"Huli ka!"
"AY TAO! Phyllis! I hate you! I hate you!" Bigla ba namang nanggugulat! Alam naman niyang magisa lang ako at ang tahimik pa naman ng paligid. Plus sobrang kabado pa ang kaluluwa ko ngayon.
Hindi naman siya sumagot at tinitigan niya lang ako. Ngumiti ba naman sakin ng nakakaloko! "Hoy! Anong nginingiti ngiti mo diyan" muli ko namang pagtataray sakanya. Ito nanaman kami. Nagsisimula nanaman ang pagtataray ko sakanya.
"Oh? Chill out! Chill chill! Lagi kang nagagalit sakin e. Hindi ba pwedeng kahit ngayon ka lang hindi magalit sakin?" Hinawakan naman niya ang baba ko sa kadahilanan naman sa pagngiti ko pagkaiwas ko ng kamay niya sa baba ko. "Wow! Napapangiti ko ang aking patatas!"
"Oo na nga! Oo na napangiti ako! At ngayon araw lang ako hindi magagalit sayo. Hindi naman ako nagagalit e. Naiinis lang ako sa------"
"Woah woah! Chill! Just chill! Inhale exhale" hindi ko na alam yung ginagawa ko. Alam kong inuuto na niya 'ko pero ako naman 'tong si gaya! "Inuuto mo nanaman ako e!" pagrereklamo ko naman sakanya at nagbigay siya sakin ng 'look' na 'weh?'
"Anong inuuto?! Hindi mo ba alam, ayan ang nagpaparefresh sa tao. Ang paghinga ng malalim"
"Nakakapagrefresh? Eh kanina ko pa 'tong ginagawa e."
"Puro problema kasi yang iniisip mo e. Pwede namang ako ang isipin mo. Magiging soft weight yang pagbuntong hininga mo" syempre ako nanaman si uto uto at ginawa ko. Yun bang sobra akong kinakabahan kanina pero nung pumikit ako at nagbuntong hininga ng malalim ay parang effective? Mukhang napapasarap na ko sa ginagawa ko ngayon.
"Now open your eyes" bigla naman siyang nagsnap sa harapan ko at bigla namang nagising ang diwa ko. Nagising ako sa katotohanan! "Ginulat mo naman ako sa ginawa mo e!" Para bang biglang tumaas yung balikat ko nung bigla kong narinig yung snap sa harapan ko.
"Edi effective! It's called meditation. Try mo din paminsan minsan. Lalo na't kapag naiisip mo 'ko at kinasusuklaman mo 'ko. Nagfofocus ka kasi sa bagay na isang paraiso at dun narerefresh ang utak mo" ngumiti naman siya at ngumiti siya. Namiss ko siya nung ganito siya. Naalala ko tuloy yung ginawa naming pagpikit pikit dun sa park dati. At that time, nagiba din yung pagtingin ko sakanya. I saw his sincerity back then.
"So yung ginawa natin dati dun sa park ay meditation din yun?" Bakit ba ang dami niyang alam sa mga ganitong bagay. Siguro nga refresh na refresh ang pagkatao niya. Yung tipong parang relaxed na relaxed kung tingnan mo siya. Ako kasi puro stress! Pero siya laging ang liwanag ng mukha niya.
"Ay ayun? Ginawa ko lang yun dahil gusto kitang utuin hahahahaha!" Napatingin naman ako ng masama sakanya at pinalo siya ng pabiro sa braso mo. "Nakakainis ka! E parang same syndrome lang naman iyon at itong meditation na 'to e. Kung anu mang tawag sa pinagawa mo sakin" nagsisimula nanaman kami. Our Syndrome is totally starting again.
"Uto uto ka kasi talaga! Hahahaha!" As usual, natalo nanaman ako sakanya. Lagi nalang niya akong inuuto. "Ewan ko sayo! Lagi ka talagang ganyan! Buti pa yung iba diyan. Hindi ako niloloko, nililinlang at inuuto" sabi ko sakanya nang bigla siyang magseryoso. Ang bilis din ng mood swing ni kuya!
BINABASA MO ANG
That Elementary Jerk! (Jerk Series #1)
MizahAng lalakeng makaasta sa kanya na ginawang Physics ang buhay niya, just like her favorite subject itself. Skype Tenefrancia's only way to stay in Sparluke International School is to teach one of the boys in their campus. But she's been struggling to...