Chapter 14

126 30 7
                                    

Herlain POV

"Thank you, Bhel" and then i hung up the phone. Sakanya ko pinalakad lahat para sa pag-alis ko bukas patungong Australia, she's my friend and business partner of our company. Maraming mga tanong ang sumasagi sa aking isipan, napakalaking katanungan din ang nangyari sa IRA ng business namin na hawak ni fhitah, tinawagan ko siya with regards to this problem subalit maging siya nagulat sa biglang pagbaba at pagkawala ng napakalaking pera ng kompanya.

Kilala ko si fhitah, she is sagacious at excellent sa magpatakbo ng business, nakitaan ko ito ng kakaibang kakayahan simula nung nag-aral siya sa lugar na iyon. Sunog kilay ang pinuhunan niya para lang mapasakamay ang paghawak ng business namin sa Australia. Di tumagal at kinatiwala ni Gilbert ang pamumuno kay fhitah, hanggang sa napagpasyahan namin bumalik sa pilipinas dahil sa dalawang kadahilanan...Una ang Predicaments na kinahaharap ng ibang branch ng aming company, Pangalawa ang pagpapatuloy ng pag-aaral ni hannasil, malaking crimen ang kinasangkutan nito sa Australia and she  Blackballed in the said school. Andoon pa sana kami ngayon kung napagpatuloy ni hannah ang pag-aaral doon.

Apat na buwan ang nakalipas simula nung bumalik kami sa bansang ito. Ipinaubaya ko ang pagpapatakbo ng companiya kay Gilbert, nagtaka ito saken subalit pinasawalang bahala ko lang. May importanti akong dapat asikasuhin ang naging dahilan ko sakanya.

When time go passed, humanap si Gilbert na isang paaralan na pweding pasukan ni hannah. Hindi man niya maipakita ang pagmamahal niya sa bunsong anak namin, pero alam kong napakahalaga sakanya ni hannasil.
Limang pinagpilian namin schools hanggang sa napagpasyahan niya na sa St. Deckose Academy maaaring ipasok si hannah, isang private school sa pilipinas, advantage na rin na doon din nag-aaral si Cheska Ruvles, bestfriend ni hannahsil.

4 days left bago ang pasukan, doon palang sinabi ni gilbert kay hannah na mag-aaral na ito. Halos abot hanggang langit ang ngiti ko ng makita ko ito na masaya, kaya ganoon nalang ang pagkalungkot ko ngayon. Ayokong iwan si hannah pero mas kailangan ako ni fhitah sa Australia, We need to fixed the problem bago pa mawala ang pinaghirapan ng aking anak sa company.

Kinuha ko ang aking phone sa kama dahil sa taong tumatawag. Napangiti ako ng makita ko kung sino, madali ko itong sinagot.

"Good, we will met in the airport" agaran na binaba ko ang phone, huminga ako ng malalim at muling ibinaling ang tingin sa mga bakahing dadalhin ko bukas.

Pasado alas otso na pala ng umaga, sigurado akong nakahanda na ang lahat na pagkaing ihahain niya sa mesa. I already told to hannah na hindi muna siya papasok ngayon for important matter. Hindi ko ito sinabi sakanya kagabi, halatang pagod ito kaya minabuti kong ngayong araw ako magpapaalam sakanya.

Minuto ang nakalipas, nasa hapag kainan na kaming tatlo, walang imik na lumalabas sa bawat isa sa amin, habang si hannah gulat na gulat sa mga pagkaing inilalatag ni yaya.

"Wow naman!, ano bang meron? bakit parang may fiesta sa mesa" tumingin ako sakanya habang nakalapad ang ngisi. Kinuha ko ang kanin at nilagyan si hannah sa plato, sinabayan ko ng iba't ibang ulam. Hindi na bago ang ganitong scenario, noon pa man ginagawa ko ito sakanila ni fhitah tuwing nakakasam ko sila sa hapag kainan.

"Thank you mamoo" tugon nito.

Tumango ako at muling binaling ang tuon sa pagkain. Mga ilang minuto ang nakalipas tapos na kaming kumain. Sinenyasan ko na rin si Gilbert para sabihin kay hannah ang lahat. Tumukhim ito para agawin ang attention naming dalawa.

"We need to talk sa PV room, i'll wait you there"
nagkatinginan kaming dalawa ni hannah, tatayo na sana ito ngunit pinigilan ko siya. Katabi ko lang ito kaya hinawakan ko ang kanyang braso.

"Dito nalang tayo mag-usap" malumanay na saad ko. Umayos ito ng upo.  Sinamaan niya ako ng tingin pero hinawi ko sa ibang direksyon ang tingin at muling ibinalik ang tingin kay hannasil.
Napalunok ako ng makita kong naguguluhan na si hannah kakatingin saming dalawa.

𝐀𝐗𝐈𝐒 𝐎𝐅 𝐌𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐋𝐃 (𝐀𝐎𝐌𝐖)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon