Chapter 37: Child Way

24.1K 101 4
                                    

"Skype kamusta naman dyan? Napapakain ka ba ng maayos dyan?"

"Okay lang po ako dito. Mababait naman po sila dito"

"Ah! Kelan kaba uuwi dito? Miss na miss ka na namin. Bumisita ka naman bago magpasukan"

"O-opo! Busy lang po sa trabaho e. Ingat po kayo jan."

Matapos ko naman kausapin si mama ay napahawak naman agad ako sa dibdib ko. Kinakabahan ako. Baka malaman nila yung totoong ginagawa ko dito. Hindi na kasi ako kumukuha ng pera sa gobyerno e. Lalo na't kung anu ano pang kababalaghan ang ginagawa ko sa buhay ko bilang estudyante. Hindi nga nila alam na taga hugas lang ako ng plato dati. Kailangan kong sabihin sa kanila ang lahat pero hindi ngayon. Kasalanan kasi ni Phyllis ang lahat ng 'to e! Kailangan ko pa kasi siyang tutoran e! Pero hindi din kami tumagal. Wala rin akong trabaho ngayon sa library dahil summer na.

Sa sobrang pagkakaba ko naman ay pumuna na lamang ako sa labas para maghanap ng himala. Kailangan ko kasi makalusot sa mga magulang ko. Baka sabihin nilang nanlalalake lang ako imbis na magaral. Hindi pa kasi bayad yung half tuition fee ko e. Dahil nga sa bagsak ako at magsusummer class pa. Napakacareless ko talaga. Hindi pala magandang biro yung nagawa ko. At isisisi ko nanaman 'to kay Phyllis. naBI ata kasi ako sakanya.

Pumunta naman ako ng Sparluke para mainform ang natitira kong tuition fee na kailangan bayaran.  Dapat pala sinamahan ko na si Phyllis kanina. Mapilit kasi kanina pero para din matuto. Lagi nalang kasing umaasa sa iba yun e. Pero syempre paasa din naman siya. Sa tagal na namin magkasama ay hindi ko pa pala nakukuha yung number niya. Hindi naman kasi kailangan e. Pinagdududahan ko pa kasi siya e. Parang hindi ko pa mabigay ang overall sakanya.

Naglakad ako papunta sa Sparluke para kunin ang overall records ko duon. Baka kasi hindi ako makagraduate. Actually di nga talaga ako grumaduate kasi nga may failing grades ako. At ayun ang Physics! Sa dami dami ng mababagsak ko, yung favorite ko pa. Yung mismong Physics ba ang lumalayo sakin? O sadyang konektado siya kay Phyllis? Pagkarating ko naman sa school ay bigla ko nalang nakita ang barkada ni Phyllis, as well as Jeff. Hindi ako makalingon sakanila. Lalo na't kay Jeff kasi feeling ko nakatingin siya sakin. Ano bang igagalaw ko ngayon? Feeling ko nasa isang masikip na eskinita ako na hindi ako masyadong makapaglakad. Nagulat naman ako nang naglalakad na siya patungo sa direksyon ko. Ito na talaga! Kalmado dapat Skype!

"H-hi Jeff----" d-dinaanan niya lang ako?! Nakakahiya tuloy! Hindi niya ata ako nakita! Hindi pwede 'to. Kailangan niya akong mapansin. Mukhang pinagtatawanan na ata ako ng grupo! "J-jeeeeeff!" bigla nalang akong napasigaw ng out of nowhere! Nakakahiya! Nagiinit na yung tenga ko. Masyado ba akong papansin?

"S-skype, kamusta ka na? Woah?" Bakit parang gulat na gulat siya? May nagbago ba sakin? O talagang nageexaggerate lang siya ng pagreact sakin dahil dinaanan niya lang ako?

"M-meron bang bago sakin? Iba ka ata makatingin sakin?" halos mautal utal kong sagot sakanya. Hindi kasi ako makapagsalita ng maayos sakanya. I feel so embarassed. Nagiinit na talaga yung buong mukha ko. Lalo na't lumapit pa si Phyllis sa embarassed atmosphere na 'to! Yung reaction ko ata ngayon yung anime na OA magreact! Yung sobrang nahihiya at tumitili na sa kanyang isipan waaaaaaaaaaaa! Mas lalo pa akong nahiya nung bigla pa akong hawakan ni Phyllis sa kabilang braso ko. Napayuko nalang ako. "Bakit kasi si Jepoy bro pa yung hinahanap mo e. Alam mo namang i'm always on your side. Not his" pagbibiro naman nitong Phyllis na 'to sa tabi ko nang sobra na talaga akong nagiinit! Umiinit na yung mukha ko talaga. Yung mukha ko parang natatabunan na ng mga buhok ko. Gusto kong sikuhin si Phyllis!

That Elementary Jerk! (Jerk Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon