Chapter 35: Opposite Repelling

23.4K 108 3
                                    

"CG, hintay mo 'ko!" ang bilis naman kasi niya maglakad. Para siyang galit na ewan. Pinapasunod niya lang ako. Wala siyang binabanggit na kung anu man, basta pinasunod niya lang ako sakanya. At parang balak pa ata naming pumasok sa isang madilim na lugar. Dito naba siya babawi sakin? As in ibubugaw naba niya ako dito?

SInubukan ko namang layuan siya pero hinigitan na agad niya 'ko sa braso ko bago pa man ako makawala. "C-CG! Anung gagawin mo sakin! Bakit ang dilim sa lugar na yan?" sobrang kabado kong tanong sakanya. At ito na ata yung koneksyon dun sa panty na natanggap ko na kay CG daw? PSH! "CG please? Bitawan mo 'ko! Hindi tayo maguusap jan. May kababalaghan diyan e. Pinagtitripan mo ba 'ko?" hindi naman siya nagsalita kundi todo hila talaga siya sakin. Hala si ate, masyadong mapilit! Nakadrugs ata tong si CG, at parang kinakausap pa nga ata niya yung sarili niya.

Hindi pwedeng masira yung plano ko

Mas kinilabutan naman ako sa narinig ko mula sakanya. As in ibang iba na yung aura niya. Para na niya akong ipapalapa sa demonyo sa loob. Nakakatakot talaga. Tapos parang may nagsindi pa ng kandilang lumulutang sa loob. Sa  sobrang dilim ay wala ka ng makikita pa.

"CG naman e! Ano bang gagawin mo sakin? Baka naman kasi susunugin mo 'ko---- niyo sa loob! May lumulutang na kandila o?" patuloy parin na hindi ako makawala. Hanggang sa nagalit na 'ko sobra at dun na niya ako kinibuan. Naglakad ako palayo sakanya nang pagkatalikod ko, natrap na ata ako. May dalawang lalakeng sumalubong sakin. Yung kaibigan pa ni Phyllis PSH!

"Mga plastic kayo!" sigaw ko naman sakanila na parang sobrang tapang ko tingnan. Pero sa katunayan, mamamatay na 'ko sa takot. "CG! How dare you betrayed me!"

"I have no choice!" as in chill na chill lang siya. Gusto ko siyang sabunutan! Para naman makalbo at maisip niya na ang buhok ang nagpapasama sakanya. Nabrained wash na nila si CG. Patuloy naman na itinutulak nila ako sa isang madilim na lugar na may lumulutang na kandilang nakasindi. Sobrang dilim kasi e. Tanging ilaw lamang ng kandila ang matatanaw mo.

"At kayong dalawa kayong lalake kayo! Bibisi't bisita pa kayo sakin sa ospital, mga baludbura din pala kayo!" As in ayoko na! Nanggigigil na ko sakanila. Bigla ko namang kinagat ang kamay ng isang lalakeng humawak sakin. Kaibigan pa naman ni Phyllis 'to. Pare-parehas lang pala sila. Bago pa man ako makawala sa kadilimang ito, naging huli na ang lahat. Naisarado na nila ang pintuan at narinig kong nilock pa nila ito. It is too late! Ang daming tirador sa mundo! Este traydor!

Napaupo nalang ako sa pintuan at sumandal habang umuungol sa pagkakaiyak. Ayoko na.

May naramdaman naman akong may pumapalapit sakin. Kakainin na ako ng monsters! Wala akong magawa kundi magpaniwala nalang sa mga kasinungalingan nila, na nilinlang lang talaga nila ako sa bandang huli. Ano bang gagawin nila sakin?

"Wag niyo kong lalapitan! Wag niyo kong hahawakan!" nakaramdam na kasi ako ng pagdampi sa balat ko. Sobra na akong kinikilabutan! Talagang gagalawin na nila ako. That CG! Nakakainis! Masyado nga akong naCG ngayon! Tinatawanan ko lang ang mga kalokohan ni CG pero napakacareless ko, na ngayon ay gagawin na nila ang pinakaayaw kong bagay sa mundo.

Sinipa ko naman ang kamay na naramdaman kong humawak sa kamay ko, paakyat sa braso ko. At bigla naman akong nakarinig ng mga reklamong akala mo ay nadominoes sila.

That Elementary Jerk! (Jerk Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon