Kabanata XVIII

14 1 0
                                    

"Naisipan mo atang makipagkita sa akin ngayon babe?" tanong ni Brylle habang ang mga mata'y nanatili sa kapeng inorder.

Nandito kami ngayon sa coffee shop dahil plano ko nang ipaalam sa kanya na gusto ko si Chase.

Maaga pa lamang ay nandito na ako dahil kating kati na ako magkwento.

Pero kanina pa ata wala sa mood itong kaibigan ko.

He never looked me in the eye at nagsasalita lang kapag tinatanong.

"I like Chase." panimula ko.

With eyes full of shock and fear, he looked at me.

"Chase? Yung bandmate ko?" he said and blew a sarcastic chuckle.

"Yes!..ay hindi. I don't like him. I love him!" masaya kong saad.

Ngumiti siya, halatang pilit.

"Are you hearing yourself?" tanong niya.

"Davens Padilla, my bestfriend who plays love as if it was some sort of game." he paused and drinked his coffee.

"I was your human diary for years. You never believed in love babe, hindi lang tayo nakapag-usap ng ilang buwan ganyan na yung pinagsasabi mo?" dagdag niya.

Napayuko ako.

Yes, he was my human diary. Lahat na ata ng mga pinakatinatago ko alam niya. Kulang nalang ata iditalye ko sa kaniya kung paano ako naliligo.

"Nasaksihan ko kung paano ka nagpapalit palit ng lalake na parang nagpapalit ka lang ng damit sa bawat araw simula first year." muli siyang nagsalita.

"It became a habit pero ni minsan hindi kita pinagsabihan kasi alam ko namang masaya ka sa kung anong ginagawa mo." he bitterly smiled at me.

"Masaya rin naman ako kay Chase." bulong ko. "Masayang masaya."

"I can see that. Iba na yung kinang ng mga mata mo nang ikinwento mong mahal mo siya..sa sobrang saya mo, natatakot ako." his voice full of frustration.

"Nakakatakot dahil alam kong yung taong sobrang nagpapasaya sayo ay siyang magiging dahilan ng pagbagsak ng mga luha mo.." his voice strained. "..and i don't want that to happen. Na isang araw mawawala yung mga ngiting pinakaiingatan ko.."

"..mawala yung masayahing Daven na nakilala ko."

I always believed that love will drag you down from wherever you are now. Bumalik sa alaala ko ang mga katagang inuulit-ulit kong pinapaalala sa sarili ko noon.

"Kilala ko si Chase babe, hinding hindi niya ako paiiyakin. He actually treats me like a princess." kwento ko.

Tiningnan ako ni Brylle.

Bakit may takot sa mga mata mo? Kinakabahan ako.

"Kaya ba hindi na ako yung tinatawagan mo sa tuwing may problema ka?" he asked with a weak smile. "Kaya ba hindi na ako yung tinatawagan mo upang mapagkwentuhan mo sa tuwing nag aaway kayo ni tita?"

"Kaya ba hindi ka na sumasama sa gala at hindi ka na nagpapahatid sa bahay?" halos bulong na lamang iyon ngunit damang dama ang sakit sa bawat salita. "Dahil nandiyan na si Chase? Ha babe?"

"Sa kaniya ko pa malalaman na umiyak ka dahil nasigawan ka nanaman ni tita. I searched for you the next day to hug you dahil yun naman ang ginagawa ko sa tuwing nasasaktan ka. Pero nakangiti ka na habang umaangkas sa motor ni Chase nang makita kita."

"Hindi na ikaw yung Davens na nakilala ko." he smiled.

"Oo at marami na akong nakarelasyon but i see it as a game. Kung sinong magseseryoso, talo. I always believed that love will drag you down from wherever you are now, it will become a barrier to genuine happiness. It will take things away from you, it will take you away from you."

Waves of words i've said from the past filled my mind.

It will take things away from you, it will take you away from you huh? Nasaan na ang ganitong paninindigan mo ngayon Dav?

"Love changed you babe." halos binulong nalang ni Brylle sa hangin ang sinabi niyang iyon.

"At sa dinami dami ng mamahalin, si Chase pa ang napili mo." dagdag niya.

"Ayaw mo ba sa kanya? Minsan nalang nga ako maging ganito kasaya ipagkakait mo pa sa akin?" mapait kong tanong.

"For fuck's sake Daven! He's g—" tumigil siya at nanatiling nakatuon ang mga mata sa akin. Puno ng  pinaghalong takot, galit, at lungkot. "He's also my friend." agap niya.

May kung anong itinatago si Brylle na hindi niya kayang sabihin sa akin, I'm sure of that. I can see how much control he has para lang hindi sabihin iyon.

"And i can't afford losing any of you two kapag dumating sa oras na matalo kayo sa larong pinili niyong seryosohin." he muttered.

Napayuko ako.

Have I changed that much?

Ganun ba kadelikado ang pag-ibig? Well, news flash self! Alam mo kung gaano kadelikado 'to. In the end you must be willing to sacrifice para lang makamit yung happy ending na inaasam mo.

"Hindi ako magpapakatanga babe. Minsan lang ako magmahal, let me give it a try..hmm?" tanong ko sabay tapik sa braso niya.

He looked at me and smiled.

Bigla siyang tumayo at pumunta sa akin. Walang sabi-sabing niyakap niya ako.

Naramdaman kong may pumapatak sa balikat ko. Mas humigpit pa ang yakap niya. Is he crying?

"I want you to be happy, so go and give it a try. But please observe properly Dav, please." he pleaded.

Niyakap ko siya pabalik. He has always been my cheerleader.

"I can't afford seeing you cry and breakdown because of love one day babe, parang ang sarap pumatay sa tuwing nakikita kitang umiyak.."

"...para na ring sinasaktan ang sarili kong kapatid. Be happy. That's all I ask."

"I will, thankyou babe. Thankyou." bulong ko.

Kumalas na siya sa pagkakayakap at sinapo ang mukha ko. "Ang drama naman natin!" sigaw niya sabay pisil sa pisngi ko.

"Aray!!!" sigaw ko sabay sinipa siya sa bandang tuhod.

"Tara arcade!" pag aaya niya.

Masaya naman akong tumango.

Matagal tagal na rin mula noong nakapagbonding kami nitong siraulong 'to.

"Babe time!" masayang sigaw niya habang nagmamaneho.

"Manahimik ka!" sigaw ko pabalik.

Sabay na kaming nagtawanan.

Nilingon ko siya habang siya ay seryosong nagmamaneho. He has always been the big brother who will always be willing to protect me.

Napangiti ako.

Thank you for being my star Brylle, i may not always see you but i know you're always there.

He said. He's gay.Where stories live. Discover now