Chapter 45: Phyllis?

19.3K 74 0
                                    

Dedicated kay @eckacaasi. Lagi niya kasing vinovote yung updates ko hehe! Kaya thanks sayu. Kung binabasa mo man 'to. Thank you~

---

"Phyllis bitawan mo nga muna 'ko" nagpupumilit nanaman kasi siya e! Hindi ko alam kung bakit nanaman niya ko pinapatakbo ng ganito. "Nagsasalita pa si Pervist kanina, hindi mo manlang sinagot. Nakita mo naman may summer class ako diba? Hindi manlang ako nakapagpasensya kay Perv-----"

"Puro ka nalang Pervist ng Pervist. Siya ba ang boyfriend mo?"

"Bakit boyfriend ba kita?"

"Oo" napakunot naman ang noo ko sa pagkasagot niya sakit. Boyfriend ko daw siya?

"Bakit ba ang bilis mo lang sabihin na girlfriend mo 'ko? You did NOT treating me equally as yours. Unlike the other couple does treat their princess as one" napanosebleed naman ako sa sinabi 'ko. Hindi ko ba alam kung bakit ako napapaenglish ngayon. Siguro nasanay nadin ako dahil sa kakasagot niya rin sakin ng 'breathtaking' english niya. Mas magaling pa nga ata sakin 'to e.

"Wala akong sinasabing girlfriend kita. Ang akin lang, eh boyfriend mo 'ko" ang kapal naman niya! "Sinagot kita in the first place remember?" too much air resistors in his tube! Humahangin siya ah! Nagkakaro'n na pala ng matching fan ang pambalat ng patatas? Or so-called 'The Peeler'?

"Boyfriend mo 'ko, at patatas kita" kindat naman niya sakin and he just chuckled! At natuwa pa siya sa sinabi niya! Hindi naman bagay sakanya umakto ng ganito.

Sasagot na sana ako sa sinabi niya para sa isang violent reaction ko pero inakbayan niya ako at tuluyan namang lalabas sa campus. Ipagcucutting nanaman ako nito e! "Hoy babalik pa 'ko sa Math class ko" pagalis ko naman ng braso niya sa balikat ko. PSH! Pa-bad boy effect pa 'to! Hindi naman siya marunong umakto! "I'm your boyfriend. Kaya susundin mo 'ko" hay nako! Anung drama naman ang inaakto niya ngayon?

"Hoy! Tigilan mo nga ako! Hindi ka mukhang baddass! Sino ginagaya mo? Yung guy sa mga fiction stories? Hell no!" reklamo ko sakanya at bigla namang napakunot ang noo nito. "Anong sabi mo?! Sa tingin mo ba nagpapakabaddass ako sayo? Hah!" Bigla naman niya 'kong sinandal sa pader at nilagay ang siko niya sa may gilid ng taas ng ulo ko. Hindi ko alam pero bakit ba siya umaakto ng mga ganitong bagay? Halatang scripted pa yung malalim niyang boses!

"Phyllis tigilan mo 'ko!" pinipilit niya kasing ilapit yung mukha niya sa mukha 'ko e! Ayan nanaman siya sa ginagawa niya. "Anong titigilan 'ko? Ito?" tapos mas lalo pa niyang nilapit yung mukha niya sakin. Ginagawa ko ng pandepensa ang kamay ko para matakpan ang mukha 'ko pero patuloy pa rin niyang nilalapit ang mukha ko. Kung saan ko tinatakpan ng kamay ko ang mukha ko, ay dun din naman niya pinupunta ang mukha niya. Chinechempuhan niya kasi na mapunta yung mukha niya sa mukha ko e. When suddenly........

"Yaks! Ang bastos mo Phyllis! You're a baddass jerk! Ikaw ang unang nakahalik-----" hindi ko alam pero nabigla naman ako! Ang galing din niya sa patintero no? Sa sobrang galing, yung kamay ko ang nahalikan niya. Tanga tanga kasi pero bakit ba makapag-asta ako na hahalikan niya 'ko sa labi ko?

"Sa kamay lang naman yun e! Sa palad mo!" Tama nga siya, sa palad ko lang siya humalik dahil naiwasan ng kamay ko ang pagtakip ko sa mukha pero para kasing may basa akong naramdaman.

"B-basa kasi e! Gross!" Pinahid ko naman ang palad ko sa damit niya at tinarayan siya. "Pa baddass baddass, di na umeepek yung mga kaartehan mo sakin oy!" Sabi ko naman sakanya na napakamot naman siya ng ulo niya at para bang nag 'sayang, bakit hindi niya nagustuhan yung arte ko' action siya. His fist went hold strongly and he stomped his feet. "Hoy, anu namang minumukmok mo d'yan? Baka gusto mong magsorry sakin?" Napakaweirdo niya kasi talaga e. Bakit ba ganito yung mga ginagalaw niya nowadays? Papalit palit! Para bang may pinaggagayahan.

That Elementary Jerk! (Jerk Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon