Chapter 11:His Demon Side
IRENE's POV
"Anong ginagawa mo dito?"takang tanong ko. Bakit siya nandito sa kwarto ko?
"I'm thirsty."
"Ah sige ho Lord Arvic kukuha lang ako ng tubig."tatayo na sana ako papunta sa kusina perp itunulak niya ako pabalik sa kama.
He lean closer to me.
"A-anong ginagawa mo?"umatras ako habang siya ay papalapit ng papalapit saakin. Hanggang sa maramdaman ko nalang na nakasandal na ako sa headboard ng kama.
"L-lumayo ka Lord Arvic." Bulong ko. Nanghihina na ako sa sobrang lapit niya. Naamoy ko na ang kaniyang hininga.
Pumula ang kaniyang mga mata. Agad ay natakot ako sakanya. Sinubukan kong sumigaw ngunit hindi ako makasigaw. Anong problema ko?
He move my head to side and started kissing my neck.
Gusto kong tigilan niya na ang ginagawa niya ngunit hindi na rin ako makagalaw.
Naiiyak na ako.
Naramdaman kong may tumutusok sa leeg ko.
"Ahhh!"
"Binibing Irene?!"
"V-venidict?!" Niyakap ko siya nangwalang pagaalinlangan. Anong nangyayari saakin? Bakit parang sobrang totoo ng panaginip ko? Bakit?
"Bakit ka umiiyak, binibini?" Mahinahon niyang tanong.
Marahas kong pinunasan ang pisnge kong basa. Ni hindi ko nga namalayan na umiiyak na pala ako.
"W-wala ito. B-bangungut l-lamang."humihikbi kong sinabi.
Tumango siya saka ako inabutan ng tubig na maiinom. Tumalikod si Venidict saakin. Ewan ko pero mukhang may halong galit yung pagtitig niya saakin kanina.
"Si Lord Arvic---"
*BLAGGG*
"hala?! P-patawad hindi ko s-sinsadya!"
Pupulutin ko na sana ang mga piraso ng baso na nabasag ko ng pinigilan niya ako at siya na ang pumulot nito. Kainis, pangalan niya palang natatakot na ako. Ibang iba itong nararamdaman ko sa nararamdaman ko nung nakaraan. Litong lito na ako pero isa lang ang alam ko. Bampira siya kahit anong pagbabaliktad baliktad ko sa mundo. Bampira siya at kagaya kong tao ang kaniyang hapunan.
Hindi pwedeng mahulog ang aking loob sa kagaya niyang demonyo. Siya ang dahilan kung bakit hindi ko masamahan ang aking kapatid. Masama siya.
Kaikangan ko iyong itatak sa aking makulit na isipan.
"Anong problema?"
Hinarap niya ako. He look at me without any trace of anger in his eyes.
"Wala. Napagisip isip ko lang na masama kayo. Na hindi dapat ako makisalamuha sa mga kagaya niyo na ang tingin sa buhay ng mga taong kagaya ko ay wala." Sinabi ko ng harap harapan. Tinalikodan ko siya saka humiga uli sa kama at nagtago sa ilalim ng kumot.
Tama itong naging desisyon ko, alam ko.
Narinig ko ang pagbugtong hininga niya at saka ang mabilis na pagbukas at sara ng pinto.
"Masama sila, oo tama masama sila." Nasabi ko. Ewan ko pero parang ang labas ng pagkakasabi ko ay pagkukumbinsi. Hindi ko na alam ang nangyayari sakin. Kung bakit ako nagkakaganito.
Masama man ang pagkakasabi ko nun kay Venidict totoo parin yun ,sa isip ko.
"You've change."
Biglaan ay may nagsalita sa gilid ko. Nagsitayuan sa takot at kaba ang mga nananahimik kong balahibo. Alam ko kunh kanino itong tinig na ito.
"Hindi ako nagbago, I just realize it." ani ko. Medyo natuwa ako dahil hindi ako nagkautal-utal.
I felt my heart beats fast. Sumasakit yung dibdib ko sa sobrang bilis ng pagtibok nito.
"You feel it, do you?"
Hinawakan ko ang parte na kung saan ay masakit.
"We are connected. When you feel danger, I also feel it. So am I a danger to you?"
"Y-you are." sagot ko.
"Yes, I am. So protect yourself from me."
At biglang gumaan ang pakiramdam ko. Wala na siya sa kwarto ko.
I hugged my pillow tighter. I should protect myself.
Iba sila.
Puro nalang ata pagkukumbinsi ang nagagawa ko. Totoo naman yung pero bakit ayaw iasborb ng utak ko yun? May mali na ba sa aking pag-iisip?
Bigla ay kinabahan ako. Bumibigat uli ang dibdib ko. Ang akala ko ay bumalik si Lord Arvic pero wala ni anino niya ang nakita ko. Iba to.
Lumabas ako dali dali at nakita ko sina Venidict at Martha sa labas ng Mansion naka pang atake na posisyon.
"A-anong meron?" takang tanong ko.
Agad ay napatingin sila saakin at sinigawan ako na bumalik sa loob pero ayaw gumalaw ng mga paa ko. Mula sa gate na papunta dito galing sa bayan ay may nakikita akong group ng mga bampira na sobrang pula ng mga mata. Handang umatake kahit kailan.
Dali dali ay pumasok uli ako pero hindi ako makagalaw.
Tulungan niyo ako. Kainis! Itong talagang mga bampira na to. Namumuro na sila a!
Hindi talaga ako makagalaw. At naiinis na ako.
"ahh! Ano ba?!" sigaw ko.
Bad mood na nga ako dadagdagan pa nila. Nawawala na ako, nagiiba na ang ugali ko sa sobrang pagkapikon.
"Ahhh!"
Napatigil ako kaagad sa gulat. Tumilapon si martha sa isang puno.
Nagsimula namang magpakidlat si Venidict sa gubat. Ginawan niya na rin ng harang sa buong palibot ng mansion. Pinagalaw niya din ang mga sanga ng mga puno upang matrap ang mga bampira doon.
Ngunit sa isang iglap nawala lahat. Ang mga harang, puno, at mga kidlat ay nawala. Sa gubat ay may nakita akong kakaibang bampira sapagkat ang kanyang mata ay asul. Malamang ay siya rin ang nagpawalang bisa sa mga kapangyarihan nina Venidict at Martha.
Bigla ay tingin saakin ang isang lalaking may pula na buhok. Ngumiti siya na nakapagpatayo sa mga balahibo ko.
Sa isang iglap ay nasa harapan ko na siya na hawak hawak ang leeg ko.
"Ahhh! B-bitawan mo a-ako!"
"bakit naman? E gusto kong ubusin ang dugo mo. Sino kaba?" his smile fades."Hindi ka bampira at lalo ng lobo. Tao ka lamang na pagkain namin. Bakit ka nila prinoprotekhan at handa pa silang patayin ang kauri nila para sayo." lumingon siya sakanila Martha at Venidict at tumingin uli saakin." sabihin mo sino ka ba?"
Sino nga ba ako? Ako lang naman si Irene Serenity Xyl at oo isang tao lang. May kakahayang makita ang hindi nikikita ng iba. Ulila na at may isang nakakabatang kapatid na hindi ko kasama.
Ordinaryong taong lamang ako. Pero bakit nila ako prenoprotektahan. Dahil may kailangan sila saakin? Dahil sa ano? Kahit ako hindi ko din alam.
Nawalan na ako ng pag-asa.
"ahhh!"
YOU ARE READING
The Seventh Maiden
VampirosShe's the seventh, A Treasure to keep. He's the dethroned king, A Demon to tame. And he's the trusted one, An Option for everyone. And together let's witness their story. Started:April 19,2017 Ended: March 6,2018 Book Cover by:@-danyaxx Highest Rank...