Tanggap ko na, na ganito talaga si Phyllis. He is quite---- most of the jerkiest person in the world! Nagawa ba naman niyang magpakamatay sa harapan ko. Pekeng suicide para lang masabi niya na patay na patay ako sakanya! Patay na patay na iyakan ang patay 'kuno' niyang katawan! He's the weirdest of all!
Pagkatapos ang dramahan namin sa warehouse na yun ay bumalik na kami ulit sa dati. Hindi lang pagbalik sa dating kami na nagrarambulan. Well, hindi naman maiiwasan saming dalawa yun pero mas oras na rin na umaakto na kami bilang kami sa sarili namin.
Nasa summer class ako ngayon habang siya ay ganun din. Nasa Physics class ako habang siya ay nasa ibang subject niya sa summer class niya. Nagtutulungan na din kami sa pagaaral naming dalawa dahil ayun naman talaga ang kailangan namin: Ang makagraduate sa summer class na ito.
Patuloy ko pa rin siyang tinuturuan sa mala'elementary' niyang utak na pagdating naman sa mga ibang bagay ay mature na mature ang isip! Ang dami niya nga talagang alam! Hindi niya nga lang talaga pinupunta sa pagaaral.
Matapos ang summer class ko sa Physics ay dumeretso na kami sa meeting place namin ni Phyllis. Ang lugar kung saan nagkahiyawan ang mga sarili namin, sa library.
"Hoy! Inaral mo ba yung English Comprehension mo na tinuro ko sayo!" Pagsita ko naman sakanya nang umupo na kami sa isang table. Ang kulit padin talaga niya kahit kelan kasi bigla nanamang kinatok yung noo ko. "Nagmamatigas ka nanaman diyan patatas ko. Calmly please? Smile? Smile! Hehehe!" Pinilit naman niya ako na pangitiin ako pero imbis na gantihan ko niya ng mga palo ay binaba ko nalang ang pagbanta ko sakanya na paluin siya at napapikit nalang ako ng may halong pagtupi ng labi ko. Pinigilan 'ko ito. Kalmado daw e.
"Take two kunyari wala kang narinig ha?" Sarkastiko kong sabi sakanya na para bang kalmado na ako sa inaakto ko sa harapan niya.
"Phyllis?"
"Yes?" Sinimulan naman niyang ilagay ang siko niya sa lamesa habang hawak hawak niya ang baba nito na ngiting ngiti sa harapan ko.
"Yung English Comprehension na tinuro ko sayo, inaral mo ba ha?" Sobrang sarkastiko na ang pagkakasabi ko sakanya at hinawakan ko pa ang buhok na na may halong pikit reaction ko pa with a sweet-sarcastic smile of mine.
"Hindi! Hahahahahaha!"
"Eh tanga ka pala e! Bakit di mo inaral? Hindi mo ba alam na hirap na hirap ako kakaturo sayo ng kung anu ano! Tapos hindi mo lang seseryosohin?! Ano ba!" Biglang pagaalboroto ko naman sakanya at sinabunutan ko siya ng mahina sa buhok niya. Tawang tawa padin siya sa naging reaction ko at pinisil naman niya ang pisngi ko bilang pagganti niya sakin.
"Bakit ko seseryosohin yung pagaaral ko? Eh sayo nga ko seryoso e. Gusto ko sayo nakatutok ang atensyon ko, hindi sa pagaaral." Kinindatan naman niya ko at ngumiti ulit ako sakanya ng sarcastic.
"Ahh! Ang sweet! EH KUNG ANG PAGAARAL KAYA ANG SERYOSOHIN MO DIYAN! HINDI YANG PAGBABANAT BUTO MO SAKIN!"
"Nako kung ang pagbabanat buto ko sayo ang sineryoso ko, baka mamatay ka na niyan. At ako naman ang magiging patay na patay sayo. Hahahahahaha!" Ayan nanaman kami sa patay na patay! Peeler talaga niya sobra! Sarap niyang balatan sa sarili niyang balat!
Bigla naman naming tinigil ang pagswsweet sweetan namin sa isa't isa nang napansin namin na nakatingin na pala samin yung librarian. Oo nga pala. High blood pala samin yung librarian dito eversince pa. Nag 'ehem ehem' effect at 'productive kuno' effect nalang kami nang napansin kami at bumalik na sa ginagawa namin.
BINABASA MO ANG
That Elementary Jerk! (Jerk Series #1)
HumorAng lalakeng makaasta sa kanya na ginawang Physics ang buhay niya, just like her favorite subject itself. Skype Tenefrancia's only way to stay in Sparluke International School is to teach one of the boys in their campus. But she's been struggling to...