Maagang bumangon si Mia para puntahan ang taong makakatulong sa kanya para mapalapit kay siya Xander.
"Sir, may naghahanap po sa inyo.
"Sino naman? Di ba mamaya pa ang meeting ko sa kliyente natin.
"Ahmm.. Sir kaibigan po daw siya ni Cathy, yung pamangkin niyo po. Mia daw po ang pangalan niya.
"Ay.. si Mia pala yan sige papasukin mo.
"Hello po Kuya Adrian.
"Hello din Mia, bakit ka nga pala naparito?? May kailangan ka ba?
"Ahm.. opo kasi sabi niyo naghahanap kayo ng yaya ni Xander.
"Oo nga, bakit may irerekomenda ka ba sa akin?
"Opo :)
"Sino naman yan??
"Ako po. :)
" (0o0) Ha??? Ikaw?? Bakit ka naman papasok bilang yaya ni Xander eh wala ka namang problema sa tuition mo eh fully paid ka na ng kompanya.
"Oo nga po, pero, alam niyo na noong sinabi ko sa inyo na ibabalik ko ang dating Xander, yung masayahin at mabait. Kaya ito lang ang naisip kung paraan para mapalapit sa kanya at magawa ko yung moves ko! ehhe
"Haisstt ikaw talaga Mia, oh siya sige na. Para kay Xander din naman yan eh.
"YES!!! salamat Kuya :) So kailan po ako magsisimula?
"Tomorrow!
"Pwede po ba kada tapos lang ng klase ako pupunta sa Condo ni Xander?
"Mahirap yang sinasabi mo Mia, di ba ikaw ang magluluto sa kanya? Paano mo magagawa yun kung pagkatapos lang ng klase ka pupunta sa Condo ni Xander.
"Paano po yan eh may klase kasi ako, alangan naman kung itigil ko ang pag-aaral ko.
"Hmmm... Ah ok so ganito Mia, makinig kang mabuti sa akin. At sana sundi mo ang sasabihin ko.
"Sige po, ano po yun?
"Ok ganito gawin mo, pumunta ka sa Condo ni Xander at dalhin mo ang mga damit mo.
"Ha?? Bakit ko dadalhin ang mga damit ko.
"Kasi dun ka muna titira kasama siya.
"HAAAA!!! ANO!!! 0______0 dun ako titira?? Ayoko po.
"Eh kung ganun, wag mo nalang ituloy ang balak mong maging yaya niya. Hindi mo naman gusto eh. Pasensya na yan nalang ang naisip kung paraan para hindi conflict sa schedule mo.
"Kasi Kuya babae ako, at lalaki si Xander.
"Alam ko naman yun Mia, may pamangkin din akong babae noh, kaya ang gagawin ko ay dun ka muna mag stay sa sala ok lang ba yun sa iyo?
"Ahmm.. sige po, basta hindi lang kami magkatabi ni Xander, ok na yun sa akin.
"So it's a deal!
"Deal! :)
"So sa bandang hapon dapat ka nandun ka na!
"Ha?? agad-agad?
"Oo, dahil pasok niyo bukas, para narin may magluluto sa agahan ni Xander.
"Ok po, how about Xander? baka mabigla yun pag dumating ako sa Condo niya.
"Huwag munang problemahin yun, ako ng bahalang magpaliwanag sa kanya.
"Sige po, salamat talaga ng marami Kuya.
"Heheh, wala yun, alam ko namang ginagawa mo ito para sa kanya. Ayeee :)
"Si Kuya talaga, ginagawa ko rin ito para sa mga magulang niya, pasalamat ko na rin po sa kanila na pinag-aral nila ako.
"Oh siya palusot ka pa... ehhe
"Hayy.. sige po Kuya Adrian aalis na po ako.
"Ok sige mag-ingat ka.
"Ok po :)
Ng pagdating ni Mia sa kanilang bahay ay agad niyang inihanda ang kanyang mga damit na dadalhin, ng bigla siyang mapasukan ng mama niya.
"Oh! anak saan ka ba pupunta at abala ka sa pag-iimpake ng mga damit mo. Oh!! wag mong sabihing... no...no hindi, hu..wag mong sabihing itatanan ka ng boyfriend mo?? Anak naman pinalaki ka namin ng papa mo ng maayos at ganito gagawin mo. HUHU :'(
"Tumigil ka nga diyan ma! Ito talaga si mama oh. ang drama mo. Anong tanan?? Eh wala nga akong boyfriend. At di po ba pinangako ko sa inyo ni papa na tatapusin ko muna ang pag-aaral ko. Yan kasi sa sobrang kapapanonood ng teleserye sa t.v. Hinay-hinay lang ma at parang nadadala na kayo eh.. ehhe
"Ay hindi ba anak??
"Hindi po noh!
"So saan ka ba talaga pupunta at parang ilang minuto lang aalis ka na.
"Yan sana ang sasabihin ko sa inyo ma, naunahan mo lang ako sa acting niyo! :)) May trabaho na po kasi ako at stay-in ako kaya iniimpake ko na ang mga damit ko, dahil mamayang hapon dun na ako mag stistay sa bahay ng alaga ko.
"Ahh... mabuti naman at naisipan mong magbago ng trabaho, alam mo namang nag-aalala ako pag nag babarker ka ng mga jeep. So anak ilang taon naman ang alaga mo cute ba??
"18 po...
"ANO!!!! 18???? anak kaedad mulang yun, may ganayn pa bang edad na inaalagaan??
"Meron po ma, itong alaga ko.
"Hehe, nakakatuwa ka Mia, hindi joke ito kasing edad mo? at aalagaan pa! Wag mong sabihing??
"Opo ma, lalaki po siya.
"HUHU! Mia naman bakit mo tinanggap ang trabahong yan, mas mabuti pa yung nagbabarker ka, atleast kilala ko yung mga driver, eh ito hindi ko nga kilala, mas mag-aalala ako nito anak.
"Hindi ko naman tinanggap yung trabaho kusa akong nag volunteer, kasi ang taong aalagaan ko ay ang anak nina Mr. at Mrs. Park, ito lang ang paraan para iparating ko ang pasalamat ko sa kanila.
"Ha?? akala ko bumalik ang anak nila sa Korea, pagkatapos noong insidente.
"Akala ko nga rin po eh, pero huwag kayong mag-alala ma. Ginagawa ko naman ito hindi lang para kay Xander, para sa sarili ko at para narin sa inyo. Sige na ma pumayag ka na..
"Oh! siya...siya.. ikaw talagang bata ka, swerte ka at mabait ang mama mo.
"Oo noh sobra kung swerte. I LOVE YOU MA :*
"Mamimiss ka namin anak.
"Ako rin ma, pero huwag kayong mag-alala dadalaw naman ako every weekends.
"Mag-ingat ka dun nak.
"Kayo din po ni Dennis ma. I LOVE YOU payakap nga. :)
Author's note
Lee Hyun Ri
Natapos ko rin, sana nasayahan kayo sa story kung ito :)
(Spread Love Guys) :)
BINABASA MO ANG
Mysterious Guy
RomanceGinawa ko to dahil sa kilig ko sa MarNolo LT Pampa inspired lang sa mga kapwa MarNolo Ito na guys. sana magustuhan niyo :) Best lines.. You're not the best but what you are is exactly what I need And if you ask me how long I will love you. I don't k...