Chapter 25

39 3 0
                                    

Dedicated to : Akhira_Mariel

____________________________________
HANNAHSIL'S POV

"He's not my boyfriend!" I raised my eyebrow to Chamber when we back in table. Nakangisi ito ng nakaka-baliw na parang hindi kumbinsido sa sinabi ko.

Hinatak ko siya kaagad dahil baka ano pa ang eksenang gawin niya sa harap ni Epal, nagpupumiglas pa ang gaga pero nahatak ko rin kinalaunan, lasing na siya kaya hindi na mahirap hatakin.

Iniwan namin si Epal na inis sa pinagsasabi sa kanya ni Chamber. Langya! Pinagpipilitan ng babaeng ito na boylet ko si Epal! Never in my dream!

"You need to go home," I suggested to Justin. Kababalik lang niya galing kung saan. "Lasing na si Chamber, baka magwala pa yan dito."dugtong ko.

Nakipagkulitan pa sa akin ang gaga pero namalayan ko na lang na nakahilata nasa couch.

"Paano ka?" Concerned na tanong ni Justin habang inalalayan si Chamber na makatayo.

Nahagip pa ng mata ko si Epal papasok ng bar kaya naalala ko nanaman ang eksenang ginawa ni Chamber.

"Okey lang ako, I can booked a grab car to go home." I smile a little bit to convince him.

Oh shit! Wala nga pala akong dalang phone, napa-sapo ako sa ulo pero pinanindigan ko nalang, gusto ko pang mag un-wine, ang bilis naman kasi malasing ng gaga na ito!

"Sige, pero text mo ako kapag nakauwi kana." Tumango ako at kinuha ang card na binigay ni Justin. Inihatid ko sila ng tingin hanggang sa makalabas ito ng bar.

Huminga ako ng malalim habang nagmamasid sa paligid, ang wield na ng tao sa loob at nawala narin sa paningin ko si Epal, maliit lang ang bar kaya hindi malayong magkita kami ulit,mag-iingat nalang siguro ako, kasabay ng indayog ang lakas ng musikang namamayani sa bar.

It's already 11 pm ng gabi, masyado pang maaga para umuwi. Pumunta ako sa shot glass long table, wala naman akong kasama sa table kaya naisipan kong dito nalang uminom ng alak.

"Hi miss, drink here!" Nakangiting alok sa akin ng bartender, sinuklian ko siya ng kaunting ngiti bago ko ininom ang alak.

"Ahh! Yummy!" I shouted.

Ang sarap talaga ng alak, nakakamiss at nakaka-baliw sa feeling. Sayang wala si frenny, hindi tuloy ako makasayaw sa dancefloor. Adik iyon sa bar. Tinatawag ko nga siya bilang queen of the dancefloor dahil sa baliw niyang sayaw kapag nalalasing.

"Hi miss!" Napalingon ako sa lalaking tumabi sa isang upuan na katabi ko lamang. Nakangisi ito habang nakatitig sa akin mukha. I gave him a fake genuine smile as a greeting.

His wearing a printed polo shirt, nakabukas ang tatlong butones nito kaya kita ang view ng chest niya. He look likes a korean boy because of his eyes, chinito si kuya, Overall, he look very hot! Bigla tuloy uminit sa paligid.

"Annyeong!" Sigaw ko sa harap niya, winawagay-way ko pa ang aking kamay dahil sa subrang saya, dala ng alak.

"I'm not korean," He refusal.

Napangiwi tuloy ako, akala ko talaga koreano siya, sayang crush ko pa naman ang mga Korean boys at bet ko pa naman ang magsalita ng Korean language kapag lasing, chos!

"Sorry, akala ko kasi kor-"

"It's okey, some people also called me as a Korean, but I'm pure Pilipino." Pagpapaliwanag niya.

Pilipino tapos nag-e-english! Char! Tumango ako at binigyan ko uli siya ng malapad na ngiti.

"Wala kang kasama?" Kinuha nito ang shot glass at kasalukuyang iniinom ang tequila.

𝐀𝐗𝐈𝐒 𝐎𝐅 𝐌𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐋𝐃 (𝐀𝐎𝐌𝐖)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon