Chapter 27: Hopeless

26.4K 134 9
                                    

"So do you have any plans to do Mr Peeler Jerk?" tanung ko naman sakanya ng masayang masaya. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Lalo na't nasa harapan ko na siya ngayon. He made my day! Nagrecharge na muli ako sa negative to positive.

"Yes! Marami akong gagawin e. See you soon" himala yun ah? Parang dati lang hindi uso sakanya ang word na 'busy' e. Tapos ngayon, may gagawin daw. Nagiging productive na nga itong si Mr Peeler. "Kailangan mo ba ng kasama? Samahan kita" nakita ko naman na nagisip muna siya bago niya ko sagutin.

"Hmmmm sounds good" nginitian naman niya ko. Nagbago na nga talaga siya. Yung mga ngiti niya, ibang iba na. Hindi na yung mapangasar na ngiti, kundi yung fresh smile!

Pumunta naman kami sa isang lugar kung saan may mga manequin na nakasuot ng suit and tie. Sosyalin talaga pag mayaman. May actual na sukatan pa sila ng mga suit nila. Eh naalala ko nga si tatay, nakikiheram lang. Minsan nga binibili lang sa ukay ukay.

"For Phyllis Rocke please" sabi naman niya sa counter habang tumitingin naman ako ng mga barong pang americano dito. Ang gwapo siguro ng mga nagsusuot ng ganito. Yung tipong parang yung mga lalake sa koreanovela. At yung mga hollywood star. Hihi.

hinawak hawakan ko naman ang mga suit dito. Napapansin na nga ata ako ng babae e. Mukha kasi akong ignorante e. Hawak ng hawak akala mo naman bibili. Hindi ko din naman dudumihan no? Hindi naman ako ganun kahirap para hindi hawakan ang mga ito. Pero tumingin nga ko, napakamura lang naman niya. Php 10,000 ang pinakamura kong nakita dito. Napapabukas pikit ko na lamang ang mga nakikita ko. Pero alam ko naman mas mahal padin ako kesa sa barong pang americano na 'to. Maganda yata ako. Pero hindi ako magpapabenta ng katawan no!

Sa sampung libo mo? Makakabili kana nun ng panghabang buhay na pagkain mo e. Pang habang buhay! Yung habang buhay ka pa, ipapambili ko lang siya ng pagkain. Yan ang pang habang buhay!

Nagulintang naman ako sa nakita ko matapos kong hipuan ang mga lalakeng manequin dito. Ang manyak ko ba? Haha! Nakasuot siya ng puting barong pang americano. Taas taas ang buhok niya. As in literal na nakataas, at inaayos niya ang buttons sa may wrist niya! Ang cute niya! Bakit ngayon lang siya mukhang naging tao?

Mukha na talaga siyang lalake ngayon. Hindi katulad dati, lalakeng uunga unga ang itsura. "You look great!" ngiti ko namang sabi sakanya. Nakakatunaw pala siya pag nakasuot ng ganyan....

Nakakatunaw ng galit. Ang amo kasi ng mukha niya e. Yung akala mo sobrang inosente! "Sana naging manequin ka nalang. Bagay kasi sayo umistatwa jan e! Hahaha" pang aasar ko naman sakanya at kinindatan niya ko. "Hindi mo lang alam, model kaya ako dito. Ang gwapo ko lang ngayon" Ayan nanaman siya. Sa sobrang mahal ng suot niya, pati yung sumusuot ang mahal na din e. Kasi mahangin e. Full of air ang nasa loob niya.

"Osiya bayaran mo na yan" sabi ko naman sakanya nang umupo nalang ako sa waiting area. Para naman kasing babae e. Ang tagal tagal niyang magayos. Pero ngayon lang talaga siya gumwapo ng ganun. Pinuntahan ko na si Phyllis sa may counter na nagbabayad na para masamahan ko na. Para diretso na kami paalis. Mamaya iwanan pa niya ko dito dahil sa hindi niya ko makita.

"Sir kelan po ba yung kasal niyo?" nagulat naman ako sa sinabi ng babae. May kasalang magaganap? Bakit hindi niya sinasabi sakin? "Next week."

That Elementary Jerk! (Jerk Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon