Kabanata XV

16 1 0
                                        

He was standing there oozing with manliness, resting his back on a black mustang.

He's wearing his sunglasses na bumagay sa suot niyang black plain polo at black tattered pants. Ang isang kamay ay nasa bulsa ng pantalon at ang isa naman ay busy kakascroll sa cellphone.

Men in black ata ang theme ng isang 'to ngayon ah.

"Hey there demon. Sa'n naman punta natin ngayon at naisipan mo atang magkotse?" i greeted him.

His head shifted to my direction and a smile instantly flashed on his lips.

Hala mama, ang gwapong nilalang naman talaga nito. Nawa'y ilayo niyo po ako sa tukso.

"You'll see. Now would you mind if you would ride on me, i mean my car now baby?" he muttered and immediately opened the passenger's seat.

"Kahit kelan napakamanyak niyang bibig mo Vega." usal ko sabay hampas sa kaniyang dibdib.

He chuckled.

"Says the girl who's very blunt with her words." he said as a matter of fact.

"Whatever." pagkatapos 'kong magsabi nun ay nagtawanan na kami at agad na akong pumasok sa front seat.

Magdadalawang linggo na akong sinusundo ni Chase dito sa paaralan. Hindi ata nauubusan ng pupuntahan.

Sa loob ng mga araw na iyon ay puro kain, laro sa arcade, at roadtrip ang ginawa namin.

Kaya naman ngayon ay naeexcite ako dahil kotse ang dala nito at hindi yung motor niya.

"Vegaaaaa...kaibigan kong kahit kelan ay hindi nagkajowaaaaaa."

Nang isasara na ni Chase ang pinto ay umalingawngaw ang boses ng wala sa timing kong bestfriend.

Kahit kelan Brylle.

Napaikot na lamang ang aking mga mata at sabay na kaming napalingon ni Chase sa gawi niya. Pero 'di pa ako nakikita ng mokong dahil nga nasa loob ako ng sasakyan.

"Gwapo sana pero baklaa..la..lala.." he was saying it out loud at kinakanta kanta pa

"Shut the nonsense Bry." suway ni Chase sa kanya at binaling ang tingin sa akin na para bang may nalaman akong tinatago niya.

Tumawa naman si Brylle at agad na inakbayan si Chase.

Behind him was Skylee, sabi ko na ba't laging magkasama ang dalawang 'to.

"HAHAHA oh bakit takot ka bang malama—" bakas ang gulat kay Brylle nang makita niya ako sa front seat while Chase is bored looking at his reaction while resting his right arm on the car's door.

Gulat na gulat ka ghOrl?!

"Babe!!!" sigaw niya sabay hila sa braso ko dahilan kaya napalabas ako sa kotse.

"Kikidnapin mo ba 'to?!" sigaw niya kay Chase.

"Wag kang mag alala ligtas ka na." baling niya sa akin.

Napasapo nalang ako sa aking noo at si Chase naman ay halos bumuga na ng apoy sa kakapigil na masuntok 'tong kaibigan niya.

"Do I look like I'm fucking kidnapped babe?" i stated with bored eyes.

"E bakit kasama mo 'tong pare ko?" tanong niya.

"May pupuntahan kami." sagot ko.

Sinuri niya naman akong mabuti at tinitigan ng matagal para makumpirmang nagsasabi ako ng totoo.

Tiningnan niya rin si Chase na binigyan lang siya ng may-tanong-ka-pa-ba look.

"Kaya pala hindi ka na sumasabay sa amin ni Yana kapag umuuwi ha. Tatampo na ako babe." saad niya na parang batang inagawan ng kendi.

"Stupid." bulong ni Chase.

"Sira. E kayo nga rin nitong si Sky laging magkasama e." sumbat ko.

"Hi sky!" pag-iiba ko sa usapan.

"Hey! Long time no see ate Dav." masigla niyang tugon.

She was wearing their uniform looking like she's already a professional stewardess.

"San punta niyo nitong kaibigan ko?" tanong ko.

"Ahh hehe..ililibre niya raw ako sa Yakimix ngayon ate." she said shyly.

Binalingan ko naman si Brylle at namumula na ang pisngi nito tila nahihiya. Bakla amp, HAHAHAHA.

"So, aalis pa ba tayo o magchichikahan nalang kayo?" tanong ng demonyo sa likod ko.

Nang nilingon ko siya ay seryoso siyang nakatingin kay Brylle at agad na nilipat ang titig sa'kin.

"Hahahaha..sige pre maaari na kayong umalis. Aalis na rin naman kami ni Sky e." tugon ng kaibigan ko sabay akbay kay Sky.

"Get your hands off me Bry." mahinang sumbat ni Sky tama lamang ang lakas upang marinig namin.

"Hmp harsh, okay." saad ni Brylle at inalis na ang pagkakaakbay pero agad namang lumihis ang kamay nito patungo sa kamay ni Sky.

Napailing nalang si Sky sa katarantaduhan ng bestfriend ko. Napangiti nalang din ako sa kanilang dalawa.

Aso't pusa talaga sila simula nang magkakilala.

"Sige una na kami ha, bye!" pamamaalam ni Brylle at hinila na si Sky patungo sa kung saan niya pinarada ang kotse niya.

Kumaway naman ako sa kanila sabay ngiti.

Nang nilingon ko si Chase ay nakakuyom na ang kamao nito, anger evident on his eyes.

He was staring straight into Brylle and Sky's hands intertwined.

Shit.

Gusto niya ba si Sky?!

Parang may kung anong humampas sa puso ko.

Gusto niya si Sky pero hindi niya maamin dahil kaibigan niya rin si Brylle?

Kung ganun, edi ano ako? Am i the only one constantly falling for him everytime we're together?

Mapait akong ngumiti sa naisip kong iyon.

"Let's go." usal niya at dumiretso na sa driver's seat.

Agad na rin naman akong pumasok at sinuot na ang seatbelt.

Tahimik lang kami buong biyahe. Nagseselos pa rin siguro siya sa nakita niya kanina.

"You like baking, right?" tanong niya sa gitna ng katahimikan.

Lumaki naman ang aking mga mata, "P-Paano mo nalaman?"

"I've been stalking your fb account and saw that you love uploading videos of you baking something."

"Ahh..haha..yun ba? Oo eh natutuwa talaga ako sa tuwing nakakabake ako ng hindi ko pa nasusubukan noon."  saad ko.

"Then we'll go baking."

"Talaga?!" napasigaw kong tanong, naeexcite na ako e.

"Yup. I love seeing my woman happy." usal niya.

Napatitig ako sa kanya sa sinabi niyang iyon, his eyes still fixed on the road with a little smile on his lips.

Napangiti nalang rin ako.

You treat me like a princess, pero ba't parang si Sky naman yung totoong gusto mo?

I shook my head, happy thoughts lang tayo Dav.

Let's enjoy every moment.

Once in a while right in the middle of an ordinary life. Love gives us a fairytale and leaves us a heartbreak everytime it reminds us that happily ever afters don't exist...

in this stupid game that destiny plays called love.

He said. He's gay.Where stories live. Discover now