Chapter 15: Peeler-Potato Syndrome

38.7K 258 16
                                    

"Eh kasi naman e! Kaduda duda naman kasi yang pinapagawa mo sakin! Kahit kelan ka talaga!" sagot ko naman sakanya pero sobrang big deal parin sakanya ang hindi ko ginawang pagpikit kanina. Akala naman kasi niya agaw buhay niya ang pagpikit ko e no?

Tumayo naman ako sa kinauupuan ko sa damuhan para magpaalam na sakanya. Papatayin ko na kasi siya e. Papatayin sa tuwa sakanya! Pero syempre kilala niyo naman ako e. Joke lang yun! Papatayin na ako ng oras ngayon dahil ang dami ko pang kakaining bigas!

Ang dami ko pang gagawin.

"Where are you going? I thought we're having fun here?" pagkasabi naman niya nang tumayo ako. Pero teka? Are we having some fun here? I guess. Siguro dahil nasa unite stage narin kami. At binigyan naman niya ko ng kalayaang makalaya sa mga pagpapaikot niya sakin. "I-i have to go okay? Look at the time? It's almost midnight" pagrarason ko naman sakanya pero nakita ko naman siya na parang natataranta sa pagpapaalam ko sakanya.

"Midnight? Oc'mon. It's only dimming at the sky. Don't be such in a hurry okay? I'm gonna protect you from danger" nakita ko naman sakanya ang pagaalala. At paingles ingles nalang tong lalakeng to ah? With a caring and thoughtful accent pa!

"Pano ka naman makakasiguro na ligtas ako sa kapahamakan, kung alam kong duwag ka. Atsaka ikaw kaya yung danger sa buhay ko" pangaasar ko naman sakanya pero nakita ko naman na napangiti naman siya agad. Nako mukhang may napapasaya na ko ngayon ah?

"Huh! Ako danger? Hmp.. We'll see that" kinindatan naman niya ko at bigla niya kong inakbayan. P-pero bakit bigla agad siyang dumadamoves sakin? Tatanggalin ko na ba to? Baka mamaya kasi asarin nanaman ako na kundi patatas, nagpapakipot nanaman ako sakanya.

"Himala, hindi ka ata pumiglas sa pagkakaakbay ko sayo ah?" gustong gusto ko man tanggalin ang pagkakaakbay niya sakin pero hindi ko magawa. Dahil alam kong aasarin nanaman ako nito. Napakagat nalang ako sa labi ko at pinalobo ang aking bibig. Nakita naman niyang hindi nalang ako sumagot sakanya kaya bigla naman niya kong tinitigan sa mukha ko. This is so awkward!

"Wooooooo! Ikaw ba talaga yan Skype? Or should i say, Ms Romantic Potato?" at this time, hindi parin ako sumagot sakanya kundi napayuko nalang ako at patuloy na kinakagat ang labi ko. "Hahahahaha! You are tense aren't you?" napatango nalang ako sakanya. Bakit ba lutang ako sakanya ngayon? Hindi ko siya masigawan or reklamaduhan. I guess this is the time that i changed my sight to his image. Hindi na siya yung annoying Peeler Jerk na umaaligid sakin, kundi siya na yung Peeler na nagaalala sakin.

"Just wait for me here okay? I'm just gonna buy something to eat okay?" bigla naman niya kong pinaupo ulit sa lilim ng puno. Pero wait, iiwanan niya ko dito ng ganito kadilim? The sunset had been already set to a dim sky.

Bago pa man siya makalayo palayo sakin ay hinabol ko na siya. Nilalamig na din ako e. At natatakot ako. Baka mamaya may mangyare nga saking hindi ko inaasahan. Kahit na sabihin kong duwag tong si Phyllis, atleast lalake parin siya. Pero bakit ba panatag na ang loob ko sakanya?

"I can't stay without you" biglang paghawak ko naman sa siko niya habang napatingin naman siya sakin. "Wooooooh! Alam ko namang bigla mo kong namiss e? Tingnan mo o? Nafafall kana sakin" bumalik nanaman ang pagkaPeeler jerk niya! Hindi na pala talaga siya magbabago! Wooooo!

That Elementary Jerk! (Jerk Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon