Chapter 39: Power Rangers Tale

21.4K 88 1
                                    

Bigla nalang akong inakbayan ni Phyllis matapos ang sakalang nangyari. Syempre as usual, yung literal na sakalan nanaman. Nakakainis naman kasi e. Sino ba kasi yung lalakeng nakaputi na yun? Janitor daw? Anu kayang gagawin sakin nun? Wala naman siyang makukuha sakin e. Pero yung pangalan niya parang pang pervert e. Hindi kaya't-------- it can't be! Pervert? Gagahasain ako?! Hell no!

Hindi pa rin talaga mapalagay yung pagiisip ko dahil sa nangyari kanina. Posible bang side kick ni Phyllis yun? Nararamdaman ko kasing may kinalaman siya dun e. Pero ito nanaman ako sa nararamaman ko. Pa'no ba ako makakasiguro?

"Let's just go out and get something"

"Get something what?" napapairap talaga ako sakanya e. Ito nanaman yung mood swings ko. Masyado akong nagaalboroto.

"Get something to refresh. Init na init ka dyan e" at bigla naman siyang naglakad sakin, sumisignal na sundan ko siya.

Sinundan ko naman siya at hanggang dun lang yun. Hindi man lang kasi niya akong kibuin. Bakit ba siya naman ang walang kibo ngayon? Naoffend ko ba sa pagaakusa ko kanina?

"Hoy Phyllis!" tawag ko sakanya pero patuloy pa rin siyang naglalakad. Nakakainis naman 'to. Mas lalo akong nahihighblood sakanya. "Phyllis Rocke! o baka naman gusto mong Peeler Jerk pa ang itawag ko sayo para lang pansinin mo 'ko?" Sinusundan ko pa rin siya kahit na dinedeadma pa rin niya ko. Patuloy ko pa rin siyang sinusundan pero wala pa rin siyang imik. Okay naiinis na 'ko.

"Bahala ka nga dyan. Uuwi na 'ko" napalitan naman ng kalmado ang boses ko at muli nang tumalikod sakanya at naglakad palayo. Anong problema niya? Bakit ba ngayon lang napikon yun sakin? Sa lahat ng oras ngayon pa siyang mapipikon sakin? Napakababaw naman niya.

Naglakad na nga ako palayo sakanya, naghihintay na lamang ng makakasama nang bigla ko namang nakita ang barkada ni Phyllis na sumisilip sa paglalakad ni Phyllis palayo.

"G-guys! May problema ba?" biglang singit ko naman sakanila nang napatingin sila saking 4. Wala si Jeff at wala si Phyllis. Hindi ko pa talaga sila kilala talaga e. Really!

"Bakit nagkaganun yun? Nagaway ba kayo Skype?" tanong naman sakin ng isa.

"Nakita mo naman diba? Lagi naman silang nagkakainitan e" sunod na sabi naman ng isa.

"Mga bulag ba kayo?! Nakita niyo naman si Pervist kanina diba?" as in sunod sunod na sabi nila sakin. Nalilito ako sakanila. Bakit parang ang dami ko pang hindi alam? Sinira ko naman ang pagdedebate nila sa isa't isa at sinira ko ang attensyon nila sa pagkaubo ko.

"You guys want to tell me something?" nagcrossed arms naman ako bago ko pa man silang pagsalitaan. Curiosity went wild out of my mind.

Nakita ko naman na parang ayaw pa nilang magsabi sakin pero tumango nalang din sila sa huli, kaya naman niyaya ako sa isang lugar kung saan walang makakarinig samin. Naweweirdohan nga ako sa apat na ito e. Dadalhin daw ba nila ako sa CR ng lalake?! It's just------- uncomfortable!

"Tara, baka may makakita satin"

"Guys naman e. May makakakita talaga satin! Nakakahiya kasi! Bakit pa kasi dito sa CR ng lalake?!" syempre hindi ako papayag na pumasok sa CR ng mga lalake no? Ang panghi panghi kaya! Pero wala naman akong nagawa kundi natulak nalang din nila ako at ako naman tanga tanga nagpahila na din.

That Elementary Jerk! (Jerk Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon