Chapter 15:

127 22 13
                                    

Dedicated to: Prescaliana

____________________________________
KEMP POV

NAPABALIKWAS ako ng tumunog ang alarm clock sa tabi ko. Lunes pala ngayon habang kinukusot kusot ko ang aking mata. Pasado alas sais palang ng umaga, pero kailangan ko ng mag-ayos at magluto ng umagahan. Mag-isa lang ako sa bahay, simula nung makapagtapos si kuya, bumalik na sina mama at kuya sa probinsya kung saan taga doon si papa.

Pinipilit nila akong sumama subalit nagpumilit akong maiwan dito sa manila, gusto ko ring ipakita na may mararating din ako sa buhay. Pinadadalhan nila ako ng perang pang gamit sa bahay, habang yung pang tuition ko, sagot ng school simula nung hirangin akong SOO leader.

Pagkababa ko sa sala, kinuha ko agad ang ilang itlog at hotdog na nakalagay sa refrigerator, prinito ko ito at agad na hinain sa mesa. Minuto ang tinagal tapos na rin akong kumain. Pagkatapos kong magligo at maglinis ng katawan, agaran na akong umalis ng bahay, maaga ako ngayon dahil dadaan ako sa bahay nina tita lhayka. May ibibigay ito saken personally. Pinaharurot ko ang aking motor ng mabilis, hindi pa naman ganoon karami ang sasakyan sa kalye kaya napaandar ko ng mabilis ang motor.

Ilang sandali lang nakarating na ako sa tapat ng bahay nina tita lhayka. Pinindot ko ang doorbell, maya-maya lang biglang bumukas ang gate.

"Good morning po hijo" bati ng isang katulong, tumango lang ako at naglakad papasok sa loob ng bahay.

"Hi tita" bungad ko kay tita lhayka na naka-upo sa sala habang nanunuod ng t.v, pumunta ako sakanya sabay halik sakanyang pisngi.

"Ang aga mo naman ata, hijo" aniya

"Lunes kasi ngayon tita, maraming gagawin sa school"

"Ah, wait me here, may kukunin lang ako sa quarto"

"cge po tita"

Tumayo na ito, at tinungo ang direksyon ng kanyang kwarto. Habang naghihintay ako kay tita bigla namang tumunog ang aking phone kaya kinuha ko ito sa bulsa. Nakita kong nag text si Luxx, nagpa-alala lang ito tungkol sa practice namin mamaya. Malapit na pala ang event namin para kay Ma'am Antabel, sisiguraduhin kong magiging masaya ito at unforgetable para sa mga Deckosian students.

"Oh, couz? what are you doing here? "
napailing ako sa bandang kaliwa kung saan naroon si Lhiro. Nakasuot pa itong pantulog habang papalapit sa kinaruruunan ko.

"May ibibigay daw si tita" ngiti kong tugon.

" Ah, Kumain kana? tamang-tama saluhan mo na kami ni mommy sa breakfast" sambit niya sabay upo.

"Hwag na couz, nagmamadali rin kasi ako, alam mo naman, kapag officer sa school" pagtanggi ko.

"You know couz, manang-mana ka talaga sa kapatid mo, ganyan na ganyan ang reason niya nung nag-aaral pa kami, sayang nga lang maaga siya nagka-as----"

"hijo, ito na"

Biglang napahinto si Lhiro ng sumingit si tita lhayka sa amin. May hawak itong maliit na envelop, inabot niya ito saken kaya napatayo ako para abutin.

"Thank's tita, tsanga pala, ano po ba ito?" tanong ko.

Ngumisi naman ito at umupo katabi ni Lhiro, napa-upo rin ako para hintayin ang tugon ni tita.

"Oo nga mommy, ano ba yan na binigay mo kay couz? hwag mo sabihing larawan ng isang babaeng, ipapa date mo sakanya" singit ni Lhiro.

Tiningnan siya ni tita Lhayka na nakakunot ang noo kaya napatawa kaming dalawa ni Lhiro. May mga pagkakataong na kinikwento saken ni Lhiro ang mga ginagawa ni tita sakanya para lang magkaroon siyang girlfriend. Kadalasan nilalagay ni tita ang mga larawan ng babae sa isang envelop para pagpilian niya na ma i date. Natatawa ako kapag pinapatulan ni Lhiro ang kabaliwan ni tita, wala naman siyang magawa kung di sundin minsan ang gusto ni tita, pero hanggang ngayon olats parin ang lovelife niya, dahil siguro sa babaeng nabanggit niya nung nakaraan at yung nakwento ni kuya saken noon, dati silang tropa ni kuya at magkaklase.

𝐀𝐗𝐈𝐒 𝐎𝐅 𝐌𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐋𝐃 (𝐀𝐎𝐌𝐖)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon