Kabanata XXII

10 2 0
                                    

"Ladies and gents of the night..give it up for Algorithm!!!" napuno ng hiyawan ang buong isla nang magsimula nang magsiakyatan ang mga miyembro ng banda.

"Ang gagwapo naman talaga nga mga junakis ko!!!" sigaw ni madam Bags.

Nandito kami sa pangatlong lamesa sa harapan. Ang lamesa namin ay puno ng mallows at may chocolate dip naman sa gitna.

Kasabay ng pagsayaw ng mga ilaw ay ang malakas na panimula ni Argy.

"Argyyyyyy!!!! Ang hot mo talagaaaa!" hiyaw ng babaeng nasa kabilang table.

"Tingnan mo si Gio sis!! Ang gwapo talagaaa!"

"Algorithm!!!!"

Baby I'm fallin'
Losing my focus
How come you're actin'
Like you haven't noticed

Nang magsimulang kumanta si Chase ay ipinikit ko ang aking mga mata. I just fell hard one more time for this demon. Ano pa ba ang wala sayo?

"Ang ganda talaga ng boses niya madam noh?" ani Yana sabay lingon kay madam Bags na ngayoy nakangisi sa akin.

"Ganda nga, pa'no ba kasi e maganda rin ang inspirasyon." itinaas baba niya ang kaniyang magkabilang kilay.

I'm going crazy
Stuck with your may be
Left me in nowhere
My beautiful nightmare

Nginitian ko na lamang siya at nilingon na sila Chase.

Yung bandang nasa harapan ng maraming tao ngayon ay ibang iba sa mga lalaking nakausap ko kanina.

They are all so serious and hot!! Aakalain mo talagang walang mga saltik. Lalo na si Argy na ngayoy nagheheadbang pa kasabay ng paghampas niya sa drums.

Kusa namang tumuon kay Chase ang aking mata na ngayo'y mataman ding nakatingin sa akin.

Oh my love
When I look into your eyes
Girl it gets me everytime
And I thought that you should know

Nang bigkasin niya yung "my love" ay sinabayan niya ito ng kindat at isang nakakalokong ngiti. Demonyo.

Agad naman akong siniko ni madam Bags at Yana. Patuloy lang sila sa pag-asar sa akin nang sabay naming marinig ang binanggit ng isang babae sa kalapit na lamesa.

"Ang gwapo talaga ng pinsan mo jon noh?"

"Totoo, hindi ko nga maintindihan kung bakit galit pa rin si tito kay Chase e. He's already succesful and famous. "

"Hanggang ngayon?! Kawawa naman. Sabihan mo nalang yung pinsan mo na willing akong maging girlfriend niya para 'di na magalit si tito."

"Baliw! Hindi nga yun interisado sa mga babae hahahaah.."

"Pansin ko nga. Bakla siguro yun ano.."

"Siguro nga." sagot ng pinsan ni Chase kaya naman ay nauwi silang dalawa sa tawanan pati na rin yung mga kasama ko rito sa lamesa ay natawa.

That I got you on my mind, on my mind, on my mind
I want you all the time, all the time, every night
Tell me you feel it too
You don't have to play it cool
'Cause I got you on my mind, on my mind, on my mind

"Bading daw e hindi nila alam nandito yung babaeng bumighani sa yelo." natatawang saad ni madam Bags.

"Baka naman para lang may maipakilala sa tatay at  hindi na magalit sa kaniya madam!"

Unti-unting nawala ang aking ngiti. Naramdaman nila na hindi ko nagustuhan yung sinabi ni Yana.

"Oy biro lang Dav! Natawa lang talaga kami sa sinabi nilang bading daw si Chase e halata namang hindi. Kita ko pa nga landian niyo kanina e yiiee."

"Ayos lang ano ka ba. Alam naman natin ang totoo e diba hahaha."

Pero paano kung ganun nga yung purpose ni Chase kaya niya ako tinanong na maging girlfriend niya? Pwede niya namang sabihin sa akin kung ganon lang yung gusto niya e.

"Once again, Algorithm everyone!" naputol ang aking malalim na pag-iisip nang maghiyawan at magpalakpakan ang mga tao pagkatapos tumugtog nila Chase.

Agad naman silang pinalibutan ng mga babae upang magpapicture at makipag usap.

Una namang nakalapit si Brylle. His hair was shining because of the glitters. He was wearing a yellow floral open shirt. His body also has some glitters sprinkled on it which made him more attractive.

Ano ba 'tong mga lalakeng 'to. Pagandahan ba ng abs ang nais?

Agad naman siyang umakbay sa akin at inagaw yung marshmallow na isusubo ko sana. "Ganda mo naman babe." sabay taas baba ng kaniyang kilay.

"Loko ka talaga, gusto mo lang din na mapuri ka e." patawa kong sagot.

"Oh bakit? Gwapo naman talaga ako ah." taas noo niyang sagot.

Sabay nalang kaming napailing nina madam Bags.

Gwapo nga ang isang 'to pero masyadong nalilipad ng kahanginan niya e. Ang sarap upakan.

Sabay naman kaming napalingon ni Brylle nang marahas na hinila ang kaniyang brasong naka akbay sa akin.

Nagtitigan si Chase at Brylle na para bang ang laki ng kasalanan nila sa isa't isa. Pagkatapos bawiin ni Chase ang kaniyang titig ay agad niya akong hinawakan sa bewang at agad na ngumiti.

"Tinalo yung chocolate dip sa tamis!" sigaw ni madam Bags sabay lamon sa tatlong marshmallow.

Agad namang sumagot ng "sana all!" yung dalawa kaya naman ay nagtawanan kami.

Itong si Brylle at Chase hindi ko rin maintindihan paminsan e. Una ay noong nag away sila kung kanino ako sasabay papunta dito. Nag englishan pa tapos sa huli ay magtatawanan.

Tapos kanina kung nakakamatay lang yung tingin e pareho na silang namatay. Tapos ngayon nakisali pa sa "sana all" itong si Brylle.

Hindi ko na alam kung supportado kami o pinaplastic nitong kaibigan ko e.

"Guys naghanda na kami ng bonfire dun sa tabing dagat, naka dekwat na rin kami ng iilang pagkain." dire diretsong sabi ni Argy pagkatapos niyang takbuhin papunta dito sa amin.

"Saang lupalop niyo nanaman yan binuraot ha."

"Hindi na yan importante madam. Ang mahalaga ay may makakain tayo." sagot niya habang itinataas baba yung kilay. Proud pa na buraot ang isang 'to.

Sumunod naman kami sa kaniya at kagaya ng pagkakasabi ay handa na nga ang bonfire at may mga nakalatag na ring tela upang upuan. May mga chichirya at juice na rin na nakahanda.

Si Ryan at Patrick ay nag iihaw ng isda sa di kalayuan habang ang iba naman ay nakapalibot na sa bonfire at nagkakantahan.

Inabutan na kami ng madaling araw habang nagkakantahan at busog na busog na rin dahil sa dami ng isdang naihaw nila.

Kasalukuyang nakahilig ako sa balikat ni chase at nakatingin sa buwan habang nakikinig sa kaniyang paggitara at kanilang pagkanta.

Bukas ay uuwi na kami sa Abingora at babalik na sa normal naming buhay. Wala nang mga pa ganito.

Boracay will always have a special place in my heart. Dito lang naman ako naging jowa ng isang Chase Vega.

The only thing that will change when we go home is that I'm officially his girlfriend.

Napangiti ako.

"Going out tonight changes into something red.." Panimula ni chase sa pagkanta.

"Her mother doesn't like that kind of dress.." dugtong ni Argy.

Sunod sunod na sa pagdugtong ang lahat hanggang sa sabay sabay na kaming kumanta.

We were waving our hands on the air and enjoyed listening to the beautiful melody that our voices made.

"It will never change me and you.." sabay sabay naming pagtatapos sa kanta habang ang mga mata koy nakatuon sa nag iisang lalakeng tinibukan ng puso ko.

Nothing will ever change this bond with the best people.

And nothing will ever change my love for this man.

Nothing.

He said. He's gay.Where stories live. Discover now