Kabanata Vl

40 3 0
                                    

Daven's POV

Kinusot kusot ko ang mata ko. Gising na ang diwa ko pero ayaw talagang bumukas nitong mga mata ko.

"Hello?" nawindang ako nang may marinig akong boses ng lalaki. Wala namang lalaki dito sa pamamahay ko ah?

"Oo pre. I enjoyed last night." last night?!!

"Yeah. She's here with me. Anghel parin sya kahit pagdating na sa kama. Hahaha." pagdating sa kama?!! Leche!! Di na ako virgin?!! Naisuko ko na ang bataan?!! Jusko,sana sa gwapo naman!

Kinusot kusot ko ang mga mata ko at tiningnan ang damit ko. I'm wearing a white dress. Ay bongga! Favorite ko pa talaga ang pinasuot niya sakin pagkatapos naming mag rakrakan. Ay trip ko na siya. Hahaha.

Pinaikot ko ang mga mata ko sa buong kwarto at fairness! Ang ganda. Mayaman naman pala ang kumuha ng bataan ko. Nag enjoy pa ako sa kakatingin sa paligid nang makita ko ang frame na napakalaki sa ulohan ko. And shit! No! Not him!

"Gising ka na pala anghel ko." bungad niya sa may pinto na may mga ngiti sa labi. Ay mokong na toh!

"What the?! Demonyo ka talaga! Ikaw ang kumuha sa bataan kong walang hiya ka! Ikaw yung nakipagrakrakan sa akin kagabi?! Shit! Ang swerte ko!"

Nagulantang naman ang mukha niya pagkatapos kong sabihin ang mga katagang yun.

"Akala mo magagalit ako? Sus! Wala yun. Ang swerte ko. Napaka rare mo. Rawr!"

Mas lalo pa siyang nagulantang. Ano bang problema ng demonyong toh?

"What the heck are you saying lady?!!" sigaw niya na may gulat sa mukha. "I didn't even touch you tapos sasabihin mong nagrakrakan tayo kagabi?! Akala ko galit ka tapos sa huli sinabi mong ang swerte mo kasi rare ako?!! Tapos may rawr rawr ka pang nalalaman?!"

Ako naman ngayon ang nagulantang at ginapangan ng sandamakmak na kahihiyan. "Ha. Haha. You mean.. Hindi mo kinuha ang bataan ko kagabi?! Pero narinig ko yung sabi mong 'i enjoyed last night' "

"I enjoyed last night. Yung nasa bar tayo. Na enjoy ko yun. Seriously, what's with your mind. I thought you were an angel. Well, you're an angel, one horny angel."

"Eeeehh! Tapos narinig ko rin yung sabi mong 'anghel parin ako pagdating sa kama.' "

"Totoo namang anghel ka parin pagdating sa kama. Kasi ang ganda mong matulog. You are damn more seductive when you're asleep."

Waaaaaaah! Nakakahiya!!!!

"Ay? Hahahahaha. Shit!" yun lang ang nasabi ko at nagtalukbong na agad ako ng kumot at nilagay ang ulo ko sa ilalim ng unan. Nahihiya ako. Waaaah!

"Hoy! Davens?! Anong nangyari sayo?! May masakit ba?!!"

"Oo. Masakit puke kong nirakrak mo kagabi!"

"Fuck! Davens! Ang pervert mo! Ni hindi nga kita nagalaw!"

"Eeeh! Wag mo'kong guluhin! Nahihiya ako! Di ba obvious?!"

"Hahahahahahahahahaha!"

Parang biglang tumahimik ang mundo ko at ang tawa lang ni chase ang naririnig ko. It's my first time hearing his sincere laughter. Yung tipong ang saya saya nya talaga. Dahan dahan kong inalis ang ulo ko sa ilalim ng unan. At dahan dahang tumihaya para tingnan ang tumatawang mukha ni chase.

Natulala ako nang nakita ko na ang mukha niya. Ang ibang strands ng buhok niya ay nakatabon sa nga mata niyang sumingkit na sa sobrang tawa at may kakaunting luha pang namumuo sa gilid ng mga mata niya. Ang mga kamay niya naman ay sinusuntok suntok ang tiyan niyang maraming abs! Wahahaha! But seriously, this guy is the most handsome demon I've ever seen.

Dahan dahan siyang lumingon sa akin at nung nakitang nakatitig ako sa kanya ay pilit niyang pinipigilan ang tawa niya. Pinunasan niya rin ang mga luha sa gilid ng mata niya. Nakatingin nalang siya sa akin ngayon at halos lumabas na ang gilagid niya sa kakangiti. At yumuyugyog pa ang mga balikat niya dahil sa pagpipigil ng tawa. Seriously? This side of chase is very rare. Ewan ko ba kung may nakakita na ng side niyang yun. But maybe,just maybe. Gusto kong mag assume na sa akin niya unang pinakita ang side niyang yan.

"Hahaha. Haha. Pfft. Seriously davens! Ang cute mong mahiya. Ang bilis ng tibok ng puso ko oh!"

Kinuha niya ang kamay ko at nilagay sa dibdib niya. And wow! His heart's beat is definitely fast.

"You surely are one unique angel."

"And you. Mr. Chase is a very unique kind of demon." sabi ko na may ngiti sa mga labi.

Nawala ang ngiti niya sa labi at nakatingin lang sa akin. His eyes were sparkling na para bang isa akong napakahalagang bagay para sa kanya.

Maya maya ay bumalik na ang ngiti niya sa labi. "Halika na nga! Nakapagluto na ako ng breakfast sa labas. Kain na tayo at parang nababaliw kana. Naisip mo pa ngang nagrakrakan tayo kagabi e. Pfft! Hahahahaha!"

Hinampas ko naman sa braso ang mokong! Sumosobra na eh! Kanina niya pa ako pinagtatawanan. "Hoy ah! Sumusobra ka na!"

"Pfft! Haha! Sorry sorry! Hindi na talaga ako tatawa promise." sambit niya sabay gulo ng buhok ko.

"You're so beautiful in white darling."

Napahawak ako sa dibdib ko. Bigla kasing bumilis. Seriously heart?! Sa demonyo ka pa talaga nagkakaganyan?! Teka. Bakit nga ba demonyo at anghel tawagan namin? Ay bahala na!

Nang lumabas kami sa kwarto ay napagtanto kong nasa ikalawang palapag pala kami. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng bahay. Wala kang ibang makikita kundi itim at puti. This house is very manly. Manang mana sa amo.

"Oh ano na? Bababa tayo o titingnan mo nalang ang bahay ko? Hahaha aray!"

Sinapok ko ang ulo niya. "Kanina mo pa ako pinagtatawanan!"

"Haha. Okay okay. Sorry na anghel ko. Tara baba na tayo tapos kain na." sabi niya na may nakakalokong ngiti.

"Goodmorning mr. and mrs. Vega!" sigaw ni brylle na nandun na sa dining at lumalamon. Pero teka nga, bakit nandito tong bespren ko?

"Anong ginagawa mo dito baby?"

"Ay bakit?bawal? Remember! Barkada ko yang asawa mo!"

Tinakbo ko ang hagdanan. Ngunit hinawakan ako agad ni chase sa braso. Gustong gusto ko na kasi sapakin ang baby ko! Puro asawa lumalabas sa bunganga e.

"Oh dahan dahan lang darling. Pag ikaw nahulog. Sasaluhin kita."

Shit. This guy. Mababaliw na ako!

He said. He's gay.Where stories live. Discover now