"......dahil gusto kita! Gusto kitang kamuhian! Gusto kong ilabas yung galit ko sayo, dahil MAHAL KITA!"
Hindi ko man pinaramdam sakanya yung mga sinasabi ko ngayon, pero nasabi ko na yun sakanya. Patuloy parin siyang nakayakap sakin ng patalikod habang nakaupo padin kami sa sahig. Ngayon lang ako umiyak ng ganito. Ngayon nalang ulit akong umiyak ng ganito. Nung una akong umiyak ng ganito ay yung pagkamatay ni kuya.
"Skype! Pasensya na talaga! Hindi ko talaga kaya." Akala ko sa kakadrama ko ngayon sa harap niya ay mababago ang lahat ng sa'min, pero hindi pala. Ang lakas ng loob niyang sabihin sa'kin 'to. "Phyllis ayoko na din. Hindi ko na din kaya." Tumayo na akong tuluyan nang pigilan niya ko sa pulso ko.
"Skype....." Halos manghina niyang sabi pero hindi padin ako nagpapigil sakanya kaya naman nilayuan ko na siya at lumabas na akong tuluyan sa warehouse na 'yon. Sa paglabas ko naman ng warehouse, para bang nakita ko ang sarili ko sa pagtingin ko ng araw. Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako pero bigla nalang akong napangiti ng papilit sa pagtingin ko dito. Kunot na kunot pa din ang noo ko pero ito na ata yung simula para tigilan ang mga kadramahan ko sa buhay. Mukha akong tanga sa loob kanina. Sakanya ko lang nagawa yung mga kadramahan ko kanina, bukod sa pinakamamahal kong kuya.
Naririnig ko pading may tumatawag padin sakin sa likuran ko pero hindi ko nalang muling nilingon pa 'yon. Parang nasasayangan ako sa oras ko ngayon.
Habang naglalakad ako palayo sa warehouse, ay parang may nagtutulak sakin na bumalik ulit dun. Hindi ko alam kung babalik pa ako pero parang may naguudyok kasi talaga na bumalik 'dun sa warehouse. Yung paa kong sobrang kabado dahil sa pagdabog ko kanina ay bigla bigla nalang naglakad magisa. Kasama nadin akong buong katawan ko para bumalik ako, sa kadahilanan nang may humihila talaga sakin pabalik dun sa warehouse.
"Nakakagulat naman kayo! B-ba't hindi niyo 'ko sinabihan na susundan niyo 'ko dito?!" Oo nandito sa likod ko ang dalawang si CG at si Jeff. As in literal na may humihila sakin pabalik ng warehouse. Hindi na tuloy ako nakapagmoment para sa sarili ko!
"Tinatawag ka kaya namin! Tapos hindi ka naman tumitingin! 'Skype' kami ng 'Skype' pero parang nagdadrama pa yung aura mo diyan!" At bigla ba naman akong binatukan ni CG. Siraulo talaga 'tong babaeng 'to! Gangster ata 'to e! Ang brutal kasi lagi! Literal nga na may tumatawag sakin kanina. I thought it was just only Phyllis whose calling me.
"Hoy! Makapagbatok talaga?!" Hinawakan ko ang pagkabatok sakin ni CG na ikinasakit ko naman kaya nirub ko ito. Habang si Jeff ay parang natatawa na sa ginagawa 'ko. Nakapout kasi ako ngayon e.
"Ewan 'ko sayo Skype! Para maalala mo na ayan yung endearment niyo ni Phyllis mo! Yiiiieeee!" Kasabay naman ng pagtulak niya sakin dahil sa pagkakilig niya. Masyado talaga 'tong sadistang 'to! Gangster nga talaga 'to e!
"Hoy GANGSTER KABA?! SADISTA KA TALAGA MASYADO! PANGALAWA NA 'YUN OY!" Pagrereklamo ko naman sakanya habang si Jeff ay parang natatawa padin saming dalawa.
"Tama na ang drama aura mo ateng! Wala tayo sa korean drama or fiction na susuyuin ka ni Phyllis kapag nilayuan mo siya diyan sa warehouse na yan! It's beyond on your imagination okay?" Matapos naman niya sakin sabihin 'yun ay parang hinila na niya ako papunta sa warehouse. Nakakainis talaga 'tong babaeng 'to! Masyadong KJ! Feel na feel ko na nga kanina e! As in may sound effects na nga sa isip 'ko e, tapos kontrahin ba naman yung moment 'ko.
"Grrrrrrrrrrrrrrrrhhhh!" Pagbanta ko naman sakanya na tinaas ko ang fist ko. NapakaKJ talaga nitong babaeng 'to!
Nang makabalik na kami sa warehouse ay nakita namin ang sobrang kalat na kung anu ano ang nasa sahig. Tinawag namin ang pangalan ni Phyllis para hanapin siya, pero wala naman kaming narinig na presenya ni Phyllis kundi ang mga basag na bubog lamang sa sahig ang naririnig namin sa paglakad namin dito.
Habang naglalakad kami sa warehouse na ito, ay napalapit ako sa isang sulok kung saan nakakita ako ng bagay na hindi ko kinaya. Ang isang kamay na may dugo, duguan at nakita ko ang pagkalaslas nito sa kamay at pulso. Natatakpan nito ang lamesang nakatumba.
Hindi ko alam pero parang hindi na ata ako mabubuhay sa lugar na 'to. Kasalanan ko talaga ang lahat nang 'to e! Hindi 'to mangyayari kundi dahil sakin! Talagang nagiging maayos nga ang problema sa isang kalmadong paguusap, pero ano ang ginawa 'ko? Binalewala ko lang 'yon at hinayaang matapos nalang ang buhay niya dahil 'dun. Hindi ko man lang siya pinahalagahan. Pinrotektahan, at higit sa lahat, pinagkatiwalaan.
Napatakip nalang ako sa bibig ko nang makita ko ang kamay na 'yon. Hindi ko mapigilang hindi umiyak. Ganun nga pala talaga kadesidido makipagayos sakin si Phyllis......
Sobrang seryoso niya.
That Elementary Jerk, whose trying to play my feelings.
Whose trying to amused me by his tricks,
Whose trying to changed by me,
Who tried to deceived me with all of his white lies,
Suddenly became serious. He got even so serious to the point that he killed himself just for me.
You Phyllis! You're this Elementary Jerk that can killed himself to someone that doesn't love him back.
Napaupo nalang ako sa harap ng iniiyakan ko ngayon, ang lalaking hindi ko lamang pinagbigyan kahit sa pinakahuli niyang sinabi sakin, ang pangalang Skype na wala namang binatbat sa mundo.
I just love you so much....
Secretly loving you so much,
Your Potato Skype.You and I Phyllis, Will have our syndrome together. Our Peeler-Potato Syndrome.
In formal endearment of our named Skyllis...... Forever.
You will always be in my potato-hardrock heart.
BINABASA MO ANG
That Elementary Jerk! (Jerk Series #1)
HumorAng lalakeng makaasta sa kanya na ginawang Physics ang buhay niya, just like her favorite subject itself. Skype Tenefrancia's only way to stay in Sparluke International School is to teach one of the boys in their campus. But she's been struggling to...