I'm wearing my basketball jersey dahil nag aya maglaro yung demonyo. Sinabi kong hindi ako marunong, ngunit pinilit niya pa rin ako dahil nga nandyan daw yung algorithm at gusto raw akong makita.
Kanina pa ako tapos mag-ayos ngunit nakatitig pa rin ako sa regalong ibinigay ni Chase noong graduation ko. It's been a week pero sa tuwing ginagamit ko mapapatanong nalang ako kung bakit gan'to yung regalo niya. Natatawa ako na ewan.
Regaluhan ba naman ako ng lotion.
****
"Here, i hope you like it." nahihiya niyang iniabot sa akin ang bagay na nakabalot at may pink pa na ribbon. "Congratulations on your graduation my angel."
Kilig na kilig naman si Yana at halos matanggal na yung braso ni Brylle sa kakahampas niya. "Sana all talaga may jowa noh?!" pagdadabog niya at maya-maya ay nakangisi nanaman sa akin. "Buksan mo na Dav!"
Nanginging ang mga kamay na binuksan ko ang regalo. Tiningnan ko pang muli si Chase na malapad din ang ngiti.
Nang kinuha ko na ang laman ay napataas ako ng kilay at medyo napaawang ang bibig. Ang kaninang kinikilig na si Yana ay nakanganga nalang din habang nakatingin sa regalo.
Si Brylle ay nagpipigil ng tawa habang ang demonyo ay naguguluhang tumingin sa kanya.
"Lotion?" nasa kamay ko ang isang St. Ives Body Lotion Pump. Napaka unique naman ata ng jowa ko at pampraktikal agad yung niregalo.
"Para soft yung skin. Wala nang dryness at nang mabinat nang mabuti yung balat." ang kaninang nakanganga na si Yana ay may ikakanganga pa pala dahil sa sagot ni Chase.
"Hindi mo ba nagustuhan?" nahihiyang tanong niya at binalingan ng tingin si Brylle na ngayo'y natatawa pa rin.
"Syempre gusto g-galing ba naman sayo! Baka kahit ngayon mag lotion ako e, para soft yung skin!" teka, ba't parang ang awkward naman ng sagot ko.
****
"Prinsesa namiiiin!" mga isang metro pa ata ang layo ko sa court ay alam ko nang boses yun ni Argy. Napaka ingay talaga ng isang 'yan.
Nang makarating sa court ay agad niya na akong inakbayan at iginiya sa mga upuan na nasisilungan ng puno. They were all wearing their jerseys with their shorts just above their knees.
Nang napatingin ako sa dalawang naglalaro sa court ay bumaba ang tingin ko sa short na suot nila.
Brylle and Chase are wearing fitted shorts. Parang leggings lang ito at talagang pambabae kung ako ang tatanungin. Mas maikli ito kesa sa shorts na suot ng ibang myembro ng algorithm.
Despite the shorts, all of them are all hot right now. For goodness sake, para silang mayayamang badboy na mag-aabang ng away sa kanto.
Lahat sila ay may telang headband na suot sa kanilang mga noo. Yung ginagamit ng mga athlete para 'di tumulo yung pawis sa noo at mapunta sa mata.
"Osige game!" sigaw ni Ryan.
Nahati sila sa dalawang grupo at ako ay ginawang tagabantay ng pagkain. Mga hinayupak na 'to akala ko maglalaro rin ako!
Before going back to the court, Chase left me a kiss on the forehead. "Ang ganda naman ng anghel ko."
"Nambola ka pa!"
He chuckled, "laro muna ako, pero never kitang paglalaruan."
"Napaka korni!" tinawanan niya lang ako at dumiretso na sa paglalaro.
Matapos ang tatlong oras na paglalaro ay nakatambay na kaming lahat paikot sa lamesang puno ng pagkain.
"Hindi naman kasi marunong magshoot 'yang si Patrick kaya lagi tayong talo e!"
YOU ARE READING
He said. He's gay.
Teen FictionDestiny plays well when it comes to the game called love. Davens Padilla, a brat but has goals in life willingly played the game, she is aware of the challenges and would never be easily tricked. What happens if destiny finally found the best oppone...