kahon nabisang malaking letra na 'A'.
Napakibit balikat nalang ako saka pumunta sa mga lamesa at upuan para makaupo at tingnan na ang laman nito. Hindi ko nga alam kung pwede ko tong buksan pero bubuksan ko parin.
Hindi ko alam pero huminga muna ako ng malalim saka iyon binuksan.
“Eh?”
Naglalaman iyon ng mga gamit. Isang libro, isang necklace at isang sulat.
Kinabahan ako sa aking mga nakita. Parang bagay iyon na matagal ko ng hindi nakikita pero alam ko ni minsan ay hindi ko pa iyon nakita o nahawakan.
Kinuha ko yung kwintas na hanggang ngayon ay maganda parin. Kita dito na luma na ito pero ang kulay nito ay kulay ginto na tila hindi kumupas.
Naisip ko nalang bigla yung kwintas ko na ibinigay ko kay Inigo. Sana naman hindi niya iyon pinabayaan dahil yun nalang natitirang bagay na iniwan saamin ng magulang namin. Yun nalang natira, yun nalang yung pinanghahawakan ko.
Iwinaksi ko nalang yun sa aking isipan. Naman Irene bakit ba gustong gusto mong nalulungkot? Cheer up! Wag ka ng mag-isip na mga bagay na alam mong malulungkot ka lamang.
Maganda yung pendant ng kwintas. Isang orasan na bilog na yung karaniwang mayroon ang mga matatanda. Ang ganda niya. Tiningnan ko pa ito ng mabuti at...
“Gumagana pa!”
Nanlaki yung mga mata as in nagulat talaga ako! Alam kong luma na tong kwintas na to kung kaya't nakakamangha na gumagalaw pa ito.
Pinagmasdan ko ng mabuti ang kwintas. Ang ganda talaga nito. Gaya nga ng sinabi saakin ng isang matanda sa bayan dati mas maganda daw ang mga bagay na luma sa bago. Dati akala ko nagbibiro lang siya sapagkat ang mga bago na bagay ay mas makintab,maganda, at mahal kasya sa luma.
Dahan dahan ko iyon inilagay sa kahon saka kinuha ang isang libro. Ang nakasulat sa harap ay ' Agape ' at mas initial–pa ata kung initials nga ba talaga ito– sa baba na A&A.
Nagkibit balikat nalang ako kahit na sobrang nac-curios ako sa ibig sabihin nun. Sinimulan ko na inyong basahin.
------
Humiga ako sa kama ko saka pinatong ang kahon na kanina ko lang nakita. Oo, dinala ko ito dito sapagkat hindi ko iyon natapos basahin. Ngunit binaba ko na din iyon kaagad. Tiningna ko lang ang libro saka napailing na kinuha yung letter o sulat sa kahon. Ewan ko ba, parang may nagtutulak saakin na yun muna ang basahin ko. Naguguluhan na din ako ng sobra sobra.
Huminga muna ako ng malalim. Hindi konalam pero kinakabahan ako na parang na eexcite.
Pakiramdam ko kasi may iba dun sa sulat. Pakiramdam ko may mababago ang sulat na iyon. Parang kaya nito baguhin ang mga nangyayari saakin. Parang hawak nito ang kinabukasan kong hindi ko naman alam at tingin ko wala akong balak pa na alamin. Hindi ko kasi matatanggap kapag sa hinaharap ay wala na ako.
Para talagang nakadepende dito ang kinabukasan o buhay ko. Ewan ko ba! Naprapraning na ata ako sa dinami dami ba naman ng mga nangyari saakin dito. Sining matinong tao ang hindi mababaliw kapag nalaman niya may mga bampira at lobo? Na ilang beses siyang pwede mapatay? Na kahit kailan pwede aiyang patayin? At kung ano ano pa. Hanggang ngayon nga ay hiniling ko pa rin na sana panaginip na lamang ito. Na sana hindi ito totoo.
Dear Irene,
Unang dalawang salita pa lamang napatigil na ako. Bakit niya ako kilala?
Alam kong nahihirapan kana. Alam kong nasasaktan kana. Alam kong gusto mo ng bumalik ang lahat sa dati. Ngunit Irene hindi maari. Ito na ang buhay na plinano para sayo. Patawad kasi kasalanan ko ito. Gusto kong malaman mo na palagi kitang ginagabayan. Irene, sasabihin ko na ang mga kailangan mong malaman. Alam kong nabasa mo na ng ka-onti yung libro pero sasabihin ko parin. Noong nakagulo ang bampira, tao at lobo nandoon ako, kasama ng hari ko. Alam ko ng ang mga mangyayari kung kaya't natatakot ako. Batid kong may taong papatay sa aking mahal na hari. Isa lang naman akong lobong nagmamahal, kaya kong ibuwis ang aking buhay para sa bampirang aking minamahal. Ng ang oras ay dumating nakangiti kong hinagkan ang aking hari at hinawakan ang mata niyang lumuluha. Batid ko nung oras na iyon na nasaksak na ako ng tao. Batid kong tumagos din ito ng ka-onti sakanya kaya hindi ako nagatubiling ibigay sakanya ang aking dugo. Kailangan niya ako at ngayon ikaw naman ang kanyang kailangan.
S-siya si Agatha? Siya ang pinakaminamahal ng hari sa librong nabasa ko? At anong ako naman ang kailangan? Hindi kaya...
Kailangan ka niya Irene, kailangan ka ni Arvic.
YOU ARE READING
The Seventh Maiden
VampirgeschichtenShe's the seventh, A Treasure to keep. He's the dethroned king, A Demon to tame. And he's the trusted one, An Option for everyone. And together let's witness their story. Started:April 19,2017 Ended: March 6,2018 Book Cover by:@-danyaxx Highest Rank...