Quick note: As of 12/5/14, mejo may pinalitan ako dito due to realization na nonsense pala ang pagkaflow nito. Dahil pinlano kong lagyan ng sequel ito dati kaya tinanggal ko ang revelation dito dati. Now, nilagay ko na with all touch of editing it.
---
Umuwi ako ng bahay na basang basa ako ng ulan. Hindi ko alam pero mas naging dramatic yung journey ko papuntang bahay namin. Hindi ko naman ginusto mangyari 'to. Pero bakit nagiging madrama na ang buhay ko. At hindi naman talaga ako basang basa ng ulan e. Imagination rain lang yung kapag malungkot ang isang anime character.
Pagkapasok ko sa pintuan ay nakita ko naman agad si mama sa harapan ko na bigla naman akong tiningnan ng parang may nagawa akong kasalanan sakanya. Nagpeke pekean na lamang ako ng ngiti sakanya para hindi niya mahalata na malungkot talaga ako.
"Anak may hindi kaba sinasabi sakin?" Nang marinig ko naman ang tanong na yan mula sa bibig niya ay bigla naman akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko. "Sabihin mo na sakin lahat. Hindi ako magagalit." Napayuko na lamang ako sa narinig ko mula sa kanya kaya napagdesisyunan ko nalang na sabihin na sakanya lahat. Total wala na rin naman e.
"Ma, tungkol yun kay Phyllis. Oo nagsinungaling ako. Hindi na ako scholar at wala na akong trabaho sa Sparluke. Hindi na ako kumukuha ng pera sa gobyerno dahil hindi ko na kaya Ma!" Napayakap nalang ako bigla sa minamahal kong ina at hinimas himas niya ang buhok ko habang kayakap ko siya.
"Naiintindihan ko na nahirapan ka. Sinabi na sakin lahat ni Phyllis ang lahat ng 'yun. Ang ayoko lang ay ang umiiyak ka." Bigla ko namang pinunasan yung luha ko nung pagkayakap ko kay mama. Ayaw niya nga ako na malungkot ako. "Pero Ma, bakit kanina parang galit ka samin ni Phyllis?" Tanong ko naman sakanya.
"Kasi ayoko siyang pumapasok nalang siya sa kwarto natin. Babae ka Skype. Pero alam ko na ang lahat lahat ng sainyong dalawa. Sinabi niya sakin lahat nung umalis kayo ng babae kanina. Ako nga nagsabi sakanya na sundan ka niya." Mas lalo pa akong napayakap kay mama sa narinig ko mula sa kanya. Naiintindihan niya ko. Ang sarap sobra sa pakiramdam na yung magulang mo ay pinagkakatiwalaan ka.
"Alam mo naman pala Ma e! Bakit mo pa 'ko pinagsalita kanina! Pinakaba mo naman ako e!"
"Tinatakot lang kita! Mabuti pa't matulog kana dun sa taas."
"Sige po!"
Umakyat naman ako sa taas na punung puno padin ng lungkot ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yung kanina! Pero atleast alam ko na. Alam ko na yung lugar ko sa buhay ni Phyllis. Hindi ko na kailangan mamakelam pa.
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay may nakita akong dalawang regalo sa kama. Ito yung nakita kong hawak ni Phyllis kanina na tinatago niya ah?
Hinawakan ko naman ang regalong nakabalot sa gift wrapper. Nakabox din ito kaya inalong alog ko ito kung ano ang nasa loob nito. Pero sa sobrang pagkaalog ko nito ay may nalaglag na isang pirasong patatas sa sahig. Naintriga ako lalo kaya naman binuksan ko ang regalong nilapag ni Phyllis kanina dito sa kama. Pagkabukas ko nito ay napahawak naman ako sa mga patatas na nakalagay sa kahon. Marami rami rin dito at may note naman ito sa loob na nakagusot na.
I'm gonna love you only 365! Hindi sa one year lang kita mamahalin pero 365 represents 'The Loving Skype'.
BINABASA MO ANG
That Elementary Jerk! (Jerk Series #1)
HumorAng lalakeng makaasta sa kanya na ginawang Physics ang buhay niya, just like her favorite subject itself. Skype Tenefrancia's only way to stay in Sparluke International School is to teach one of the boys in their campus. But she's been struggling to...