Chapter 8

111 3 0
                                    

In the other hand, nagluluksa rin ang pamilya nina Mia dahil sa pagkamatay ni Mang Christopher. Panay ang iyak ni Mia sa pagkawala ng ama, hindi niya lubos na matanggap ang mga pangyayari, dahil meron siyang ipinangako dito na ihahaon niya sa hirap ang pamilya nila.

"Tama na anak, tahan na, tanggapin nalang natin na wala na talaga ang papa mo.

"Mama... (hikbing umiiyak) Bakit si papa pa???? :'((

"Tahan na wala na tayong magagawa, baka oras na talaga niya. At wag kang mag-alala nandito pa naman kami ni Dennis ehh...

"Ano ng mangyayari sa atin ngayon paano ang pag-aaral ko??

"Huwag kang mag-alala kahit patay na si Mr. Kim patuloy parin ang suporta ng kompanya nila sa atin. Sila narin ang bahala sa gastusin, pasasalamat narin ng kompanya sa pagiging tapat ng papa mo.

"Pero ang bilis naman po... wala man lang pasabi. :'(

"Ganyan talaga ang buhay anak kailangan nating tanggapin, na hindi permanente ang buhay natin sa mundong ito. At alam kung masaya na ang papa mo sa langit, kaya huwag kang umiyak diyan at baka malulungkot yun pag nakita ka niyang ganyan. At alam kung lilipas din ito anak.

Tapos ng ilibing ang buong pamilya ni xander sa isang pribadong cementeryo dito sa Pilipinas, pilit man niyang pumunta ngunit hindi siya pinayagan, dahil na rin sa hindi pa siya lubusang magaling.

"Sir tapos na po ang libing ng mga magulang at mga kapatid mo. Ano na po ang balak niyo ngayon?

"Dito muna ako sa Pilipinas, dito ko na rin ipagpapatuloy ang pag-aaral ko, ayoko munang umuwi sa Korea dahil alam kung masasaktan lang ako pag bumalik ako doon. Ayoko ng  madagdagan pa ang kirot at sakit sa puso ko.

"Sige po sir ipapaayos ko nalang po ang lahat ng papeles at pati narin ang matutulugan ninyo pag nakalabas na kayo dito.

"Sige umalis ka na at gusto kung mapag-isa.

Pagkaalis ni Adrian, bumangon si Xander sa kanyang higaan at nakatanaw sa malayo, parang bumabalik na naman sa kanyang ala-ala ang masasayang araw nilang mag-anak. Kaya hindi na naman niya napigilan ang kanyang mga luha na dumaloy na parang tubig sa talon na walang tigil sa pag-agos. Hindi niya lubos maisip na siya nalang mag-isa ngayon, wala ng kukulit, wala ng hihingi ng pera pang shopping, at wala na rin ang maglalambing sa kanya. Hirap na hirap siyang tanggapin na sa isang iglap lang mawawala na ang mga taong pinakamamahal niya. Pero kailangan niyang kayanin ang lahat para siya ay mabuhay, pero lagi niayng tanong "Ano pang silbi niya para mabuhay ehh wala naman siyang mga pamilya?  Ngunit sa kabilang banda naisip niya ang kompanya ng kanyang pap at ang mga empleyado nito, alam niyang nakadepende na sa kanya ang lahat. Kaya kahit masakit pinagpatuloy niya ang buhay pero hindi na siya yung taong masayahin at mapagmahal. Naging misteryoso na siya hindi na lumalabas hindi na nakikipag-usap.

Author's note

Lee Hyun Ri (Marie Maurer)

Kunting tiis nalang guys at magtatagpo na ang landas nina Xander at Mia excited na ako..

Excited na rin  ba kayo?? :)

Mysterious GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon