Bumalik ako sa dorm ko na puno ng lungkot sa mukha ko. Nang dahil sa kanya nawalan ako ng trabaho! Nang dahil sa kanya mapapatay ko siya! Nang dahil sa kanya-----
"S-Skype right?" napatingin naman ako sa kanya. Nakabowed down kasi ako habang naglalakad nang biglang tumama ang ulo ko sa chest niya. Ang clumsy mo talaga Skype kahit kelan. Kahit kelan ka talaga! Clumsy ka nadin dahil sa nakabangga mo pa tong lalaking 'to!
Hindi ko nalang siya pinansin kaya hinigitan ko na siya at umiwas para ipagpatuloy ang paglalakad ko sa hallway. Pero hindi siya makulit e. Kaya tinawag naman niya ko bilang sa anonymous name.
"I'm sorry! I thought you're Skype. Sorry Miss Hopeless Romantic" kung si Mr Peeler jerk, ang tawag niya sakin ay Miss Romatic Potato, pwes itong lalakeng to ay Miss Hopeless Romantic naman ang tawag sakin! PSH! Holdaper lang naman siya! Muntik nakong marape dahil sakanya!
Napatigil nalang ako sa sinabi niya sakin sa hallway. Hindi ako hopeless romantic no? More like Miss hopeless lang ako ngayon. I'm so helpless right now! Hopefully na may himala na mangyari ngayon! Himala na biglang yaman. Pinapamukha kasing pera ang kailangan ko ngayon e.
Hinarap naman niya ko nang napatigil ako sa paglalakad ko. At muli naman niyang tinaas ang baba ko. Mejo may pagkaPeeler blood din pala tong lalakeng to. Pambalat din pala ng sangkap. Magkaibigan nga sila.
"J-Jeff please. I don't have time for this" iniwasan ko naman siya ng tingin habang may nakakakita na samin. Ang awkward lang. Pero naalala ko yung name niya ah? Stupid Peeler guy! Bakit kasi ininvolve niya pa sakin ang lalaking ito e.
"W-wait!" hindi ko na siya pinansin pa nang nagsimula na akong maglakad palayo sakanya. Nakakahiya! Makaasta din kasi yung mga ibang tao dito, akala mo boyfriend ko yung lalaking yun! Maka-da-moves naman kasi yung Jeff na yun! Masyado! Makahawak ng baba ko akala mo may atraso ako sa kanya.
Dumiretso na ako sa dorm ko. Sobrang kalat lang ng room ko. Ilang araw din akong di nakakapag-ayos ng dahil sa Peeler guy na si Phyllis! PSH! He's not worth of my time! Kaya lubay-lubayan na niya ko.
Pero speaking of him, tumatawag siya sa cellphone ko ngayon. Este may tumatawag pala sa cellphone ko. As if naman malalaman niya ang number ko diba? Hindi na niya kailangan! Kasi baka pinapahanap niya lang ako sa mga fangirls o sa mga alagad niya kaya di na niya ko kailangan tawagan para lang hanapin niya ko.
Binaba ko ang tumatawag na unknown number sa cellphone ko at sinilent ko nalang ito. Kailangan kong mag-aral, magtrabaho, at mag-ayos ng buhay. Kailangan ko talaga ng pera ngayon. Nawalan pa kasi ako ng trabaho ng dahil sa Peeler jerk na yun e!
Tumingin ako sa newsletter ng Sparluke kung may available na job na meron sa loob ng campus. Pero tutoring lang talaga ang nakita ko. At naka-specialize siya sa mga scholar dito. Pwede to. Pero ayoko nang tutor-an si Phyllis e. Nagsasawa na ako sa kanya.
Patuloy parin akong tumingin sa newsletter ng Sparluke. Hanggang sa may nakita nalang akong news na "Lobo strikes 5-0 against Sparluke". So L-lobo tong lalaking to? Itong si Jeff the holdaper? Jeff Lobo siya? At ex varsity player siya ng Sparluke? But why is he so popular in this tabloid anyway?
Binuklat ko pa din ang newsletter na binabasa ko. Ang nababasa ko lang yung about sa Sparluke International School na naging Sparluke University na nga at yung founder daw ng university na to ay isang mayaman na bussiness man daw. Pero speaking of the founder of this university, siya nga ba talaga yung may ari ng Sparluke? Possible ba yun? Hay! Bakit ko pa kasi iniisip e!
Nakita ko naman ang laman ng envelope na binigay sakin ng boss ko. Ito na pala yung paycheck ko. Yung pinagtrabahuhan ko for almost 4 years na pagstay ko dito sa Sparluke.
BINABASA MO ANG
That Elementary Jerk! (Jerk Series #1)
HumorAng lalakeng makaasta sa kanya na ginawang Physics ang buhay niya, just like her favorite subject itself. Skype Tenefrancia's only way to stay in Sparluke International School is to teach one of the boys in their campus. But she's been struggling to...