Dedicated to adrunkenpastel_o2
LUXX POV
*A man always say "TAKTE word"
___________________________________
Maaga akong gumising upang makaabot ako sa practice namin sa banda. Kailangan daw maging special ang party sa sabado dahil maraming guest ang pupunta. Welcome party night para sa lahat. Sigurado akong sulit nanaman ang mga sikmura namin para sa alak.
"Ayieee...ang gwapo talaga ni luxx!"
"Luxx I love you muah."
"Akin kana lang luxx."
Takte! Nagsimula na namang maging palengke ang school namin dahil sa ingay na nanggagaling sa mga haliparot at malalanding babae. Kahit kailan talaga wala nang babaeng matino! Kaya ayaw na ayaw ko sa mga babae, para lang silang mga laruhan na pagkatapos pagsawahan itinatapon nalang sa tabi-tabi.
"Bhabe!".
Napahinto ako ng biglang may yumakap saken,sabay bulong niya sa tenga ko.Alam kong si kyline ang umakap saken dahil sa akap nitong malandi kasing landi ng ugali niya. Biglang tumaas ang mga balahibo ko ng maramdaman kong humawak ito sa parting tiyan ko, lintek na ang ayaw ko pa naman ang hinahawakan ang ultimate abs ko,kaya hindi na ako nag dalawang isip pa agad ko itong inarap sabay hawak ko sa braso niya ng mahigpit.
" Aray! bhabe ano ba?".
"Bhabe? Tsk! Mahiya ka nga sa sarili mo kyline! You're not my girlfriend ok. Kaya pwedi ba stop calling me bhabe kasi hindi kita gusto. Tandaan mo yan!".
Nakakunot kong sambit sakanya habang mabilis kong binitawan ang braso nya. Halatang nasaktan ito sa ginawa ko dahil bakas sa kanyang mukha ang pamumula, aaminin ko maganda si kyline halos lahat ng gusto nang lalaki nasa kanya na lahat subalit hindi siya ang type kong babae!.Tumingin lang ako sakanya at nagpatuloy na ako sa paglalakad. Pumunta agad ako music room, nadatnan kong kami palang ni olive ang nasa loob kaya minabuti ko munang tumambay sa labas. Ayokong kausapin si olive ,laging libro ang alam ng utak ng kumag na yun. Ewan ko nga kung bakit napasama siya sa banda namin eh lagi namang mag-isa ang kumag na yun.
Kinuha ko yung gitarang dala-dala ko kanina,Nakakaboring kasi kapag walang ginagawa kaya mas mabuting tumugtog muna ako.
Sinimulan ko nang mag patugtog ng gitara, tinutugtog ko yung laging hinihiling saken ni mommy nung bata ako. Kahit ang corny nitong kanta ngunit special ito para saken.
Siguro iniisip nyo narin kung ano ito noh? Hmm. Basta yun laging kinakanta ng mga bata. Alam nyo nayun kung ano. Cge na nga kahit nakakahiya sasabihin ko, Bahay kubo ang madalas paawitin ni mommy nung bata pa ako. Bulol kasi ako noon pagdating sa tagalog kaya pinaaral niya saken iyon. Sa korea kasi kami nanirahan ng dalawang taon kaya mas sanay ako sa korean language. Sayang nga at hindi na naabutan ni mommy ang ibang kantang tagalog na natutugtog ko ngayon dahil maaga siyang namatay,kaya ngayon kami nalang ni yaya ang nasa bahay.
~~
Tapos ko nang patugtugin yung bahay kubo kaya naisipan kong kunin yung phone ko. Lintek na! 8:30 na pero wala parin si tristan dito! Yung mga kumag palang ang nagsisidating sa music room. Asan na kaya ang taong yun? Sigurado akong nagpakalasing nanaman iyon kagabi.
Pinagmasdan ko ang bawat estudyanting nagdaraan sa campus,kitang kita ko din dito sa labas ang entrance ng school namin, Lintek na! Napapatawa nalang ako ng bahagya dahil sa mga malalanding babae at todo kapal ang make-up sa mukha. Nagpatuloy lang ako sa pagmamasid hanggang sa may isang babaeng nakaagaw ng pansin ko. Takte! Hindi ko maiwasan ang hindi mapahalakhak ng malakas dahil sa itsura ng babae, Parang manang ang kanyang kasuotan na umiforme dahil sa mahabang palda niyang suot. Nasusulyapan korin ang mga babaeng panay titig sakanya habang nagpipigil ng tawa. Parang wala namang pakialam ang babaeng iyon sa mga tumatawa dahil nagpatuloy lang ito sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
𝐀𝐗𝐈𝐒 𝐎𝐅 𝐌𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐋𝐃 (𝐀𝐎𝐌𝐖)
Teen Fiction'𝑫𝒂𝒚𝒔 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒏𝒆𝒘 𝒕𝒓𝒖𝒕𝒉' A girl with Peachiest life. She has everything: wealth, moolah and anything that the person lift up in life. But one day, one person revealed the 𝒕𝒓𝒖𝒕𝒉 that link the authenticity of two human involved. 𝑾�...