Chapter 34: Physics Phyllis

24.2K 101 6
                                    

As in nakakahiya talaga. Kinatok pa ako ng mga kaibigan ni Phyllis dito. Alam naman kasing may ginagawa ako dito sa CR e. Baka isipin nila kakatapos ko lang tumae, at mas nakakahiya yun! May mukhang ihaharap paba ako sakanila?

Like 30 mins, nandito pa din ako. Nakakahiya kasi e. Hanggang sa narinig nalang ako ng katok mula sa pintuan. Baka akala nila patay na ko?

"Skype! Okay ka lang ba? Tatawag na 'ko ng nurse ah?" narinig ko naman mula kay Phyllis. Tumayo naman agad ako at binuksan na ang pintuan. Baka magkalito lito na yun! Bahala siyang makonsensya! Kung patay man ang tingin niya sakin e bahala siya. Pumunta nalang ako sa kama ko nang sumalubong sakin ang isang grupong lalake sa kama ko. Napakathoughtful naman, may dala nga silang fruit of basket at bouquet of flowers. Pero si CG di man lang ako sinipot! PSH! Napaka talaga ng babaeng yun!

"Skype, kailangan mo ng alalay? Putlang putla ka o?" nakita ko namang biglang tayo agad ni Jeff. Ang sweet talaga niya. So thoughtful and caring. Hindi kagaya ni Phyllis, sinamahan nga ako magdamag, thoughtless and careless! Hay nako!

Hindi na ako tumaggi pa kay Jeff kundi tinanggap ko nalang ang pagtulong niya sakin sa pagkakahiga ko dito sa kama. Sobrang alalay talaga niya. "May dinala kami sayo o? Para sayo lahat yan! Kumain kanaba?" napangiti nalang ako sakanya. Sobrang sincere niya. Kinakabahan tuloy ako.

"Than----"

"Nurse kasi parang wala ng kaimik imik si Skype e. Parang nahimatay na ata sa loob" nakarinig naman ako ng pumapanic na boses at ayun ang nakaputol ng sasabihin ko kay Jeff. Napaupo ako sa kama ko at sinilip si Phyllis mula sa kinaroroonan niya kahit na hindi ko siya matanaw. May nakaharang kasi na ibang patient's bed e. Nasa pinakadulo kasi ako.

"Tsk tsk! Phil bro naman oo ano? Sabi ko kasi dapat kanina pa niya kinatok si Skype e. Nagabala pa tuloy siya ng ibang nurse tsk tsk" narinig ko namang sabi ng mga kaibigan ni Phyllis habang nakatingin sila sa eksenang nangyayari. "G-guys! Si Skype ba nakita niy------"

"I'm here" napalapit naman siya samin at napatigil siya sa matipid na sagot ko sakanya. Makikita mo sa mukha niya ang sobrang pagkakaba. "Thank God! Nasa kama kana. Hindi ka naman kasi umiimik e" may hingal hingal effect naman siya na parang ang exaggerate pa. Nako hindi niya ko makukuha sa ganito. "Ewan ko sayo! Pinagtangkaan mo akong patayin e! Ayos lang yan na makonsensya ka na aakalain mong patay na 'ko" pangaasar na sabi ko naman sakanya nang napatigil na siya. Pero hindi siya nagalit ah? Wala naman siyang karapatan e. Kasalanan naman niya ang lahat ng ito.

"Papatayin mo si Skype?!" nagulat naman ako ng sabay sabay na sabi ng 5 kay Phyllis. As in gulat na gulat. Kahit ako nagulat din e. Masyado din pala silang seryoso.

"Naku naman bro! Chicks yan o?!"

"Oonga! Wala ka talagang binatbat!"

"Sabi ko naman kasi sayo katukin mo na e. Pacellphone cellphone ka lang jan!"

Mga sagot naman ng mga kaibigan niya na sobra naman nilang dinidiin si Phyllis. Nako tama lang sakanya yun no? Pagkatapos niya kong hindi pakainin ng breakfast! PSH!

Makalipas ng ilang minuto ay nagpaalam na din yung magbarkada. Si Phyllis din nagpaalam na pero hindi ako pumayag. Kailangan ko pa siyang pahirapan dito. Hindi pa sapat ang pinaggagagawa niyang kabayaran sakin. Masyado ba akong pormal? Hindi naman kasi kalokohan ang pinagdadaanan ko e. Nandito ngayon si Jeff at Phyllis sa harapan ko na naguusap naman tungkol sa mga bagay bagay na hindi ko naman maintindihan. Anu nanaman kaya 'yon?

That Elementary Jerk! (Jerk Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon