Kabanata XXVI

9 1 0
                                        

"Congrats anak. Tell me what you want later, i'll buy it for you. Pasensya na at hindi kami makapunta ng mama mo, busy kasi masyado sa trabaho e."

Kayo ni mama pa. Atensiyon at ngiti niyo ang tanging gusto ko sa araw na 'to.

"Ayos lang po." matipid akong ngumiti. Tinapik ako ni papa sa balikat at umalis na.

"Davens nandito na si Yana at Brylle! Bilisan mo naman!" sigaw ni mama mula sa baba.

Nagmamadali akong lumabas at napatigil sa pagtakbo nang marinig ko ang sinabi ni mama sa mga kaibigan ko.

"Kayganda naman talaga nitong si Yana at kegwapo nitong si Brylle. Congrats sa inyo mga langga!"

I blurted out a sarcastic laugh, tamang tama na ako lang nakakarinig. Kung pwede lang talaga ibalik ang oras ay pipiliin kong wag na maging honor student mula sa umpisa.

Yung tipong naka recite o nakagraduate ka lang masaya na yung lahat para sayo.

I'm so sick of this academic pressure! Yung hindi pa sapat para sa lahat na nakapasok ka sa dean's list. Kailangan talaga ikaw yung nasa taas. Dahil habang may nakakaangat sa'yo hindi sila makukuntento sa nakakamit mo.

Tears started to build up in my eyes and blurred my vision. Dali dali akong tumingala para pigilan itong pumatak at baka masira pa yung make up ko.

"Ganda mo naman dav!" sigaw ni Yana nang makita ako habang sumipol naman si Brylle. Natawa nalang ako at pinuri rin sila pabalik.

I am wearing a black above the knee dress inside my toga. I defined the curls at the end of my hair at light make up lang na babagay sa suot ko.

Pareho kaming sa backseat ng kotse ni Brylle sumakay ni Yana dahil makikichika daw siya.

"San na mga magulang nyo?" panimulang tanong ko dahil masyadong tahimik ang biyahe.

"Nauna na sila sa school, mas excited pa ata sa akin e." sagot ni Brylle.

"Ako rin.." singit ni Yana at humalakhak. "Kanina nga hindi nila ako ginising kung hindi pa sila nakapagbihis lahat!"

Nagtawanan naman sila ni Brylle at napailing-iling.

"Sayo Dav? Hindi pa rin ba talaga aattend?"

"Ano ba naman yan! Ikaw yung may honor e, magna cum laude pa! Tapos ikaw pa yung walang magulang na dadalo. E kami nga kahit sa dean's list hindi nakasali pero halos dinala na buong angkan!" inis na sambit ni Yana na ngayo'y nakabusangot na.

"Ako nalang aakyat sayo Dav." tinitigan ko si Brylle sa rear view mirror, he was smiling at me assuring me that everything will turn out fine.

"Ayos lang naman babe hindi naman na bago sa'kin 'to. Ilang taon na rin bang ako lang yung umaakyat sa stage." i smiled back at him.

"Pero iba 'to Dav. Graduation natin 'to. Pagkatapos ng ilang taong hirap nandito na tayo sa dulo. Kaya sige na hayaan mo nang si Brylle yung umakyat hmm?"

Napangiti ako. I really have the best people.

Nang makababa sa sasakyan ni Brylle ay agad na kaming tumungo sa mismong venue.

The hall is filled with elegant lights, a mixture of blue and violet filled the dark room.

Sinalubong na agad ng kani-kanilang pamilya yung dalawa habang ako'y tumungo nalang sa aking upuan na nasa pinaka unahan. Pagkarating ay agad akong nginitian ni Julia, plastic.

Tiningnan ko lamang sya at agad na naupo.

The ceremony went on like a normal graduation hanggang sa oras na para tawagin ang honors.

He said. He's gay.Where stories live. Discover now