Chapter 9

146 38 13
                                    

Dedicated to  nece_ygm

__________________

"Girlfriend mo ba yun? Luxx?"

"Ganun na ba ang type mo hah?"

Kanina pa kinukulit ako ng kumag natoh tungkol kanina.

Pagkadating na pagkadating ko sa loob ng music room, yun agad ang bumungad saken. Lahat tanong ni tristan  na walang kabuluhan.

Inaarap  ko lang ito sabay tingin ko ng masama. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang tama saken ng babaeng iyon. Kaya hindi ko maiwasan  batukan ang ulo ko.

Nakangiting nakatitig parin saken si tristan , Mukang nasa good mood ata ang kumag na ito dahil panay ang asar sa akin. Bihira lang mapangiti  ang kumag na ito kaya nagtataka ako kung bakit panay  ang ngisi niya sa akin.

Ang ingay narin dito sa loob, halos kumpleto na kasi kaming banda kaya samu't saring  musiko ang aming tinutugtug, wala pa naman si teacher black kaya minabuti ko munang lumabas.

"Hoy! Luxx saan ka pupunta? Sa girlfriend mo ba?"

Takte! Palabas na ako ng magsalita na naman si tristan kaya napalingon ako dito.

"Can you shut- up your fucking mouth tristan! "
pasigaw kong bulalas sakanya. Napakunot  naman ito sabay ngisi ulit saken. Dahilan para maaasar ako bigla sakanya.

"Lintek na!"

Napamura nalang ako sa aking isipan
dahil sa inaasal ni tristan. Ikinuyom ko nalang ang aking kamay,baka hindi  ko mapigilan ang sarili ko at masuntok ko bigla ang kumag na ito.

"Damn! You luxx, asan na ba si luxx na panay  ang jowks at tawa kapag kaharap ko. Hwag mong sabihing ginayuma ka ng babaeng iyon!".
asar parin niyang tugon saken.

Hindi korin maintindihan ang sarili ko kung bakit umaasta ako ng ganito. Basta ang alam ko ginugulo ng babaeng iyon ang isipan ko.
Takte! Nalintikan na!.

_______________________________________


Tristan POV

BAKAS sa mukha ni luxx,ang pagkabigla,nahalata ko 'yon nung dumating siya dito sa music room. Bihira ko lang makita siyang nag-iisip ng malalim bukod sa pangyayaring labis niyang ikinagalit.

Inaasar ko lang ito para maibsan ang pag-iisip niya subalit parang balewala sakanya ang ginagawa ko.

Alam kong may malaking kinalaman yung babaeng iyon sa inaasal ni luxx sa ngayon. Marami pa naman kaming dapat pag-usapan mamaya. Lalo't nang dumating na si Dark. Matagal kong hinintay ang pagdating niya. At sigurado akong ikakatuwa ito ng mga tropa ko.

" Good morning,andito  na ba ang lahat?"

Natauhan bigla ako dahil sa boses  ni teacher black.

Siya lang ang nag-iisang teacher na mala-microphone ang boses sa school na ito.

"Good morning teacher!"
Padiin naming tugon sakanya habang paupo kami sa iba't - ibang upuan dito sa loob ng music room.

Nakakunot ring umupo si luxx sa likuran kaya sinulyapan ko ito ng bahagya.

"Malapit na ang pagbabalik ni Ms. Antabel Reyes. Maraming pupunta na mga teachers and special guest na sikat at tinitingala dito sa industriya kaya pag-igihan ninyo ng mabuti ang pag-iinsayo, gusto ko maging memorable and unique evening ang maganap! Pwedi ba 'yon?". Sambit niya na may halong  pagkabahala.

Nagtinginan pa kami sa bawat isa.

" Yes, we will!".sabay- sabay naming tugon habang nakatitig sakanya.

𝐀𝐗𝐈𝐒 𝐎𝐅 𝐌𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐋𝐃 (𝐀𝐎𝐌𝐖)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon