Kabanata XXV

10 1 0
                                    

Louissa's POV

Nakita ko silang naghahabulan sa bakuran. They are so busy laughing and making themselves wet. I've never seen kuya being that happy before.

Nang mahuli siya ni kuya ay hinarap niya ito. Magkalapit sa isa't isa ay nagbulungan sila. Pagkalipas ng iilang minuto ay hinalikan siya ni kuya sa noo.

Napangiti ako. Ganyang ganyan din yung ginagawa niya kay rica dati. Yung highschool crush niya. She's pretty pero hindi kasing ganda ni ate Dav.

They were bestfriends at lagi niyang dinadala rito sa bahay para makapaglaro ng basketball o magswimming.

Sadly, nakilala ni kuya si kuya Brylle na siyang nakakasama niya. 3 years na silang magkaibigan at talaga namang napaka protective niya pagdating kay kuya. Nalamangan pa ata si papa.

Whenever girls are trying to go near or flirt with kuya agad silang tatabuyin ni kuya Brylle.

3 years ago, ate Rica went abroad with her parents to finish her studies and to manage their company. Hindi man lang sila nakapagpaalam sa isa't isa ni kuya. Masyado na rin kasi itong busy sa algorithm.

Kaya naman nang sabihin niya kay papa na bading siya ay nagulat kami. Hindi naman kasi halata at talagang hindi namin ramdam!

At kung totoo ngang bading siya edi sana wala siyang iniuwi na ate Dav ngayon!

O baka iniuwi niya lang ito para hindi na magalit si papa?

"Look at them, happily inlove and innocent" tila kinikiliting bulong ni mama. Kailan pa ba napunta 'tong dalawang 'to dito.

We are standing near the door leading to the backyard kani kanina pa pero walang ibang makita yung dalawa at patuloy lang sa habulan.

"Kanina pa nga yan naghahabulan at nagbabasaan ma" napailing-iling ako at sabay na kaming tumawa.

"Sana lang totoo.." singit ni papa na seryosong nakatingin sa kanila kuya.

"Anong ibig mong sabihin Leonard? Na baka bakla pa rin ang anak natin? It's been 3 years baka naman nagbago na yung kabig ng dibdib."

"Hanggat nandiyan sa paligid niya yung Brylle ay hindi ako mapapanatag.."

Nagkatinginan kami ni mama at sabay na umiling. Naniniwala akong hindi bading ang kuya, kung bisexual siguro, oo. Pero yung bading? Malabo.

Nang naglakad na papunta sa direksyon namin ang dalawa ay agad na nanlaki ang mga mata nang makita kami. Gulat kayo noh?

"Kanina pa kayo dyan ma?"

"Hulaan mo nak.." panay ang bungisngis ni mama na siyang ikinagusot ng mukha ng dalawa.

"Hindi namin nakita na naghahabulan kayo dala yung hose at nagpaikot ikot sa bakuran..hindi rin namin nakita na magkadikit kayo at hinalikan ka ni kuya sa noo..hindi talaga." singit ko na siyang dahilan kung bakit pulang pula na si ate Dav ngayon.

"Oh sya, maligo na muna kayo at baka lagnatin kayo kapag natuyo yung basa. Louissa nak pahiramin mo na muna si Dav ng damit mo ha?" utos ni mama.

"Walang problema yan ma, baka nga hindi ko na labhan pagkatapos masuot ni ate Dav e, hihihi!" agad naman silang nagtawanan at bumalik na sa kaniya kaniyang ginagawa.

"Salamat po ma Lina."

"Walang anuman iha. Sige dun ka na maligo sa kwarto ni Chase at si Chase naman ay dito sa baba."

"H-Ho? Pwede naman pong ako nalang yung dito sa baba. Nakakahiya naman kay Chase."

"Hiya ka dyan. What's mine is yours so go and take a bath. Kahit wag ka na magdamit pagkatapos, aakyat din naman ako."

He said. He's gay.Where stories live. Discover now