"Napaka mo talaga! You heard me right? Oo peeler ka! Pambalat ka ng patatas" sabi ko naman sa kanya na nagmake-faces pa. Ayaw niya kong tantanan!
"May gusto ka ba sakin kaya mo 'ko sinusundan?" sunod na sabi ko naman sakanya. Prangka akong tao. Kaya straight to the point naman ang pagkasabi kong iyon.
"Hindi mo ba ko kilala?"
"Ako si Phyllis Rocke! Ang may ari ng Sparluke" ginaya ko naman ang pagkasabi niyang iyon. Sinabayan ko siya pero parang nye nye ang pagkasabi ko nito. Paulit-paulit naman kasi. Ang yabang nito eh.
"Na mahal ka." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Nababaliw na 'tong lalaking 'to, eh! Akala naman niya kung sino siya! Hindi nalang ako sumagot sa sinabi nya. Kasi alam ko namang nagjo-joke time lang siya at pinagti-trip-an niya nga lang ako ngayon.
"Gandang good time ah? Diyan ka na nga!" at ayun iniwanan ko nga siya. Bahala siya. Hindi ko naman siya ka-close, eh. We've just met---- well not actually met but nakipagdebate lang naman ako sakanya at napikon kaya weird! It so weird I met him in that kind of a situation. Masyado siyang arogante!
---
Lumipas na ang weekend ko at lunes na naman. Sa pagkakataong ito, nasabi ko talaga, hay salamat!Hindi ko nakita ang pambalat ng patatas ngayon! I never see or heard or smell that Mr Peeler Jerk again! Mabuti naman! Siya naman daw ang may ari ng Sparluke eh, kaya baka nasa special classes yun. O baka nga hindi na nag-aaral yun eh.
Sobrang active naman ako sa klase namin. Kailangan ko to. Kailangan kong bumawi para sa midterm. Pano ba naman kasi sa kakatrabaho eh, nawalan na ata ako ng gana mag-aral. Parang nasilaw na ako sa kinikita kong pera sa trabaho ko. Nasayang tuloy ang scholarship ko.
"Ms. Tenefrancia, someone would like to see you in the office right now." Bungad naman sakin ng teacher ko. Tumango nalang ako at pumunta na nga d'on sa office na sinasabi ni Ma'am. Hay ano na naman kayang balita 'yon? Baka ma-expel ako dahil d'on sa pag-away ko d'on sa Peeler jerk na 'yon!
I knocked on the door as I arrived. Kinakabahan ako. Lord give me good news please!
"Have a seat." Umupo naman ako na sobrang kinakabahan at nanginginig pa ang mga kamay. Ano kaya'ng meron ngayon?
"As you can see Ms. Tenefrancia, you don't have enough resources to pay for your tuition fees right?" tumango nalang ako sa sinabi niya. Naku, mai-expel na nga talaga ko! Deadmeat na 'ko! Bye world!
"So I summoned you here to say that------- There's a scholarship that we'd grant you until college!" bigla naman akong napadilat ng mata at napataas ang ulo nung narinig ko ang pagkasabi niya! Yes! I know I can do it again!
"Thank you po talaga! Thank you! Gagalingan ko na po talaga!" nakipag-shake hands pa talaga ako sa kanya. Sobrang natutuwa talaga ko! "You deserved it! God has been so good to you! But-----" wait may kapalit? Syempre mag-aaral lang. Ayun lang naman yun e.
"You need to stay as where you are right now. And you need to help someone in the library after school everyday. Okay ba sayo 'yon?" um-agree na kaagad ako sa sinabi niya! Laking tuwa ko! Salamat Lord! Alam kong masusuklian din 'tong paghihirap ko, eh.
BINABASA MO ANG
That Elementary Jerk! (Jerk Series #1)
HumorAng lalakeng makaasta sa kanya na ginawang Physics ang buhay niya, just like her favorite subject itself. Skype Tenefrancia's only way to stay in Sparluke International School is to teach one of the boys in their campus. But she's been struggling to...