Chapter 20

66 3 0
                                    

Chapter 20:Red Moon

IRENE's POV

Hinatid ako ni Venidict sa aking kwarto saka ako nagmukmok uli.

Ngayon, napaisip ako kung papaano ako nakilala o paano nalaman ni Venidict yun? Ni si Martha na nakakabasa ng isip alam kong hindi niya pa alam.

Yes, we may look the same pero pwede namang nagkataon lang. Bakit talaga siguradong sigurado siya na ako to? Na Agatha and I are somewhat the same.

Inilagay ko ang unan ko sa ibabaw ng mukha ko saka sumigaw.

Kailangan kong ilabas to kung hindi mababaliw na ako ng tuluyan bago pa dumating ang red moon.

Ipinikit ko ang mata ko, nasa ibabaw padin ang unan. Ang bigat ng mata ko at gusto ko ng umidlip muna ng sandali kaso alam kong nandito nanaman siya, nararamdaman ko. Binagalan ko ng konti ang paghinga ko at nirelax ang katawan ko para hindi niya mahalata na gising ako. Buti nalang pala at nakaharang ang unan sa mukha ko.

Mukhang nasanay na ako sa pagtutulog tulogan ko at hindi siya naghihinala.

“You're faking it again.”

O baka naman hindi.

“It's okay if you don't wanna see me but stop acting.”

Napabugtong hininga naman ako saka umupo. Sumandal ako sa head board ng kama.

I looked at him.“Patawad...”

Noon palagi pa siyang naka-ngiti animo kasalan ang pagsimangot pero ngayon parang baliktad na ata. Ang laki na ng pinagbago niya. Parang kailan lang nung nagdadalawang isip akong mahal siya pero ngayon alam na alam kong itong lalaking nasa harap ko ay dating naging akin, itong lalaking to ay dating naging hari ko.

Nakakalungkot isip na baka sakaling nawalay uli ako sakanya. Na sa huli pahihiwalayin kami ng tadhana.

“There's sadness in your eyes.” he said that makes me smile. Gustong gusto kong nakakunot ang noo niya sapagkat minsan ko lamang iyon makita.

“Blame me.” I smiled sadly.

Mas lalong kumunot ang noo niya.

Walang pagaalinlangan akong lumapit sakanya. Lumuhod ako sa kama at inabot ang kanyang mukha. I love how cold he is and how warm he is inside.

Dapat ko naman talaga sisihin ang sarili ko kung bakit ako malungkot. Paano, lagi kong naiisip kung anong pwedeng mangyari sa pagsapit ng red moon. Hindi ko maiwasang hindi yun isipin lalo nat sobrang nalalapit na yun.

“Just...just please stay.”

Ngayon ako naman ang may kunot na noo. Alam niya bang...

“I know ypu already know what will happen to you but please stay. Stay Irene.”

He really want his position back and who am I to say no? He deserve it back and I'm more than willing to give my life for him, again.

“Kahit anong mangyari hindi ako aalis.” at kung sakaling umalis ako babalik at babalik parin ako sayo, mahal ko.

Mahirap ang iwanan siya pero mas mahirap ma-iwanan. Alam ko ang pakiramdam na ma-iwanan. Nararamdaman ko ang nararamdaman niya.

Tumagilid ako sa kama ko. Kanina pa siya umalis pero lahat ng aming napagusapan ay hindi mawala sa aking isipan. Tila lahat ng iyon ay nakaukit na saakin at hindi na iyon maaring burahin o mawala.

Humarap ako sa kabila at saka inilagay ang unan sa mukha ko. Naiinis na naman ako. Kanina sobrang inaantok ako tapos ngayon kung kailan ako matutulog saka pa ako mahihirapang makatulog. Ang gulo gulo ko!

Bakit ba kasi hindi nalang ako natulog kanin----

“AHHHHH!”

Naiiyak ako sa sobrang kirot ng kamay ko na tila pinipilipit ng sobrang higpit. Hinawakan ko iyon ng sobrang higpit saka kinagat ang labi ko upang hindi kumawala ang sigaw mula sa aking bibig.

Hindi ko alam pero mula sa kamay ko parang may kakaibang pakiramdam na dumaloy pataas at pababa sa katawan ko. Ang init ng pakiramdam ko pero mas nangingibabaw ang sakit na kumalat sa buo kong katawan.

Ito na ba yung apekto ng pagiging isa sa mga 'maidens' na pinili? Ito na ba yung panahon kung saan papatayin na niya ako? Ito ba yun o mas malala pa dito?

Napakasakit na ng katawan ko. This is  torture not just physically but also emotionally. Naiiyak ako sa mga alaala na bumabaha sa aking isipan ng tuloy tuloy.

Gusto ko ng matapos to! Ayaw ko na, hindi ko na kaya parang awa niyo na!

“T-tama na...”

Batid ko ang ang kahihinatnan sa pagdaan ng oras ngunit walang pumasok sa aking isipan na lumayo, na tumakas nalang. Alam kong kailangan kotong gawin. Alam kong ako lang ang tanging makakagawa nito.

Mukhang mapapaaga ata. Sana naman okay lang ang lahat. Hindi kami pwedeng magkamali, nagawa na nila ang kanilang parte at ngayon naman ang panahon para gawin ko ang akin.

Marami na silang isinakripisyo. Marami ng buhay ang nawala at kapag hindi ko ito gagawin mas dadami pa ang buhay na mawawala.

Alam ko naman na nandyan lang sila upang gabayan ako sa lahat ng aking gagawin.

Napagising nalang ako sa sakit ng katawan. Nararamdaman ko na ito na. Ngayon na ang panahon.

Tumingin ako sa bintanang nakabukas at napangiti. Kay bilis naman ng araw at umaga ng muli.

Tumayo ako at lumabas papunta sa terrace ko.

Tumingin ako sa langit kahit na naiiyak ang mata ko sa hapdi nito. Ito na ba ang huli kong mararamdaman ang init at sakit ng araw? Ito na ba ang huli kong araw sa bahay na ito?

Marami akong napagdaanan sa bahay na ito ngunit ayokong mawalay dito. Para saan pa at nandito ang mga mahal ko sa buhay maliban sa aking kapatid. Dito nagsimula ang lahat at nakakatawang isipin na duto din pala magwawakas ang lahat.

Napatingin ako sa maliit na lamesa sa gilid ng aking kama. May pagkain na nakahanda doon na alam kong wala kanina.

Ngumiti ako ng mapait saka lumapit doon. Umupo ako sa gilid ng kama saka kinuha yun at inilagay sa kandungan ko. Tumingala ako saglit saka kumain.

Agatha, please guide me.

At sa muling pagmulat ng aking mga nata sumalubong ang napakalamig na simoy ng hangin at isang pigura lang ang aking nakikita. Alam kong ito na yon. Ang gabi kung saan ang nakaraan ay maaring maibalik o baguhin. Ito na ang gabi ng Red Moon.

The Seventh MaidenWhere stories live. Discover now