Chapter 33: (𝑷𝒂𝒓𝒕𝒚 𝑷𝒐𝒐𝒍)

81 11 7
                                    

KEMP's POV

"Oh? An'yare sa'yo Tropz? Bakit ganyan ang itsura mo? Nagkita ba kayo ulit ni Luxx?" takang tanong ni Cyrus pagkapasok ko sa room. Bayad ang lahat ng room dito sa resort na  exclusive lang sa mga officers na hindi uuwi ngayong gabi. Andito pa 'to sa kwarto dahil wala pa si Maine sa labas, hindi siya ang sumundo dahil nga subrang istrikto ng daddy ng babae na 'yun, kaya tiklop agad si Cyrus boy.

At tsaka, siya lang naman ang nagpupumilit na magkasama kami sa isang kwarto, ayaw niya kasi makasama si Ivan, kaya nag-swap sila ni Aron na dapat kasama ko dito. Pakiramdam kasi nito, pinagnanasaan siya ni Ivan. Lakas ng imagination ng gago na 'to.

"Hindi. May nakasalubong lang akong nakakairita ang mukha." dahilan ko at umupo ako sa gilid ng kama habang binubuksan ang isang bote ng alak na sinulot ko kanina.

Shit!

"What the?! Sino?" gulat itong tumingin sa'kin sabay tayo at halatang naguluhan sa sinabi ko.

Nilagok ko muna ang alak bago sumagot sa kaniya.

"Wala lang," kibit balikat ko.

"Tainga! Anong wala? Kung wala ano 'yan?" tumayo ito at tinuro ang hawak kong bote habang nakataas ang kilay.

Nagkibit-balikat ulit ako at lumagok ulit.

"Ang aga pa tropz para maglasing." dagdag pa nito at pilit na inaagaw ang bote na hawak ko.

"Wala nga baki--."

"Hoy! Paalala lang. Cuervo 'yan di 'yan Gobra drink, ulol!"

Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Babae yan noh? Ano sino? Huwag mong sabihin si Hann--."

"Don't mention her name."

Napa-O ito sa sinabi ko.

"Fuck! So...siya nga?!" natatawa niyang tanong. Kumunot ang noo ko agad sa kaniya. Paano niya naipasok si Hannah sa usapan? Napahawak pa ito sa ulo at umiling-iling na parang gago lang.

Nakatitig lang siya sa'kin habang nakangiti ng nakaka-asar. Pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa. Na para bang may ginawa akong mali. Alam mo 'yun yung nakaka-asar na nakakabadtrip! Sabayan pa ng mukha nung lalaking kasama ni Hannah na ang lakas makadala ng bad-vibes sa isip ko!

Langya! Kabadtrip talaga!

Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko kung bakit ang bilis kong mainis sa mga taong nakakadikit sa babaeng 'yon?!

God, kung pag-ibig nga 'to? Tangina! Bakit ang hirap pagdating sa kaniya?

Bakit ang sensitive ko pagdating sa kaniya?

Alam mo yung pakiramdam na wala kang magawa kundi magtimpi. Alam mo yung pakiramdam na inis na inis ka na pero hindi ka makapagsalita dahil alam mong bawal. Alam mo yung pakiramdam na sana ako na lang kaysa siya.

Ang weird! Pero ano ang magagawa ko? WALA!

Lalaki rin naman ako, nagmamahal at nasasaktan. 𝑮𝒂𝒈𝒐.

Nagkagusto rin ako kay C.A at ilang ulit akong nagconfess at makailang ulit niya din akong hindi pinansin, pero okey naman ako non, nasaktan ako pero hindi katulad nito?!

Yung masasaktan ka, kahit walang kayo!

Yung may nararamdaman ka pero ang hirap magsabi?!

Ang sakit lang gago, wala kang karapatan e.

Damn! Hannasil Kaye Ruckles! Siya lang ang babaeng nagparanas sa'kin ng ganito!

Tangina!

Did I really look stupid to fall in love with that fucking girl?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

𝐀𝐗𝐈𝐒 𝐎𝐅 𝐌𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐋𝐃 (𝐀𝐎𝐌𝐖)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon