Chapter 3

108 5 0
                                    

Chapter 3: That guy

IRENE'S POV

"Niloloko mo ba ako? Biro ba yan? Sabihin mo lang ng tumawa ako. Di ka kasi nakakatawa." tinalikodan ko siya saka tumungo sa pinto pero bigla siya sumulpot at tumayo sa mismong dadaanan ko.

Alam ko na hindi siya ordinaryong tao kaya hindi na ako magugulat sa mga kakaibang gagawin niya pero hindi ko maiwasan na humanga sa mga kaya niyang gawin.

Hindi na ako nagulat kaya sinamaan ko siya ng tingin na akala koy magegets niya na padaanin ako. Pero mukhang slow siya at hindi iyon maintindihan o kaya ay ayaw niya lang talaga.

"Dito lang po kayo at kung magmamatigas ka pa ay mapipilitan akong..."

"Na patayin ako? Na torturin ako? Na saktan ako? Edi gawin mo! Pero lalabas at lalabas parin ako! Hindi mo ko mapipigilan!" Sigaw ko kahit na takot na takot na ako.

"Ikukulong kita."

Ikukulong ako? Ha! Yun lang? O baka ikukulong niya ako sa kwartong punong puno ng mga ahas! Or baka kwarto ng mga ka uri niya at ipapalapa ako! Waaah!

tumakbo ako papalabas ng pinto uli kahit na nakaharang siya. Pasimple kong hinawakan yung braso niya na may sugat. Kita ko yun kahit na may tuxedo siyang suot gamit ng kakayahan ko rin.

Napaluhod siya at ininda yung sakit. Magkakataon ko naman yun na lumabas. At nakalabas nga ako.

Tumakbo ako papunta sa gubat. Pero hindi pa ako nakakapasok ng may isang lalaking humarang sa dadaanan ko pero hindi siya si Venidict.

"Bumalik ka."

Napatitig ako sa Orange niyang mga mata. Ang ganda lang. Nakakalunod rin ang pagtitig niya papabalik saakin.

Yung kulay dilaw niyang buhok na mas nakakadagdag ng ganda sa kanyang mga mata ay nangaakit na magawakan ko yun.

Pero bakit pakiramdam ko nanghihina ako?

Napaluhod ako ng mawalan akong balanse. Nanginginig ang mga mata at gusto ng pumikit. Pero kahit ganob ay nakatingin parin ako sa magaganda niyang mga mata.

Naging blurry na ang mata ko. Hindi ko na maaninag ang mga mata niya.

At saka dumilim.

VENINDICT's POV

Lumabas siya sa kanyang silid na ikinagulat ko. Nakaramdam ako ng takot ng magtagma ang aming mga mata.

Tingnan niya ang kabuoan ko at baghagyang kumunot ang noo niya. Tumingin siya sa pinto na ngayon ay nakabukas na dahil sa paglabas ni Irene.

At sa isang iglap wala na siya sa harap ng kanyang silid.

Sinubulan kong tumayo at nagawa ko ng namimilipit sa sakit. Ang braso kong inakala kong naghilom na ay dumudugo muli ng dahil sa paghawak niya.

Hinawakan ko ang braso ko at mabilis na tumakbo palabas at saktong pabagsak si Irene ay sinalo ko na dahil alam kong wala siyang balak saluhin ito.

Kahit na pinadugo niya ang braso ko binuhat ko parin siya at pinasok sa kanyang kwarto.

"Pahamak ka binibini." Bulong ko at nilisan na ang kanyang silid.

Hindi ko inakala na paglabas ko ay naka-abang na agad siya sa labas.

Yumuko agad ako bilang pag-galang. Ni hindi ko na ramdaman ang presensiya niya.

Kamangha mangha na iniwan niya ang kanyang silid ng ganito ka tagal. Sa loob ng isang decada ngayon pa lamang siya lumabas uli. At dahil pa sa kapabayaan ko.

The Seventh MaidenWhere stories live. Discover now