Chapter 7

129 3 0
                                    

Umaga na ng magising si xander, at ilang minuto lang napabalikwas siya sa kama ng maalala ang incidente, hindi niya namalayan na may dextrose siya sa kamay, at bale pa ang kaliwa nito. Doon niya rin napagtanto na pati siya ay nasugatan, ngunit hindi parin mawala sa kanyang isipan kung ano na ang nangyari sa kanyang mga magulang at mga kapatid. Ilang oras ang nagdaan may pumasok sa kanyang silid, hindi niya kilala ang lalaki  pero parang empleyado ito ng papa niya dito sa pilipinas, dahil sa unipormeng suot nito.

"Ahmmm....sir xander

"Sino ka??

"Ako po si adrian, isa po ako sa pinagkakatiwalaan ng papa niyo at ako rin ang in charge sa inyo.

"By the way how's my mom and dad are they ok? How about my sisters ok lang ba sila?

Tahimik lang si adrian hindi sinasagot ang tanong niya.

"Hey are you deaf?/ hindi mo ba naririnig ang sinasabi ko " I said how are they?? HEY!!!!!

Napasigaw siya ng malakas, kaya nabigla ang lalaki at nasabi nito ang masamang balita na ikinaguho ng mundo niya.

"S...ir pa...tay na po ang mama at papa niyo pati rin ang iyong mga kapatid, hindi rin nakaligtas si mang christopher. Himala lang po at nabuhay kayo dahil hindi kayo sobrang napuruhan. Dahil sa kaliwang bahagi tumama ang sasakyan ng nakabangga sa inyu kung saan nakaupo ang pamilya niyo.

Hindi alam ni xander kung ano ang gagawin, bigla nalang tumulo ang kanyang luha ng hindi niya namamalayan, parang binagsakan siya ng langit at lupa. Parang ilang ulit sinaksak ng kutsilyo ang puso niya, hindi siya makapagsalita panay agos lang ang luha niya.

"That is not true!! kanina nga masaya pa kaming nagkwekwentuhan. Ohh tell me it's not true... TELL ME!!!!

Pinilit ni xander na bumangon sa higaan dahil hindi siya naniniwalang patay na ang mga magulang at mga kapatid niya. Hindi man lang niya iniinda ang sakit sa katawan dahil nangingibaw sa kanya ang sakit sa puso dahil sa nalamang balita.Ngunit wala parin siyang nagawa natutumba parin siya dahil sa mga pasa at sugat na kanyang natamo. Hindi na natiis ni adrian at sinigawan niya si xander.

"Sir!!! tama na po sinasaktan niyo lang ang sarili niyo.

"Wala akong pakialam. And it's not your business..sana ako nalang ang namatay ang babata pa ng mga kapatid ko para mawala, hindi pa nila naeenjoy ang buhay. Sana naging handa ako baka nailigtas ko pa sila. Bakit hindi ko pa sila nagawang iligtas BAKIT?/ BAKIT!!!

Napahagulhol si xander, parang sinisisi niya ang sarili sa pagkawala ng mga kapatid.

"Sir baka mabinat kayo niyan, hindi mo naman kasalanan ehh...  I know everything happened for a reason at ito ang tandaan niyo , never regret anything that has happened in your life, it cannot be change, undone or forgotten, so take it as a lesson learned and move on.

"Paano??? How can I forget them , if they gave me so much to remember . So sabihin mo ngayon sa akin kung paano!!

And how can i move on in this situation kung lahat ng pamilya ko ay wala na. Umalis ka nalang and leave me alone!! Did you hear me I said LEAVE ME ALONE.\

Walang nagawa si adrian kaya umalis nalang siya, samantalang si xander ay naiwang nakatulala habang patuloy na umaagos ang kanyang mga luha.

Author's note.

Lee Hyun Ri (marie maurer)

Hayyyyy natapos rin ang pinakamasakit na part.. Pati ako napaiyak sa part nato..

Thanks sa wifi ate rhea :* At sana mapaiyak ko din kayo.. :)

Mysterious GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon