Chapter 8

75 6 0
                                    

Chapter8: Recover

MARTHA's POV

Nag-unat ako. Naasan na ba si Venidict. Napagod ako kakabasa tapos paglabas ko pa hahanapin ko pa siya.

"Venidict! Nandyan ka lang pala. Kakanina pa kita hinahanap e." Nakangiting sinabi ko.

Sino bang nagsabing hanapin mo ako. Aba,grabe siya!

"Bakit Martha?" Tanong niya.

"Wala ngang nagsabi! Tsk. Sungit mo talaga sakin no?" Ngumuso ako. Matagal na kaming magkakilala mga bata pa kami magkaibigan na kami kung ako ang tatanungin.

"Tigil tigil mo ako sa pagbabasa ng aking isipan Martha. Bakit nga?" Poker face niyang sinabi saakin.

Ang cold cold niya talaga. Minsan ay hindi madalas pang masungit sakin. Hindi ko naman inaano. Kasalanan ko bang kaya kong basahin ang mga isipan ng iba? Hindi rin kaya na nasasayahan malaman ang kanilang mga iniisip.

"Magtatanong lang sana ako kung nakaalis na si seventh este Irene." Sabi ko.

"Kakaalis lang."

saka niya ako iniwan. Naglaho nanaman siya. Napakamot nalang ako ng batok ko.

Maya-maya...

*tinggggggg*

Agad akong na-alerto saka dali-daling umakyat sa kwarto ng aming pinuno.

Sabay kaming nakarating doon ni Venidict. Sabay din kaming yumuko upang magbigay galang kay Lord Arvic.

"Ano po ang aming maipaglilingkod , Lord Arvic?" Magalang naming tanong.

"Nanganganib siya." Seryosong saad niya. Siya? Si Irene ba ang kanyang tinutukoy?

"Martha tukuyin mo kung nasaan siya at ikaw Venidict iligtas mo siya. Masusunod?" agarang utos ni Lord Arvic.

"Masusunod po."

bigla ay parang lumakas ako. Binibigyan kami ni Lord Arvic ng support mukhang na control niya na ito sapagkat nararamdaman kong pili lang ang kaniyang binibugyan ng suporta.

Agad ay kinuha ko ang Magic chalk ko saka gumuhit ng sagradong bilog. Kinuha ko ang wand ko sa aking bulsa saka ginawa ang spell na makakatunton kay Irene.

Sa pamamagitan ng gamit ni Irene na inutos ko kay Venidict na kunin mula sa kanyang kwarto ay natutunton ko siya.

Inilagay ko sa gitna ng bilog ang tuwalyang ginagamit ni Irene kapag siya'y nandito.

Binigkas ko ang mga katagang naayon sa spell ko na ito habang iwinawasiwas ko ang aking mahiwgang wand.

Agad kong sinabi kay Venidict kung nasaan si Irene. Ako yung kinakabahan para sakanya dahil nakita kong may mga ka-uri namin na nahinahabol siya.

Si Venidict ang pumunta kay Irene hindi ko na alam kung ano ang nangyayari doon pero mamaya-maya ay tumigil na ang pagbibigay ng supporta ni Lord Arvic.

Nagpaalam na ako kay Lord Arvic na maghihintay nalang ako sa baba.

"Bakit pakiramdam ko may masamang mangyayari? Martha Martha stay positive!" Pagsasalita ko.

Bigla ay naramdaman ko na papalapit na si Venidict dala dala si Irene.

"Kamusta siya?" Tanong ko kay Venidict pagkapasok ko ng kwarto ni Irene.

"Maayos naman siya nawalan lang ng malay." tapos ay umalis na siya.

Bumalik ako sa kwarto na tinutuluyan ko.

The Seventh MaidenWhere stories live. Discover now