Kabanata XIX

12 1 0
                                        

Brylle's POV

"At sa dinami dami ng mamahalin, si Chase pa ang napili mo." tulala lamang ako kay Daven matapos ko itong sabihin.

Hindi ko inasahan na yung taong mapipili niyang seryosohin ay isang kaibigang kilalang kilala ko.

Ang tagal kong naghintay at naniwalang isang araw matututo ring magmahal si Dav. Na balang araw titigilan niya na ang panglalalake.

She has been so focused on making her parents proud that she turned into a girl surrounded with books and knowledge.

Ngunit nang makilala niya ako ay nabuksan ang mga mata niya na may mas sasaya pa pala kaysa sa magdamag na pagbabasa ng libro. She started to flirt and dated for fun and experience. Kapag nagsawa siya ay iiwan niya na.

And now, the sparkle in her eyes told me that she's inlove with Chase.

Chase Vega.

I've known Chase's sexuality since 3 years ago, noong unang buwan naming nagsama bilang isang banda.

I didn't mean to evesdrop but i overheard his conversation with his father.

"Please forgive me pa! Hindi ko naman ginustong maging ganito ako, it just came. I felt my heart beating fast for a man. Kahit ako natakot pero anong magagawa ko? Ganito ako. Bakla ako." Chase muttered full of frustration in his voice.

Lumuhod siya sa harap ng ama habang hinahawakang mahigpit ang braso nito.

"Please Pa." nag umpisang tumulo ang kaniyang luha habang nakayuko.

Bading siya?

Kung titingnang mabuti, hinding hindi ka mag-aakalang ganon siya. With his perfectly muscled body, his facial features, and the way his hair perfectly matched his over-all aura. Mas lalake pa siya sa akin.

"Pinanganak ka ng nanay mong lalake, kaya lalaki at tatanda kang lalake!" sigaw ng ama niya. "Alam mo ba kung gaano kalaking kasalanan 'yang ginagawa mo ace?!"

"You are nothing but a disgrace to the family, wag mo nang dagdagan ng pagiging bakla mo! Simula nang pinanganak ka nalugi ang kompanya at nahulugan ang nanay mo! Mabuti at nabiyayaan pa tayo ng isang Louissa. Don't disappoint me more with your gender son." habol ang hiningang tinapik ng kanyang ama si Chase sa balikat.

"I want a daughter-in-law. Not a demon bringing a man home." agad niyang tinalikuran si Chase.

Nagtago ako nang nalaman kong madadaanan ako ng tatay niya. Nang makalagpas ay muli kong sinilip si Chase.

"Fuck!!!" his voice echoed all over the silent and empty hallway. Sinasabunutan niya ang kaniyang sarili habang patuloy na umiiyak.

Maya't maya ay sinimulan niya nang ibangga ang kanyang ulo sa pader kaya naman dali dali ko siyang pinuntahan.

"Pre kalma." agap ko sa kaniya habang nagpupumiglas siyang bitawan ko.

"Walang maitutulong ang pag-iyak at pagsakit sa sarili kaya itigil mo na yan pre!" sigaw ko nang nagpatuloy pa rin siya sa pag-iyak.

"Let me die! Wala na rin naman akong kwenta!" sigaw niya.

"Walang kwenta e ikaw yung isa sa dahilan kung bakit ako nag audition para sa Algorithm e." saad ko na siyang ikinatigil niya at napatingin sa akin.

"What do you mean?" he asked in a monotone.

"Sa taas ng pila ng mga mag-aaudition hindi na sana ako tutuloy." panimula ko. "But then a man walked up on stage and played his guitar with his soulful voice, napamangha mo ako dun pre. Odil kita e!"

"Odil?"

"Yung slang para sa idol pre. Bobo mo naman!" bulyaw ko.

"Lodi yun pre, ikaw ata yung nabobo diyan e." sagot niya. Lodi ba yun? Basta yun.

"You don't just play, you tell a story. Sa bawat pagkuskos mo ng gitara at pag kanta mo ay ang mga salitang 'di mo masabi." dagdag ko. "You may think that you have no purpose now, pero lahat tayo meron pre."

"And yours is to inspire others through music." tinapik ko ang kaniyang balikat at ngumiti.

Sumilay ang isang ngiti sa kaniyang labi kaya naman ay iginiya ko na siya upang tumayo nang mabuti at nang maayos niya na ang sarili niya. He's a mess right now.

Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa room kung sa'n kami nagpapractice, nauna ako sa paglalakad at siya ay marahang nakasunod sa akin.

"At 'di hadlang ang pagiging bakla sa pagbibigay inspirasyon sa mga tao pre." sambit ko na siyang ikinatigil niya at unti unting nagnakaw sa kaniyang ngiti.

"Alam mo?"

"I didn't mean to listen. Dadaan lang sana ako pero narinig ko yung bangayan nyo ng papa mo." pagpapaliwanag ko.

"Hindi mo ako pinandidirian?" tanong niya.

"Ba't naman ako mandidiri pre! Andami kong ganyang kaibigan e." saad ko sabay tawa.

Bumalik rin naman ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Salamat bro." saad niya.

"Ayaw mo ba sa kanya? Minsan nalang nga ako maging ganito kasaya ipagkakait mo pa sa akin?" tanong niya. I looked through Daven's eyes and saw pain mixed with hope.

"For fuck's sake Daven! He's g—" nahinto ako sa mga katagang bibitawan ko sana. Sasabihin ko ba sa kanya?

He's gay Dav.

"He's also my friend." dugtong ko.

Ayaw kong ipagkait sayo ang kasayahang nakikita ko sa mga mata mo ngayon Dav, pero hindi ko alam kung kakayanin ko bang makita kang luhaan pagdating sa huli.

"I want to see you happy, so go and give it a try. But please observe properly Dav, please." bulong ko habang yakap siya.

Obserbahan mo nang mabuti and see for yourself kung anong klaseng lalake ang minahal mo.

Kung lalake nga ba.

Bakla si Chase pero pinili niyang paibigin si Daven. Is it because of his father's request and expectation of him o talagang lalaki na siya?

What kind of game are you playing this time Chase? 

Anong balak mo?

He said. He's gay.Where stories live. Discover now