"Goodmorning ma'am!" abigail greeted.
"Goodmorning. Handa na ba ang speakers? We will be starting after 30 minutes." agad naman siyang tumango at binigyan ako ng isang napakatamis na ngiti.
Nginitian ko na siya pabalik at nagsimula nang maglakad patungo sa stage.
Nandito ako ngayon sa Boracay where i was assigned and requested to organize and manage a beach party.
They say that the biggest bands would perform here on stage tonight kaya naman ay sinigurado kong worth it ang pagpunta nila dito.
It's been 5 years since the day i lost someone who's been so important to me.
Na alam kong wala nang maibabalik sa dati pagkatapos mangyari ng lahat.
Hindi na nagpakita pang muli si Brylle magmula noong araw na nahuli namin siya. We have videos and audios as evidences at pwede namin siyang ipakulong kung gugustuhin namin pero inuna naming ipakita ito sa pamilya niya.
Inamin niya ring ginamit niya lang si Skylee noon para pagselosin si Chase dahil napag-alaman niyang may gusto ito rito.
Nagmakaawa si Brylle na wag namin siyang ipakulong, walang tigil sa pagluhod at paghingi ng tulong sa nanay niya.
He's not even sorry that he did it, he's sorry because we found out.
Kinausap kami ng nanay niya at kahit siya daw ay hindi makapaniwala sa ginawa ng anak. Pinakiusapan niya kaming wag nalang ipaabot sa pulis at sila nalang daw ang lalayo at magbabagong buhay. Tinanong naman namin si rica kung sang-ayon ba siya at tango naman ang naging sagot nito.
Nangibang bansa na sila at simula noon ay hindi na namin muling nakita si Brylle.
Sina Rica at Chase naman ay tuluyan nang pumunta sa states a month after the incident. Hindi ko na inalam ang mga bali-balita tungkol sa kanila dahil may awa rin naman ako sa puso ko. A fiancé or a friend, as long as it's rica panatag na ako.
Pansamantalang naputol ang mall shows at iba pang events ng Algorithm dahil kulang sila sa miyembro, madaming fans ang nagtanong kung bakit at kung nasaan si Brylle.
But they kept it private.
May kanya-kanya na silang youtube channels at maging doon ay sikat na sikat sila. Lalo na si Chase. He has millions of followers and he's been covering songs ever since.
Lagi ko itong pinapakinggan, paminsan nga ay nakikita ko pa si rica sa ibang videos niya, it will hurt me at first but everytime i see them smile and laugh, napapangiti nalang din ako.
I made the right decision of letting you go.
Paminsan minsan din kaming nagkikita ng algorithm kapag hindi gaanong busy sa trabaho. They are as playful as they were before pero takte, mas gumwapo silang lahat ngayon.
I even tried to move on and date some guys but after all these years, walang pumalit kay chase. Ni hindi man lang siya naurong kahit kaunti.
Taksil kasi 'tong utak ko eh. My mind replays everything that my heart wants to forget.
"Hoy Babe!" sigaw ni Yana habang mabilis na naglalakad patungo sa akin.
"What's up?"
"Yung pogi dun oh.." panimula niya sabay turo sa amerikanong naka tambay sa isang souvenir shop. Heto nanaman, kelan pa ba naging bugaw 'tong kaibigan ko. "You're pretty daw tapos can he get your number daw!"
"Pakisabing i'm not interested." agad namang nayukot ang mukha nitong kausap ko.
"Ano ba naman yan Dav! 28 ka na oh! Tatanda ka bang walang lovelife ha?!" pagdadabog niya.
YOU ARE READING
He said. He's gay.
Teen FictionDestiny plays well when it comes to the game called love. Davens Padilla, a brat but has goals in life willingly played the game, she is aware of the challenges and would never be easily tricked. What happens if destiny finally found the best oppone...