Chapter 10

75 3 0
                                    

Chapter 10: Center

SOMEONE's POV

Kailangan sakanya ko to ibigay. Sakanya lang. Siya lang ang nararapat makakuha nito.

"Saan ka pupunta anak ko." tiningnan ko si Mama.

"Wala kang karapatan tanungin kung saan ako pupunta."naglakad parin ako paalis. Lahat ng nadadaanan ko ay nagsisipagyukuan.

"Ina mo parin ako!" Sigaw niya saakin.

"Ako parin ang 'ALPHA' niyo!" Sigaw ko saka umalis.

INIGO's POV

Nang mahiwalay ako kay ate at makalabas sa bayan namin ay nanginginig ang aking mga paa at ang aking kamay ay hawak hawak ang kwintas niya sa aking leeg.

Hindi ko na alam kung saan pupunta sapagkat ito ang unang beses na makalabas ako sa aming bayan.

Puro kakahuyan ang aking nadadaanan. Nangmakakita ako ng ilog ay agad ako naghanap ng daanan para ako'y makatawid. Hindi ko pwedeng sayangin ng mga ginawang pagprotekta saakin ni ate. Hindi pwede.

Walang tulay na nagdudutong ng magkabilang dulo. Malakas ang agos ng tubig kung kaya't hindi ko ito pwedeng languyin. Hindi ko din pwedeng gamitin ang mga nakabagsak na puno sa paligid dahil hindi ito aabot.

Napa-upo ako sa isa sa mga bato sa paligid. Ngunit bigla itong bumaon kaya napatayo agad ako. Bigla ay lumindol kaya napahawak ako sa punong pinakamalapit saakin.

Nanghuminto iyon ay agad akong napatingin sa ilog. Nagkaroon ng daanan sa tubig.

(a/n: napanood niyo yung ginawa ni Moses sa dagat? Ganun yung nangyari sa ilog.)

Manghang naglakad ako papunta sa kabilang dulo ng ilog.

At sakto pagdating ko dito sa kabilang dulo o parte ng ilog ay bumalik sa dating anyo ang tubig.

Tiningnan ko uli kung saan ako nanggaling. Wala na,malayo na ako sayo ate.

IRENE's POV

pakiramdam ko ay parang wala talagang nangyari saakin. Ewan ko ba pero pakiramdam ko ibang ako nato? Ang weird ko diba?

Binuksan ko yung pintoan ko. Naglakad lakad ako sa loob ng mansion mukhang wala si Martha. Si Venidict naman ay nasataas kasama ang isa pang bampira, si lord Arvic.

Napapunta ako sa dakong silangan ng mansion. Sabi ata ni Venidict base sa pagkakaalala ko nabawal pumasok sa mga kwartong nakasara.

May nakita akong pintuan ewan ko ba pero parang may humahatak saakin papunta dito sa pitong to.

Hinawakan ko yung door knob. Malikabok iyon. Sinubukan ko yung buksan at nabuksan naman. Pumasok ako sa loob ng hindi ko alam kung anong maaari kong makita o malman ni hindi ko nga rin alam kung anong sasalubong saakin doon.

Nagulat ako ng mapansin kong kwarto lang iton. May malaking kama na hinabunan ng Puting kumot. May mga iba pang kagamitan foon na tinabunan ng puting kumot.

Ngunit napako ang paningin ko sa isang bagay sa dingding. Lumapit ako doon. Kinakabahang kinuha ko ang panakip nun.

"A-ano ito?S-sino ito?"

Dala ba ng pagkagulo ng aking isipan kung bakit ako biglang napaatras? O sadyang may mali lang talaga?

Pinagmasdan kong mabuti ang larawan sa aking harapan.

Ito ay larawan ng isang babae. Nakasuot ng pawang puti na kagaya ng suot ko na ibinigay ni Venidict nung una ko dito.Ang itim niyang buhok ay ang mas lalong nagpaganda sakaniyang mukha. Maputi din siya. Ang kaniyang mata ang nakakaakit pero sobrang napakaamo ng kaniyang mukha. Yung tipong hindi makabasag pinggan. Ang kaniyang awra ay hindi nakakatakot parang lagi lang siyang masaya kung titingnan pero ramdam at alam kong hindi. Nanahihirapan, nalulungkot, at nagagalit din siya. Ewan ko kung paano ko yun nasabi pero yun yung pakiramdam ko na parang--- hindi, siguradong sigurado akong tama. Nagulat ako dahil may kamukha ito. Kamukha ko siya.

The Seventh MaidenWhere stories live. Discover now