Chapter 46: Bothered

18.7K 63 3
                                    

Matapos naman ang meryenda ko kasama ang dalawa ay humiwalay na ako sakanila. Parang gusto ko na rin kasing umuwi. Nakakapagod din ang araw na 'to na puro gala lang. Wala man lang akong nagawang something productive. Niyaya naman ako ng dalawa na ihatid daw sila ako sa bahay namin pero hindi ako pumayag. Nakakahiya, at sa kadahilanan na lalake pa ang dalawang 'to. Hindi mo rin masabi, baka may mangyari din.

Nakarating naman ako sa bahay ng kaibigan ng nanay ko nang bigla akong salubungin ng kaibigan ng nanay ko, which is tita ang tawag ko sakanya.

"Skype, tumawag kanina yung mama mo dito. Pupunta daw sila dito" hindi ko alam kung pa'no ako magrereact sa narinig ko mula sakanya. Hindi ko alam kung magiging masaya ba 'ko o kakabahan pero napatango na lamang ako sa narinig ko.

"Ah! Sila mama po ba? Sino daw po ba ang kasama niya?" tanong ko naman

"Siya lang. Kaya kung hindi ka busy, pwede kabang sumama sakin?" napakamot naman ako sa batok ko. Pa'no ko ba sasabihin 'to? May summer class kasi ako e! At hindi pwedeng malaman ni mama yun! Baka kasi pag nalaman niya, pagtrabahuhin nalang niya ko. At ipipilit nalang akong ipakasal dun sa lalaking hambog dun sa probinsya namin na mayaman! Ayoko naman ng ganun. Pero hindi naman mangyayari yun kasi alam nilang may trabaho ako ngayon.

Umakyat nalang ako sa kwarto ko nang napahiga nalang ako sa kama ko. Ang dami kong kailangang isipin. Si mama pupunta dito. Yung Pervist na yun! Si Phyllis, mukhang tanga. At higit sa  lahat...

Si Phyllis! Waaaaaaah! Si Phyllis?! Pa'no kung makita kami ni mama bukas?

---

"Skype, abangan mo yung mama mo diyan ah? Sabi ko dadating na daw siya diyan sa terminal ng bus" naghihintay naman kami sa isang bus stop dito sa may malapit saamin dahil dito daw bababa si mama. Napakatagal naman! May summer class pa kasi ako mamayang 1pm! Eh 11 na ng umaga. Alam mo naman yung nanay ko, maraming idadakdak sakin yun!

Kinuha ko naman ang cellphone ko na mula sa bulsa ko dahil sa sobrang kaboringan. Nakita ko naman na para bang may unknown number na nagtext sakin. Napakadami pa. Hindi ko naman na pinansin kaya hindi na ako nagbother na buksan ito kaya dinelete ko nalang.

"Skype? Skype anak?" lumingon naman ako dahil sa pagrinig ko ng pangalan 'ko. Si mama naba yun?

"Po?" bumungad naman sa harapan ko si tita. Akala ko si mama na e. Bigla naman tuloy akong kinabahan dahil sa naririnig ko mula sa pagtawag sa pangalan ko.

"Halika na dito. Nakita ko na ang mama mo 'dun sa may tindahan" napatango naman ako at nagsimula namang tuminding ng kaba ang puso ko. Oh God! Here comes trouble!

Naglakad naman kami sa lugar na sinasabi niya nang matanaw ko naman si mama na mas sobra ko namang ikinaba. I can't believe nakikita ko na ang babaeng lumuwal sa'kin sa mundong ito. "M-maaaaaa! Namiss kita!" pagyakap ko naman sakanya nang napababa ang buhat niyang bag. Parang nasa teleserye tandem ata kaming mag-ina. Yung tipong, parang ako yung long lost daughter na nagkita na sa wakas, dulot ng kaytagal na oras na nawalay sakanya. Imbis na mapaiyak ako habang niyayakap si mama ay parang napapangiti pa ata ako ng papilit! Sobra kasi akong kinakabahan dun sa summer class ko. Mataas pa naman expectation niya sakin!

That Elementary Jerk! (Jerk Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon