Chapter 5:Just OnceIRENE's POV
Tumako ako ng tumakbo. Tanga na kung tanga. Alam kong walang patutunguhan itong pagtakbo ko pero mas mabuti ng may ginawa ako kasya sa wala at sa huli baka ako'y magsisi sapagkat wala akong nagawa.
Lumingon ako. Nandoon parin ang mga pulang mga mata na handa na akong sakmalin. Nakakatakot ang kanilang mga mata ngunit wala akong magawa kundi ang tumakbo para iligtas ang aking buhay.
Mula sa simula hanggang ngayon alam kong walang patutunguhan ang aking pagtakas sa mga suliranin aking haharapin. Ako ay tao din napapagod.
Napagpasyahan ko sa saaking pagtakbo na kailangan ko ng harapin ito. Buong loob at lakas ko silang hinarap. Hindi para magtapang-tapanga o para may mapatunay kundi para wakasan ang aking paghihirap.
I knew I needed to take risk. Living a life means living with risk with 'what if's'. Naisipan kong harapin sila ng walang pag-aalinlangan.
Humarap ako. At agad ding napa atras. My heart aches so much that unknowingly I cried. Tiningnan ko uli siya. Why am I crying? Who are you?
Napabalikwas ako ng bangon. Anong panaginip yun? Hinawakan ko ang pisnge ko. Basa.
Hindi ko na maalala ang mukha ng nakaharap ko. Sino ba yun?
Napatingin ako sa tukador ko. May isang palda na itim at red na off shoulder na blouse. May undergarments din. Kinuha ko yung tuwalya saka naligo.
Nagsimula ng humilom ang sugat ko. Pumikit ako. Pinakiramdam ang paligid. May nakikita akong tatlong pigura. Alam ko yung isa si Venidict yung dalawa ay hindi ko kilala.
Nangmatapos maligo binalot ko sa tuwalya ang katawan ko saka lumabas. Sinuot ko yung damit na nakahanda para saakin.
Lumabas ako.
"Binibining Irene." Lumapit ako sakanya. May kaharap itong magandang babae. May mahabang tuwid na buhok. Sobrang puti ng balat niya mala modelo.
"Salamat sa papuri Irene." Ngumiti siya.
Nababasa niya ang laman ng akin isip!
"Tama! Talino." Pumalakpak pa ito.
mabuti naman at nakakapagbasa siya ng isip. Wala kasi ako sa mood na magsalita.
Sino ka?
"Martha Gudel at your service. Uyy Venidict siya yata ang pinakamaganda sa lahat ng maidens!" Masigla niyang sinabi ng nakatingin kay Venidict. Maidens?
"M-mukha nga." Sagot ni Venidict.
May nakumpirma ako. Kaya niyang basahin ang isip ng isa kapag tiningnan niya ito. Lucky for me she's facing Venidict right now.
"Uy! Nabas ko yun. Bawal yan, Pigilan mo." Bigla siyang sumeryoso.
"Martha kung maari wag mong basahin ang aking iniisip sapagkat nakakainis." Sumeryoso din si Venidict.
So is this war? Tch.
"Hindi paba tayo mag-aalmusal? Or you don't eat?" Tanong ko sa mahinahong paraan. Ayaw kong sumali sa away nila no.
"Ofcourse we eat!" bigla nanaman siyang sumigla.
T-teka! Sigurado akong tatlo sila! Lumingon lingon ako sa likod ni Martha.
"Binibining Irene?" Takang tanong ni Venidict. Nauna na Martha sa Dining area.
"Siya lang ba ang bisita?" Tanong ko.
YOU ARE READING
The Seventh Maiden
VampirosShe's the seventh, A Treasure to keep. He's the dethroned king, A Demon to tame. And he's the trusted one, An Option for everyone. And together let's witness their story. Started:April 19,2017 Ended: March 6,2018 Book Cover by:@-danyaxx Highest Rank...