Chapter 36: Test Him

24.4K 126 13
                                    

Tapos na ang katapusang drama namin ni Phyllis pero hindi parin tapos ang pagsisimula namin ni Phyllis. Ang gulo ba? Akala niyo happy ending na kami no? Nagsisimula palang kami ng magandang alaala, pero tapos na ang aming 'Epic'logue na dramahang pambata. Ito na ang muling babalik ako sa istorya namin ni Phyllis. Sabi ko sainyo babalik ako e. Kaya ito na ang hanggang sa muling sinasabi ko, Ako ay nagbalik.

Lumipas na din ang school year namin ay naging united na kami nitong si Phyllis Jerk. And still, ang tigas padin ng ulo niya. Ni wala man lang siyang napasa ni isang subject niya. Ano bang pwedeng ipakain dito? Hindi naman pwedeng puro ako nalang ang inaatupag niya. Pero syempre joke lang yun! Oo ako ang inaatupag niya, trip niya daw kasi ang puso ko e. Lagi nalang akong inaasar.

"Patatas! Samahan mo 'ko sa school! Wala akong kasama, natatakot ako kay Sir e" nandito kami ngayon sa bahay niya kung saan lagi niya akong pinupuntahan sa bahay ng kaibigan ng nanay ko. Nakakahiya man pero pinapatuloy ako duon. Tapos na kasi yung school year kaya hindi na ako nagdodorm sa Sparluke. Kaya halos araw araw ako nandito na ako sa bahay nila Phyllis. "At bakit naman kita sasamahan? Bagsak bagsak kapa kasi diyan e! Bagsakin kita jan e!" as usual, ganito padin kaming dalawa. Hindi na nagbago ang saming dalawa.

"Please please please? Mahal mo naman ako e. Papayag na yan!" Nginitian naman niya ko habang kinukulit ang mukha ko. Nagmamake faces din siya sa harap ko habang kinakalikot ang mukha ko. Napakakulit naman kasi talaga nitong lalakeng 'to e! "Mahal ka jan! Mahal akong yayain ngayon! Tinatamad ako! Kaya mo na yan. Kaya ihatid mo nalang ako samin" pagpupumilit ko din naman sakanya pero ayaw talaga niyang magpatalo! "As in pleaaaaaaaase! Nakita mo namang kabado na 'ko o? Samahan mo na 'ko!" muli ko naman siyang tinawanan dahil sa nagiging reaction niya ngayon. Sobra siyang nakakatawa. Para siyang batang nawawalan ng magulang. Hanggang sa hinila hila na niya ay laylayan ng damit ko ay hindi pa rin ako pumayag. Nako ang laki laki na niya. Ganyan padin siya.

"Iho! Anung height mo?" tanong ko naman sakanya na napalagay naman ang daliri niya sa labi niya.

"Bakit mo naman tinata----"

"Basta sagutin mo nalang ako! Wag kang sasatsat!" pagputol ko naman sakanya at nagsimula namang nagisip ulit.

"5'8? 5'10? Ikaw ba?"

"5'2! Anung bigat ng katawan mo?"

"15---- pero teka?! Bakit mo 'ko sinusuka----"

"Tumahimik ka nalang! Anung bigat mo?!" pagputol ko naman sakanya nang tumahimik nalang siya bigla.

"154-158 lbs ata?"

"Ayun naman pala e. Nakita mo naman ang katawan ko diba? 108 lbs lang ako! So tanungin nga natin, sinong mas malaki satin?"

"A-ako? Tinatry mo ba akong maliitin dahil mejo chubby chubby ako?" sabi naman niya nang napataas nalang ako ng kilay sakanya. Napakaligalig talaga nitong lalakeng 'to.

"At ako ba minamalaki mo 'ko dahil jan sa appointment mo? Ang gusto ko lang sabihin sayo e malaki kana. Binat----- Lalake kana! Hindi lang malaki kundi matanda ka na. Tingnan mo nga ako o? Pang elementary ang height ko!" sabi ko naman sakanya at tinaasan ko na siya ng kilay. Pero siya ngiting ngiti pa sa harapan ko. Naaaaaapakakulit talaga!

"Buti nga ikaw height lang e! Ako nga lahat e! Basta sasama ka din sakin! Sparluke lang naman e! Natatakot kasi akong kunin yung permit ko dun e!" batang bata umasta talaga si kuya o? F na F pa ang loko! Pwes nakakaF na rin siya, nakakafrustrate!

Hindi din naman siya nakapagpigil sakin kundi napapayag din niya ang sarili niyang pumunta magisa sa Sparluke. Napakakulit naman kasi ng lalakeng ito. Ang ligalig masyado! Hindi naman cute! "Pagpupumilit pa kasi e! Pumunta kana! Magtatrycicle nalang ako papunta sa bahay. Ikaw ah! Pumunta ka kundi kakaladkarin kita papunta don" nagulat naman ako pagkatapos ko siyang kumbinsihing pumunta magisa sa Sparluke ay bigla nalang siyang humilata sa sofa. Aba aba aba! Talaga tong lalakeng 'to ang tigas ng ulo e!

That Elementary Jerk! (Jerk Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon