Chapter 54: Fiction Jerk!

17.4K 69 6
                                    

Nakaramdam ako ng akbay mula sa mga kasama ko. Pinapakalma nila ako sa naging reaksyon ko matapos makita ang presensya ni Phyllis na wala ng buhay.

"Bakit gano'n? Kung kelan nawala, atsaka naman nagbunga yung pagsisisi?" Ngayon na sobrang umiiyak na talaga ako, ay patuloy parin na pinapahid ni CG ang likod ko. Sadyang ganito nga talaga ang buhay, punung puno ng pagsisisi. "Ganyan talaga. Maloko talaga ang tao pagdating sa love. Minsan nagagawa na nila ang mga literal na bagay na kagaya ng patay na patay."

Sadyang literal nga yung nangyari kay Phyllis. Literal na mamamatay nga siya sa pagmamahal niya sakin, kasi patay na patay daw siya sakin.

"Akala ko lahat ng mga banta ng mga tao sa mga kinaiinisan nilang tao ay pang threat lang. Ayun pala nagkakatotoo din." Napayakap na ako kay CG. Hindi ko na nakayanan yung emosyon ko. Tilang bigla nalang talaga akong nalungkot lalo. Kayakap ko si CG na hinihimas himas niya ang likod ko nang may nakita akong tila shadow saakin. Nakita ko 'ito sa sahig na nakalilim samin ni CG.

"Guys I think we need to light up some candles to our friend." Napatingin naman kami ni CG kay Jeff nang sinabi niya 'yun. Pumayag naman kami kaya naman nagsimula na kaming kumuha ng lumang kadila sa sahig at sinindihan ito. Hindi ko paring mapigilang umiyak. Hawak hawak ni CG ang likod ko. Pinapatuloy niya pa rin ang paghimas sa likod ko habang nakahawak na kami ng kandila sa harap ng kamay na nagluluksa ni Phyllis.

"Tanga si Phil bro. Masyadong dependent sa mga desisyon niya, pero hindi siya bumigo sa mga plano niya." Narinig kong sabi ni Jeff nang nilagay niya yung kandila dun sa may kamay.

"Si Phyllis? Lately ko lang nakilala. Masyado siyang immature to handle some things. Kaya nagpatulong siya sakin. At nakita ko namang sincere talaga siya sa gusto niyang mangyari." Gaya ng ginawa ni Jeff, ganun din si CG. Nilagay niya din ang kandila sa harap ng kamay ni Phyllis at pumunta na sa likuran ko.

Sa part ko naman, hindi na lamang ako nagsalita kundi napapikit nalang ako habang hawak ang kandila, nagiisip ng bagay na ikabubuti ko after matapos 'to. Naiisip ko pa din yung una ko siyang nakilala. Yung oras na nagkakarambulan kami na parang aso't pusa. Yung oras na umamin ako sakanya na binalewala niya lang. At higit sa lahat,

Yung oras na namatay siya. At ngayong araw iyon.

Muli naman akong napadilat nang nakita ko naman na parang may mga kandila na sa gilid ko. Nakahilera ang mga ito at sa tingin ko, ginawa na agad ng dalawa ang mga ito. Yung kandilang nakalagay sa harap ni Phyllis kanina na nilagay ng dalawa, ay tila nawala at nilipat na nila sa gilid.

Lumuhod ako para tingnan muli ang kamay na pinaglaslasan ni Phyllis. Nilagay ko ang kadilang hawak ko sa side ng kamay na 'yun at muli kong nakita ang singsing. Yung singsing na color pink na nakuha namin sa pagkain namin. Hindi ko na natiis ang sarili ko kaya naman tinanggal ko ang singsing na yun sa kamay nito. Hawak hawak ko ang pulso nito para kunin ang singsing ang daliri nito hanggang sa may humawak sa balikat ko.

"Skype tara na. Ilagay mo nalang 'to diyan after mong kunin yung kukuhanin mo diyan." Napatango nalang ako at nagabot sakin si CG ng mga bulaklak na artificial.

Matapos ko makuha ang singsing sa daliri niya ay nilagay ko na ang bulaklak sa harapan ng kamay ni Phyllis.

That Elementary Jerk! (Jerk Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon