"Ako na po ma Lina."
"Nakakahiya naman kung bisita pa paghuhugasin namin iha."
Naputol ang kaninang tensyon sa sala nang tumunog ang tiyan ni Louissa kaya ay napagdesisyunan naming mananghalian. Mahigit isang oras din kaming nagtatawanan sa hapag kaya ngayon ay nagsasagutan na kami ni ma Lina kung sino ba talaga maghuhugas.
"Ayos lang ho wala naman kasi talaga akong gagawin e—"
"Nako kung gusto mo talaga ng may gawain edi magdilig nalang kayo ni Chase dun sa labas."
Masigla naman akong tumango at nakangising binalingan si Chase. "Tara dilig tayo dem— Chase!"
Hindi ko natuloy ang pagtawag kay chase ng demonyo dahil mataman kaming pinapakinggan ng nanay niya.
"Whatever you want.." sagot ng demonyo at agad akong inakbayan "let's go."
Nagsimula na kaming tumungo sa likod ng bahay nila.
Bumungad sa amin ang isang napakalapad na bakuran. May basketball court sa bandang kanan at pool naman sa kabila. Napapalibutan ito ng iba't ibang klaseng bulaklak at puno sa bandang gitna na may duyang nakasabit.
"Ang ganda!" parang bata akong tumatalon talon sa tuwa. Tinakbo ko ang duyan at agad na naupo. Napaka presko ng hangin.
Natigil ako sa pagduyan nang may marinig akong tunog ng shutter. Nang binalingan ko kung saan nanggaling yun ay nakita ko si Chase na nakaupo sa damuhan at kinukuhanan ako ng litrato. "The garden is much more prettier now that you're there."
Agad namang uminit ang pisngi ko kaya ay madali akong nag-iwas ng tingin.
"Parang ikaw na tuloy yung gusto kong diligan." Patuloy pa rin sya sa pag scroll sa kanyang cellphone nang sinabi niya iyon habang may nangungutyang ngiti sa labi.
"Kahit kaylan talaga napaka laswa ng pinagsasabi mo Vega!"
"Sayo lang malaswa baby."
"Korni!"
Tumawa naman siya ng napakalakas. Tuwang tuwa talaga yan sa tuwing naaasar ako.
Kinuha ko na agad ang hose na nakasabit sa bandang gilid ng bakuran at nagsimula nang magdilig. Habang ang demonyo naman ay nakasunod at patuloy sa pagkuha ng litrato.
"Bakit 'di mo sinabi sa'kin na malapit lang pala yung bahay ng mga magulang mo sa bahay mo?"
"Ayaw kong pinaguusapan ang tungkol sa pamilya ko kaya naisipan kong ipakilala ka sa kanila kapag girlfriend na kita." balewala niyng tugon dahil sayang saya siya sa pagpicture.
Pareho ata sila ng kapatid niyang fan ko e.
"Ang ganda ng bahay niyo ba't ka pa nagpatayo ng sarili mo?"
"Dahil malas daw ako sa pamilya." tugon niya at ibinaba na ang kaniyang cellphone. "Umalis ako para swertehin sila." he then let out a laugh, a sarcastic one.
"Sabi ni papa simula noong pinanganak ako wala nang dumating na swerte sa buhay nila." he continued. "Napaisip tuloy ako, ma gave birth to a child which is me at kung ibang tao ang tatanungin, having a baby is lucky enough for them, blessing pa nga e."
"Pero sa kaso ng pamilya ko, hindi raw. Malas daw ako. Nalugi ang kumpanya ni pa at nasundan pa ng pagkahulog ng ibubuntis ni mama. Mabuti nga daw at dumating si Louissa sa buhay nila, naka ahon kami sa hirap at sumaya na ulit sila."
"Nakakatawa lang kasi nung ako pinanganak, demonyo at malas daw tapos nung kapatid ko na ay anghel na talagang nagdala ng swerte sa buhay nila. Sinong anak ba yung hindi manliliit sa sarili diba?"
Demonyo? Kung ganon ay baka nasasaktan din siya sa tuwing sinasabihan ko siya ng ganun. Tatanga tanga ka talaga Davens!
"See? Kaya mag isip isip ka na anghel ko at baka malasin ka rin dahil pinapasok mo ako sa buhay mo."
Malapit na kaming matapos sa pagdidilig dahil pabalik na kami mula sa kinalalagyan ng hose. Naikot na pala namin ang bakuran nila. Ang bilis.
"Chase, simula nang pinapasok kita walang araw na hindi ako masaya." i held his cheek with my free hand and felt his soft skin against my palm. Napapikit naman siya at agad na nangiti.
"You made me a better version of me. Ikaw yung nagpataas ng tiwala ko sa sarili, ikaw yung laging nandiyan sa tuwing kaylangan ko ng kausap. You never failed to appreciate me and show me that you are proud of me. You made me feel loved."
Dumilat naman siya at seryosong nakatingin sa akin. Hinawakan niya ang palad kong nasa kaniyang pisngi. "Kung sa tingin mo wala kang magandang nagawa, just look at me. Demonyo ka man sa kanila, anghel naman kita. Thankyou for entering my life Chase."
"Nabaliktad ata? Ba't naman naging anghel ako bigla. Ikaw yun e." natatawa na siya ngayon. May saltik talaga 'to e.
"I call you a demon because you make me wanna sin and everytime you knock i know that i'll let you in. Yun yon hindi yung dahil malas ka at demonyo talaga." temptasyon ka Vega e.
Mas lumaki na ang ngisi niya ngayon. Mang-aasar nanaman ata 'to.
He stepped a foot closer dahilan ng pag atras ko. "Everytime i knock you'll let me in?"
Patuloy lang siya sa pag abante kasama ang nakakaloko niyang ngiti at patuloy naman ako sa pag atras habang mahigpit na nakahawak sa hose.
"Knock knock daw sabi ni JJ."
"Anong JJ pinagsasabi mo dyan demonyo ha. Nalipasan ka ba ng gutom kanina ha."
"Junjun." dahan dahan niyang binigkas kasunod ang napakalakas niyang tawa. Laswa talaga.
Noong umulan ng kalaswaan nagswimming ata 'to.
"Ahh.." he stopped laughing when he heard me. I smiled seductively and stepped closer. Nakita ko naman ang pagtaas-baba ng adam's apple niya. Wala pa akong ginagawa napapalunok ka na ah. "Junjun mo mukha mo!"
Itinuon ko agad ang hose sa kanyang mukha. Agad naman siyang napapikit at sinasangga ng kamay niya ang tubig.
"Davens Bridgette!" sigaw niya at agad na tinakbo ang pagitan namin. Mabilis naman akong nakalayo habang dala dala pa rin ang hose at itinutuon sa kaniya kapag nagka tiyempo.
Nagsusumigaw ako habang tumatakbo paikot sa buong bakuran. Hinihingal na ako sa pagod at sobrang tawa nang makasalubong ko si Chase na ngayo'y naagaw na ang hose.
Agad niya naman itong itinuon sa akin kaya nagsimula nanaman akong tumakbo. "It's payback time baby." narinig kong sigaw niya at nang nilingon ko ay napakalapit niya na sa akin.
Napatili ako nang mahuli niya ako sa bewang at agad na nilapit sa kaniya. Pareho kaming 'di pa tapos sa pagtawa at hinihingal pa. Hinarap ko siya at agad na ikinawit ang aking mga braso sa kaniyang leeg.
Pareho na kaming basang-basa.
"I love you." hinihingal niyang sabi.
A smile instantly flashed on my lips.
"I love you too Vega."
He held the back of my head and guided it to his lips. I closed my eyes and felt his soft lips planted on my forehead.
Napakahilig talaga nito sa forehead kisses.
Hindi ko mapigilan ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa tuwing ginagawa niya 'to.
Napaka pure at sincere lang.
Para sa akin, a forehead kiss means protection. It's respect. It's love.
"Don't ever leave my side." bulong niya.
"Never." sagot ko at mariin siyang niyakap.

YOU ARE READING
He said. He's gay.
Teen FictionDestiny plays well when it comes to the game called love. Davens Padilla, a brat but has goals in life willingly played the game, she is aware of the challenges and would never be easily tricked. What happens if destiny finally found the best oppone...