Daven's POV
"Bilis na Daaaav!" sigaw ni Yana mula sa gate ng bahay namin.
Kakauwi lang namin mula sa paaralan nang maalala naming bukas na pala yung live show ng Algorithm sa Boracay.
Today is friday and their band's performance will be tomorrow night.
I just got done packing my things at nagtatakbo na palabas kung saan hinihintay na ako ng dalawa kong kaibigan. Brylle brought his car para hindi na raw kami mahirapan sa mga dala.
Didiretso muna kami sa building nila dahil may final instructions pa raw si madam Bags bago kami tutulak pa Boracay.
Nang makarating ay sinalubong naman ako ng napakaingay na bibig ni Argy, their band's drummer. "Nandito na pala ang mga prinsesaaaaaa—" pagsusumigaw niya sabay hawi kay Brylle upang siya na yung umakbay sa amin.
Sa kakapanood namin ng mga practice nila ay talagang napalapit na sila sa amin ni Yana.
Iginiya niya na kami sa kung saan sila nagpapractice.
Buong maghapon ay napuno lamang ng tawanan ang pangatlong palapag ng building nila. Kanya kanya silang kwento ng mga karanasan nila mula noong nag uumpisa pa lamang ang kanilang banda hanggang sa kung nasaan na sila ngayon.
Wala pa si Chase dahil inutusan daw ni madam na bumili ng karneng maiihaw at chichirya upang dalhin papuntang Boracay.
"Pero nakakatakot talaga yang si Vega noong unang taon pa lang naming pagsasama." usal ng katabi kong si Argy.
I am sitting in between Yana and Argy on a long sofa. Habang si madam bags naman katabi sina Brylle at Patrick ay nagsisikipan sa sofang kaharap namin.
Habang sina Gio, Ryan, at Aj naman ay nakaupo sa sahig at mariing nakikinig sa kung sino mang nagsasalita.
"Tanging si Brylle lang ang kinakausap nun." dagdag ni Argy.
"Oo nga pre.." natatawang singit ni Gio. "Dikit pa nang dikit e, kung hindi lang yun gwapo at suplado iisipin 'kong may gusto yun kay Bry." dagdag niya.
Tumango tango naman agad ang mga katabi niya at sabay na silang nagtawanan.
"Edi sana may tagapagmana na si madam." biglang usal ni patrick na siya namang binatukan ni madam Bags.
"Mga wala na talaga kayong magawa sa buhay at ginawa niyo pang bading yung pinakagwapong miyembro niyo!" sigaw ni madam Bags.
Napuno naman ng tawanan ang pag uusap na kahit kami ni Yana ay natawa na rin.
Biglang natahimik ang lahat at napalingon sa pinto nang may narinig kaming yapak ng mga paa. "Oh nandiyan na pala yung pinagtatawanan niyo e." saad ni madam Bags na siya namang dahilan ng sabay sabay na paglunok nilang lahat.
Napatingin ako kay Yana at sabay naman kaming napangiti. Sila pala mga nababakla kapag nandiyan si Chase e.
Wearing his yellow shirt with a print on the middle part partnered with his board shorts, he was carrying two small boxes. Ang gwapo naman talaga ng isang 'to.
My eyes travelled to his lips. Napalunok ako.
Yang mga labing iyan, n-nahalikan ko na.
Umangat ang gilid ng kaniyang labi at agad ko namang iniwas ang mga mata ko.
Shit, nakita niya ba yun? Kahiya!!
"You're blushing." sambit niya habang ang mga mata'y nakatuon sa akin. Agad naman akong sinilip ni Argy, napaka chismoso talaga ng isang 'to.
"Hala oo nga noh? Nilalagnat ka ba Dav?" tanong ni Argy.
"Bitawan niyo ako! Wala na bang mas tatanga pa sa isang 'to?" napalingon ako sa gawi ni Ryan na ngayon ay pinipigilan ng mga katabi sa pagsugod kay Argy. 'Di nagtagal ay nagtawanan nanaman silang lahat.
Pare-pareho palang may mga saltik 'tong grupong 'to. Ba't hindi nalang Saltik Band yung binigay na pangalan.
"Excuse pre." sambit ni Chase kay Argy. Nagtataka naman siyang nilingon nito.
"Dun oh may bakante pa." turo ni Argy sa bandang inuupuan nina Gio.
"I wanna sit beside Davens." he answered, expressionless.
"Ako rin pre gusto ko kaya nga rito ako naupo e. Kaya dun ka —" naputol na ang sagot ni Argy nang hilahin siya ni Ryan paalis sa kinauupuan niya.
"Halika ditong bobo ka at mag uusap tayo." nanggigil na saad ni Ryan. Tinawanan na lamang ng mga kasama ang dalawa.
Agad namang umupo si Chase sa tabi ko at matiim akong tinititigan na para bang ako lang ang nakikita niyang tao rito.
"Hi." bati niya.
"H-Hello..haha!" ano bang nangyayari sa akin nakakautal naman kasi ang kagwapuhan ng isang 'to.
"Sasama kayo ni Yana?"
"Hindi ba obvious?" biglang sagot ni Argy na siya namang binatukan ni Ryan.
Hindi man lang nabaling sa kanya ang atensyon ni Chase at patuloy pa rin sa pagtitig sa akin.
"Ahh oo! Inaya kasi kami ni Brylle at sumang-ayon naman mga kasama mo pati na si madam." sagot ko. "Ayaw mo ba? Ayos lang naman, uuwi nalang kami ni Yana total may gagawin pa—"
"Gusto ko. Gusto kong makasama kita. Gusto kong mapanuod mo ang banda. Gusto kita." dire-diretsong sagot ni Chase pagkatapos niyang putulin yung sasabihin ko.
Agad namang nagsigawan ang iba at sinimulan na kaming tuksuin habang si Brylle ay napaubo.
"You just announced that you like me infront of your bandmates, nababaliw ka na ba?!" pabulong kong sigaw habang pinandidilatan siya ng mata.
"I'll always be proud of telling people that fact my angel." he smirked. "Baka gusto mong ipagsigawan ko rin sa labas ng building?" ngayon ay mas lumawak na ang kaniyang ngiti na punong-puno ng pang-aasar.
"Dami mong alam! Manahimik ka nalang demonyo ka!" sinapak ko siya kahit pa nag-iinit ang pisngi ko dahil sa pinagsasabi niya.
"Oh sige na, ilagay niyo na ang mga dadalhin sa mga sasakyan niyo at tutulak na tayo pa Boracay." anunsyo ni madam at agad namang nagsitayuan ang lahat.
Nauna na kaming bumaba nina Brylle at Yana dahil handa naman na sa sasakyan niya ang mga gamit namin.
Lahat sila ay dala ang kanilang mga kotse maliban kay Chase na motor ang dinala. Ang kaniyang gamit ay pinadala niya na lamang kay madam Bags.
Boracay is just a two-hour ride away from Abingora kaya naman makakarating na kami doon bago pa magdilim.
Papasok na sana ako sa kotse ni Brylle nang biglang may humila sa kamay ko.
"Ride with me." usal ni Chase.
"Sa akin siya sasabay pre." sabat ni Brylle na kakatapos lang pagsarhan si Yana ng pintuan sa backseat na ngayo'y nakahawak na sa kabilang braso ko.
With dark eyes he shifted his gaze to Brylle. Hindi rin naman siya inurungan nito at pinantayan ang kaniyang titig.
"What game are you trying to play, huh?" pagtanong ni Brylle at mas hinigpitan ang hawak sa braso ko. Nilingon ko siya at nakitang umiigting ang panga nito habang seryosong tinitingnan si Chase.
"What do you mean?" Chase answered with his teeth clenched and later on was exchanged with a smirk.
Ano nanaman ba ang problema ng dalawang 'to?
YOU ARE READING
He said. He's gay.
Novela JuvenilDestiny plays well when it comes to the game called love. Davens Padilla, a brat but has goals in life willingly played the game, she is aware of the challenges and would never be easily tricked. What happens if destiny finally found the best oppone...